Kabanata 10

0 1 0
                                    

Kabanata 10

Tragedy and Trust

Dumaan ang isang oras ay patuloy kaming nag-uusap ni Zion. He's very friendly, magaan ang loob ko sa kaniya. Tila matagal na kaming magkakilala.

"It's really nice to meet you, Angel"
Nangingiting saad nito sa akin.

I can't help but to smile back. He's very kind and funny.

"It's really nice to meet you too, Zion"

Biglang kumunot ang noo nito at may munting ngiti sa labi habang nakatitig sa aking likuran. Liningon ko kung anong meron at nagulat ako nang makita si Argon doon na may matalim na titig at mabilis ang mga hakbang nito patungo sa kinaroroonan na amin. His dark eyes darted at Zion before me.

"Nandito ka lang pala, Angel.. I'm looking for you!"
Umupo ito sa aking tabi at ineksamin ang aking katawan. I heard Zion chuckled.

"Anong tingin mo sa akin kuya? Hindi ako nananakit lalo na pa'g kasing ganda niya"

"Shut up Zion! Why are you here by the way?"

Gusto kong hampasin sa braso si Argon sa kaniyang sinabi. Zion is his brother for pete's sake! Bakit naman niya tatanungin kung bakit siya narito? This is their family house! Ako ang dapat tinatanong ng ganiyan.

" I am here for vacation"
Nangingiti namang sagot ni Zion habang umiiling. Tumayo ito at nginitian ako.
"See you.. Angel"
He winked. Naglakad na ito papasok sa mansiyon habang naiwan kaming dalawa ni Argon.

Hindi ko masyadong maintindihan ang mga ibinubulong ni Argon pero halatang galit ito sa kapatid. Magkasalubong ang mga makakapal na kilay nito at nagtatagis ang bagang.

"Are you alright?"
Nag-aalalang tanong ko sa kaniya ngunit napangiwi ako nang tumingin siya sa akin gamit ang madilim na ekspresiyon.

"I heard you were with him for a long time.. anong mga pinag-usapan niyo? Did he hurt you?"

Napamaang ako sa sunod sunod na tanong niya na ang tangi ko na lang nagawa ay umiling. Naguguluhan ako..

"What....did he say then?"
Hinawakan niya ako sa balikat kaya napalingon ako sa kaniya. His eyes are serious and dangerous. Nakasimangot pa siya at nag-iiwas din naman ng tingin.

"We just talk for an hour, Argon.. at saka.. inimbitahan niya ako para bukas kasama ang mga kaibigan niya"
Kumunot ang noo nito at mas lalo lang atang nainis sa sinabi ko.

"He invited you?! Huwag kang sumama"

"B-bakit?"

Hindi ko siya maintindihan. Mabait naman si Zion at sabi nito'y ipapasyal ako sa mga magagandang tanawin dito. Wala namang masama roon ha? At saka magiisang linggo na akong nanatili dito.

"I told you.. Huwag kang sumama"

"Gusto kong sumama!"
Hindi ko na napigilang sabihin. Nagulat si Argon sa naging sagot ko. Kung kanina'y seryoso siya ngayon ay mas nainis na at mas napasimangot pa. Halatang halata sa gwapong mukha nito ang matinding tampo.

"Huwag kang sasama sa kaniya dahil sa akin ka sasama! "

Natuptop ko ang aking labi. Malinaw ba ang pandinig ko? Talaga bang mamamasyal ako kasama siya? Bukas!?

"Saan naman tayo pupunta?"
Hindi ko mapigilang itanong. I smiled sweetly when he looks at me. Lumiwanag naman ang itsura nito at tipid na ngumiti.

"You will know baby"

"Right"
Sagot ko ngunit hindi ko mapigilang ngumiti. I'm very excited! Isasama ba namin si Natasha? Hindi ko alam ngunit ramdam ko ang matinding pananabik para sa pupuntahan namin bukas, hindi lang para sa panibagong kaalaman kundi ay masisilayan ko na rin ang mga bagay na wala sa islang kinagisnan ko.

The Secret Last Memory (Claveria Series 1 )[ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon