Kabanata 4

1 2 0
                                    

Kabanata 4

Trust

Matalas ang pakiramdam ko kung nasa panganib ba ako o hindi. Iyon siguro ang hinahangaan ko sa sarili dahil may kakayahan akong ganoon. And when I saw the yatch kilometer away,I don't feel any hesitationts and doubt to swim over there.

But now.. I'm not sure if I'm still safe while staring at the familiar face of this man infront of me. He looks dangerously handsome and that menacing look of him makes me shiver. I feel like I'm in danger and secure at the same time. I don't know what is going on with my feelings,tila nalilito talaga ako sa nararamdaman.

Hindi ko na alam kung saan ko ibaling ang aking paningin. Lahat sila ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagtitig nila sa akin lalong lalo na ang lalakeng hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa braso ko.

"Gabriel.."
Agad na tumalima mula sa pagkabigla ang tinawag ni Argon na kanina lang ay sigaw nang sigaw sa akin at sinabihan pa akong magnanakaw.

Napaismid ako at umiwas ng tingin.

"Sir.."

"Simulang paandarin ang yate, uuwi na tayo.."

Pagkatapos nitong iutos iyon ay napatingin muli siya sa akin.

The way his brows met, and that stare.. Parang nakita ko na ito dati. Saan ko ba siya nakita?

"Isasama ba natin ang babaeng yan pauwi Argon? Saan siya tutuloy doon, sa bahay mo?Ibalik mo na lang don yan! "

The woman eyes never left mine.Nabigla ito sa agarang desisyon ng kasintahan na kaharap ko ngayon.Dumaan din ang panandaliang frustration sa magandang mukha nito.

Napaiwas na lang ako ng tingin at nahihiyang yumuko.

Mukhang pag aawayan pa ako.

"No Grace, she'll stay with me."

Nakalibutan ako sa tinig ni Argon. His voice is demanding and scary. I can now see clearly the frustrated face of the woman and afterwards, she glared at me.

Padabog itong umalis at iniwan kami doon. Tulala lang din ako at walang muwang kung anong nangyayari.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Papalayo na ang yate sa isla, at kitang kita ko ang unti unting paglaho nito sa aking paningin. Am I really leaving that place? Wherein a very unusual belief that I accepted once in my life.

Napaigtad ako nang may makapal na tuwalya ang ipinatong sa aking mga balikat. Wala na rin ang mga ibang tauhan niya sa paligid. Hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil sa kakaibang pakiramdam ko ngayon lalo ng malamang kami na lang dalawa ng mapanganib na lalakeng ito. Yun ang punto ng puso ko ngayong nagiingay dahil sa kaba.

"How did you come here?"

Biglang nagtanong sa akin ang lalake kaya bahagya akong nagulat.
Kinakabahan ako kapag ang lalakeng ito ang nakakaharap ko. Hindi ko talaga alam kung takot ba itong nararamdaman ko o ano. Hindi naman ako kinabahan o natakot kahit sigaw sigawan ako ng mga tauhan niya kanina. His presence is very unusual to me. Maski si Vergan ay hindi ang ganitong takot ang nararamdaman ko sa tuwing nagagalit sa akin.

Napakagat labi ako at yumuko. Nahihiyang sumagot sa tanong niya kaya pinili na lamang ang tumahimik.

Hindi naman niya ako pinilit na sumagot kaya napabuntong hininga ito.
"Did you escape? Why?"

Mas lalo akong nabigla sa sumunod na tanong niya. Alam kaya niya na tumakas ako? But how? Natagpuan ako ng mga tauhan niya sa cabin pero ang tingin nila sa akin ay magnanakaw pero siya.. wait, I'm not thief!

Yumuko muli ako at hindi ulit ako nakasagot dahil iniisip kong alam niya siguro at nababasa niya sa mga kinikilos ko na tumakas nga ako sa islang yon.

"Are you tired? Hungry? Are you not comfortable with my questions.... or me?"

Napalingon muli ako sa kaniya, narinig ko ang mga mahihinang mura nito at may bahid na iritasyon sa mukha nito. Ipinilig na lang niya ang ulo at tinignan ako. Nagtama ang aming paningin, napaigtad ako roon kaya agad agad akong nagiwas ng tingin.

Nanginginig ang mga binti ko sa kaba. Akma niya sana akong hawakan sa balikat pero agaran akong umatras.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya ibinaba nito ang mga kamay. He looked at me with amusement and curiousness in his eyes. May gusto pa sana itong sabihin pero isiniksik ko ang sarili sa barandilya palayo sa kaniya.

"Hindi kita sasaktan. Aalayan lang sana kita para ihatid ka sa kwarto. Your clothes are wet, lalamigin ka at baka magkasakit ka"

Sabi niya. Tinignan ko ang sarili at kita ko pa ang pagtulo ng mga tubig mula sa aking bestida. Napakagat labi ako at napatingin sa kaniya.

"P-paumanhin"
Nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Don't worry about that. Magpalit ka na lang at papahiramin ka ni Samantha ng maaring isuot mo"

Seryoso ang mga mata nito. Kahit na pakiramdam ko ay tinutulungan ako pero parang inuutusan niya ako ayon sa pandinig ko. Unti unti akong tumango.

Ganoon na ba iyon? Tutulungan na nila ako?
Sinundan ko ng tingin si Argon nang bahagya itong lumayo at tumikhim. Aalis na sana ito pero pinigilan ko siya sa braso.

"Tutulungan mo ako?"
Paniniguro ko. Parang ngayon ko lang rumehistro sa aking isip na nagiba ang turing nila sa akin. I never heard accusements and shouts. Hindi na rin nila ako pinipilit na ilabas ang ninakaw dahil wala naman talaga.

Nagdududa ako kung tutulungan ba nila ako. I don't know what will be my next step, basta ang gusto ko lang ay makatakas at makalayo na sa isla. Wala akong plano at di ko alam kung saan ba ako pupunta. Namulat ako sa isla kaya wala rin akong ideya kung saang lugar ba ako mamalagi sa susunod.

"Do you trust me?"

Napalunok ako sa tanong niya. Naging malikot ang tingin ko para pakiramdaman ang sarili. Pero isa lang ang sigurado ako.

"Oo, I trust you"
Mahinang sagot ko.

Imbes na matuwa ang lalake ay kumunot ang noo nito. He rises his brows and look at me with disbelief. Mali ba ang sagot ko? Hindi ko ba dapat siya pagkatiwalaan?

"Kung ibang yate at ibang lalake ba.. Magtitiwala ka rin?"

Hindi ko alam kung ano ang ipinupunto niya kaya ako naman ang nag angat ng kilay at nagtatakang tinignan siya.

"Hindi"
Maikling sagot ko.

The side of his lips rose. He looks at me with amusement in his eyes. Napakagat labi siya kaya napatingin ako roon.
He's very handsome, the way his collided brows back to normal and a small smile on his lips make him look like a noxious boy but still very attractive.

Para mawala ang tingin ko sa labi niya ay binalik ko sa mata niya ang tingin at sinundan ko ang sinabi ko.

"Hindi ka ba dapat pagkatiwalaan?"
Nagiwas ako ng tingin nang tignan niya ako. Seryoso na ang mga mata nito.

"Hindi dapat. Lalo na kapag ganitong basa ka at ayaw mong magpalit."
Dahan dahan itong lumapit kaya napaatras ako dahil sa kaba.

"A-anong ibig mong sabihin"
Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kaba. Nanginginig na rin ang mga labi ko.

Muli akong umatras dahil napakalapit na ng mukha niya sa akin. I closed my eyes and pray for my safety. Kinakabahan talaga ako ng sobra.

Natigil lamang ako nang may mabunggo akong matigas sa likuran. Mabilis ko iyong nilingon at nakita ang isang lalakeng seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.

"Magpalit ka muna saka tayo mag-usap"
Pagkatapos sabihin iyon ni Argon ay umalis na siya sa harapan ko at tinapik ang balikat ng lalakeng nasa likuran ko.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya"

Nang sinabi niya iyon ay agad itong lumayo at umalis na. Sinundan ko siya ng tingin pero nagulat ako sa lalake dahil hinawakan niya ako sa braso.

"Ihahatid kita sa silid mo"

Napayuko ako at hinayaan na lamang ang sariling magpahila dito.



The Secret Last Memory (Claveria Series 1 )[ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon