On shot no. 2
"Stay or Die?"
"Nasasakal na ako ayaw ko na!Itigil na natin to Arman.Maghiwalay na tayo!"
"Hindi ako makakapayag Harley hindi tayo maghihiwalay!"lumaki ang mga mata niya.Nakakatakot nag liliyab ang mga ito.
"Pagod na ako!Sawang sawa na ko sa buhay na ganito!"
Lumapit siya saakin at bigla niya akong sinakal.
"Pagod?Harley ibinibigay ko naman ang lahat sayo ano pa ba ang gusto mo?""Armand nasasaktan a-ko!"
"Lalo ka lang masasaktan kong ipipilit mo ang gusto mo!Hindi ako makakapayag na iwanan mo.Akin ka lang!"
Binitawan niya ang kamay niya mula sa leeg ko.
"Nagmamakaawa na ako sayo pakawalan mo na ko ilang buwan mo na kong ikinukulong dito."Napakasiloso ni Armand lahat ng nakakausap kong lalaki ay pinapabogbog niya pati ako ay sinasaktan niya.Lagi syang nanghihinala na may lalaki raw ako kahit wala naman.
"Tanggapin mo na lang na hindi ka na makakawala sa akin.Diba nga sumama ka sa akin ang sabi mo pa nga ay mahal na mahal mo ko, na hindi mo ko iiwan."
"Dati yon,hindi ka naman dating ganito.Kinain ka na ng insecurities mo! "
Mula kasi ng nasira ang mukha niya ng dahil sa aksidente ay nagbago na siya.Noong una ay naiintidihan ko pa pero nong nagtagal ay nagbago na ng tuluyan ang ugali niya.Napakasiloso niya at mainitin ang ulo.Umabot na sa puntong kinukulong na niya ako ayaw na kong palabasin sa bahay. Kahit pamilya ko ay hindi ko na nakakausap o nakikita man lang.
"Mamili ka Harley papatayin kita o mananatili ka?"Ilang beses na niyang tinatanong saakin ito. Akala ko dala lang ito ng pabago bago niyang ugali pero napantanto ko na kapag sumuway ako o pinilit ko ang gusto kaya niya kong patayin.
"Armand wag mo namang gawin saakin ito"umiiyak kong sabi.
"Di ba mahal mo ko? "Pagod na ko pagod na ang katawan ko sa pananakit at pagsasamantala nya.Inaamin ko noon mahal na mahal ko siya pero ngayon tuluyan ng nawala ang pagmamahal ko sakaniya."Oo, mahal na mahal kita kaya ko to ginagawa kaya mas mabuti ng patayin kita kesa mapunta ka sa iba, akin ka lang!Anong gusto mo Stay or Die?"
"Sumagot ka!" hinawakan niya ang panga ko
"Armand" umiiyak kong sabi.
"Stay or Die?" Napaupo ako sa lakas ng tulak niya saakin. Puro pasa na ang katawan ko sa kabobog niya saakin sa tuwing hinihiling kong pakawalan na niya na palayain niya na ko.
"Stay."
Mahina kong sabi.Kita kong lumiwalas ang mukha niya.
"Sabi ko na nga ba at mahal mo ko" niyakap niya ko.Wala akong nagawa kundi umiyak.Nakalipas ang ilang oras ay umalis na si Armand.
Tumungtong na ko sa upuan at hinawakan ang lubid na nakasabit.Buo na desesyon ko.
Mas nanaisin kong mamatay kaysa manatili rito.Pagod na ako,pagod na pagod na ako. Alam kong mali alam kong kasalanan ang gagawin ko ngunit heto na lang ang tanging paraan para makatakas ako sa impyernong lugar na to.Stay or Die?
" I choose to die. Goodbye"
End.
LabzWriter
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomOne Shot Stories.. Ibat ibang istorya ang mababasa niyo dito. Lahat po sila ay "Sad stories" Kung mahilig kang magbasa ng mga nakakaatig na istorya ito na ang basahin mo. I try my best. Yong iba dito ay naka post na sa Fb account ko.