𝖮𝗇𝖾 𝗌𝗁𝗈𝗍 𝗇𝗈.1
"Fake Lov𝖾"
"Migs,sino yong kasama mo kanina? Ang dami 𝗄𝖺𝗌𝗂𝗇𝗀 nagtatanong saakin kong hiwalay na ba tayo"
Kinakabahan man ako ay gusto ko parin malaman kung sino yong kasama niya."Si Bea yon nililigawan ko" simpleng sagot niya.Siya naman ikinabigla ko
"Megs naman,diba tayo pa tapos nanliligaw ka na sa iba.
Ano na lang sasabihin ng mga ibang tao?" Naiiyak na sabi ko .Tumingin siya sa mga mata ko.
"Yana, tigilan na natin tong pagpapanggap na ito.""Megs naman."
"Yana tigilan na natin to, pasensiya ka na kong ngayon ko lang ititigil to dapat dati pa."
"Ganon na lang yon? Hindi mo man lang inisip yong side ko kahit bilang kaibigan mo lang ano na lang ang sasabihin nila saakin Megs!" naiiyak na ako ngunit pinipigilan ko lang.
Kaya lang naman naging kami ni Megs dahil ginusto namin hindi dahil nagmamahalan kami. Magkaibigan lang kami ni Megs.Lagi kasi kaming napagkakamalan na magkasintahan.Kaya na pag kasunduan naming magpanggap.
Flasback
"𝑀𝑒𝑔𝑠,𝑌𝑎𝑛𝑎 napapansin ko parati kayong makasama kayo na ba"nagtinginan naman kami ni Megs.
"Ikaw talaga Mariz anu-ano napapansin mo alam mo namang magkaibigan lang kami ni Megs."
"Magkaibigan lang ba? Parang kayo na eh hindi niyo lang sinasabi" napailing na lang kami ni Megs hindi lang to yong unang may nagtanong sa amin. Napagkakamalan talagang kami. Kung ako tatanungin sana totoo na lang pero hindi eh walang kami.
. .
"Yana, hindi mo ba napapansin maraming may gustong maging tayo."
"Ano naman ngayon"sagot ko andito kami ngayon sa Cafeteria.
"Magpanggap kaya tayong tayo."
"Hala ka ayoko."
Ayoko kasi gusto ko hindi pagpapanggap kundi tunay."Pumayag ka na kasi Yana, trip lang naman natin to.Magpapanggap lang naman tayo."
"Ayoko nga" patanggi kong muli.Pero sa totoo lang ang lakas ng kabog ng diidib ko.
"Sige na Yana, kunwari lang naman" nagpacute pa ito saakin.
"Sige na nga papayag ako pero hanggang end of school year lang"
"Talaga! Yes masaya to,basta Yana wala dapat maiinlove ah friends lang tayo."
"O-o naman" umiwas ako ng tingin sakaniya. Wag daw maiinlove? Nainlove na nga ako paano ba yan?
End of Flashback
Naging ok naman ang pagpapanggap namin ni Megs. Kahit hindi totoo ay masayang masaya ako,pakiramdam ko ay perfect couple kami.
Pero yong akala ko magandang panaginip ay bangungot pala.
Unti unting nanlamig si Megs bigla siyang nagbago.
Nalaman ko na lang mula sa mga kaibigan ko na may ibang dene-date si Megs. Hanggang ako mismo ang nakakita na magkasama sila.Sana man lang pinaalam niya sa akin sana man lang sinabi niya sa akin bago pa naging usap usapan kami sa buong campus.
Bago pa ako bumuo ng isang pantasiya na hindi totoo.
"Megs tapusin natin to ng maayos please"parang dinudurog ang puso ko.
"Tapusin naman natin to ng parang totoong tayo" malungkot kong sabi."Yana,maghiwalay na tayo" mabilis na sabi niya. Saglit naman akong napatulala.
"Ok Megs pinapalaya na kita"niyakap ko siya pero agad din akong bumitaw."Sorry Yana,sana mapatawad mo ko dahil hindi ko pinaalam sayo agad"
"tumalikod ako.Gusto ko siyang sampalin pero wala naman akong karapatan. Gusto kong siyang sumbatan pero wala naman ding kwenta kasi hindi naman kami walang kami."Goodbye Megs"tumulo na ng tuluyan ang mga luhang matagal ng gustong lumabas sa mga mata ko.
Sa larong ito ako ang talo.
Una palang mahal ko na siya kahit alam kong hindi niya ko mahal.Fake love.Hindi totoo ang lahat umasa ako na sana merong kami.
Minahal ko siya kahit walang kami.
Umasa ako na balang araw magiging totoo ang hindi totoo.Fake Love para sakaniya.
True love para sa akin.
Unfair.."Huwag pumasok sa isang relasyon na ikaw din ang talo."
End
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
De TodoOne Shot Stories.. Ibat ibang istorya ang mababasa niyo dito. Lahat po sila ay "Sad stories" Kung mahilig kang magbasa ng mga nakakaatig na istorya ito na ang basahin mo. I try my best. Yong iba dito ay naka post na sa Fb account ko.