One Shot Story

13 4 0
                                    


One shot no. 5

𝙼𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚖𝚘'𝚢 𝚒𝚋𝚊"

"Yen, hanggang kailan ka aasa sakaniya?"
"Hanggang siya pa ang tinitibok ng puso ko"
"Ilang taon ka na ba umaasa na gugustuhin ka rin niya Yen."

"Hindi pa naman ako pagod Lyn kaya ko pa naman umasa. Umasa na balang araw mapapansin niya rin ako"

"Umasa ka lang kasi narinig mong may gusto siya sayo, na liligawan ka niya pero ang tagal na non Yen. Kung gusto ka talaga niya dapat dati pa nagtapat na siya sa harapan mo hindi yong maririnig mo lang ang usapin nila ng barkada niya"umaasa nga ako mula ng marinig ko mula sakaniya na gusto niya ako.

"FLASHBACK"

"Alam mo pards may gusto ako kay Yen" narinig kong sabi ni Rocky nasa may tapat kasi sila ng bahay namin kasama ang kuya ko at iba pa nilang barkada, nag iinoman sila.

"Oh bakit hindi mo ligawan?"sagot ni Jay kuya ko

"Nag aalangan ako mga pardz parang kumplikado ang lahat.At saka kapatid mo yon ang hirap baka kong ano pa sabihin ng magulang niyo. "

"Kung talagang gusto mo siya di liligawan mo"

"Kaya nga pardz"sang ayon ng iba.

End of Flashback

Natuwa ako sa narinig ko tila gusto kong magtalon talon sa tuwa. Matagal ko na kasing gusto ni Rocky.

Mula ng narinig ko ang sinabi niya umasa ako.
Araw araw kong hinihintay na magtatapat siya saakin.
Bawat araw na nakikita ko siya lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Makita ko pa lang siya ay nanlalamig at nanamawis na ang mga kamay ko.

Lalo na kapag malapit siya saakin tila hindi ako mapakali. Ang saya ko na yong taong gusto ko may gusto rin saakin. Ang sarap sa pakiramdam.Parati ko rin siyang nahuhuling nakatingin saakin pero hanggang don lang, hanggang tingin lang siya.

Lumipas ang ilang linggon, ang linggo naging buwan walang nangyaring pagtatapat walang nangyaring panliligaw. Hindi ko alam kung bakit.

"Gumising ka na Yen baka nagkamali ka lang ng dinig non o baka dala lang ng kalasingan niya" siguro nga tama si Lyn.

"May ipapakita ako sayo"nilabas niya ang cellphone niya.
"Tignan mo to, may girlfriend na siya" parang winasak ang puso ko sa narinig at nakita ko.
Sa Facebook account niya may isang babaeng naka post sa timeline niya.

"Ikaw lang ay sapat na" yan ang nabasa ko.Binasa namin ang nasa comment section kung saan nag comment si Rocky.
"Ikaw lang din sapat na, i love you❤️"

Shit! May girlfriend na pala siya.
Umasa lang pala ako sa taong may mahal namang iba.
Akala ko ako, diba narinig ko mula sakaniya na gusto niya ako.
Bakit ganon?
Umasa lang pala ako sa wala.
Nagmahal siya ng iba iniwan niya akong umaasa sakaniya.

" Ang sakit"

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon