One shot no. 4
She's Gone
"Tj, kumain ka naman.Ilang araw ka nang hindi kumakain"ramdam ko ang pag aalala mula sa aking ina.
"Hayaan niyo muna ako ma."
"Namimis ka na namin anak ilang araw ka ng nagkukulong. ""Huwag niyo na po akong aalahanin ma magiging ok din ako kapag dumating ang araw na bumalik siya"
"Anak tanggapin muna na hindi siya babalik"
"Babalik po siya hindi niya ko iiwan nangako po siya sa akin"narinig kong bumuntong hininga siya.
"Kalimutan mo na siya Tj"
"Hindi ma hinding hindi ko siya makakalimutan.Maghihintay ako, alam kong babalik siya babalik si Max"Lumipas ang araw.Dumating ang araw na pinakahihintay ko.
"Mahal gumising ka na"pamilyar saakin ang boses na yon.Minulat ko ang mga mata ko.
"Max!"niyakap ko siya ng mahigpit
"Sabi ko na nga ba hindi mo ko iiwan.Bumalik ka, binalikan mo ko" labis ang tuwang nararamdaman ko."Mahal ko,"hinawakan niya ang pisnge ko.
"Bumalik ako para magpaalam sayo ng maayos."
"Anong ibig mong sabihin?"tumulo ang mga luha ko."Tj hindi ko ginustong iwanan ka, mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita hindi ko kayang mawala ka"humagulgul na ko.Niyakap niya ako."Hindi ako matatahimik hanggang hindi mo matanggap na wala na ko Tj"
"Max dito ka lang sa tabi ko parang awa mo na""Ssshh..wag ka ng umiyak.
Tj makinig ka,kailangan mong tanggapin na kailanman ay hindi na ko makakabalik.Mahal kita Tj mahal na mahal pero hanggang dito na lang tayo wala tayong magagawa""Baka may paraan pa Max"
"Wala na Tj, bumalik ako para sabihing kailangan mong bumangon kailangan mong ituloy ang buhay mo kahit wala ako"ngumiti siya saakin
"Hihintayin kita mahal ko.Gusto ko maging masaya ka,gusto ko wag mong sayangin ang oras mo rito sa mundo.Hihintayin kita,mangako ka na babangon ka at aayusin ang buhay mo mahal ko"
"Max, paano ako mabubuhay kong wala ka rin lang.Anong saysay ng buhay ko kong hindi rin lang kita makakasama. Mas mabuti pang sumama na lang ako sayo."
"Hindi pwede mahal ko,tandaan mo parati pa rin ako sa tabi mo at mananatili ako sa puso mo. Hihintayin kita, mangako kang aayusin mo ang buhay mo"
"Pero Max"
"Tj mangako ka"
"Max, hindi ko kayang wala ka" humahagugul kong sabi.
"Tj, kayanin mo para saakin please?" Yumuko ako at bumuntong hininga."Pangako ko Max, aayusin ko ang buhay ko, hintayin mo ko magkakasama rin tayo mahal ko"niyakap niya ko ng mahigpit.
" Aasahan ko ang iyong pangako, hinhintayin kita Tj mahal ko. "
Nagising ako ng may luha saakin mga mata.Nagpakita siya sa panginip ko.
"Hintayin mo ko mahal ko. Darating ang araw magkakasama rin tayo sa langit"
"Mahal na mahal kita,nawala ka man ngunit ang pag ibig ko sayo mananatili sa puso ko"
Hanggang sa huling pagkikita mahal kong Max.
End
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomOne Shot Stories.. Ibat ibang istorya ang mababasa niyo dito. Lahat po sila ay "Sad stories" Kung mahilig kang magbasa ng mga nakakaatig na istorya ito na ang basahin mo. I try my best. Yong iba dito ay naka post na sa Fb account ko.