One Shot no. 3
"Sana ako na lang"
"Axcel, tama na lasing ka na, kanina ka pa umiinom"saway ko.
"Zenny pagbigyan mo na ko. Ang sakit kasi eh,ang sakit dito"sabay turo ng dibdib niya.
"Ano bang kulang sa akin ibinigay ko lahat ng gusto niya.Mga barkada ko iniwan ko pati ikaw na bestfriend ko iniwasan ko"umiiyak na sabi niya. Double sakit ng nararamdaman ko ang sakit pala na yong taong mahal mo ay nakikita mong ganito."May kulang pa ba ako? Diba ibinigay ko naman ang lahat, diba? "
"Wala kang kulang Axcel wala"hindi ko mapigilang lumuha sa harapan niya.
"Oh, bakit ka umiiyak?"
"Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak at nasasaktan"pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya."Pasensiya ka na kung nakikita mo kong ganito.Hindi ko lang matanggap na iniwan niya ako" nakayuko niyang sabi.
Niyakap ko siya ng mahigpit."Axcel andito naman ako"
"Alam ko Zenny, nagpapasalamat ako dahil hindi mo ko iniwan sa kabila ng pag iwas ko. Maraming salamat""Wala yon Axcel mahal kita eh"
"Mahal din kita Zeny""Mahal mo naman ako bilang kaibigan lang"malungkot kong sabi. Humarap siya saakin.
"Axcel mahal kita higit pa sa kaibigan.Kaya subrang nasasaktan ako ngayon.Minsan na nga lang ako umiibig, sa maling tao pa sa taong may may ari na."
"Zenny"
"Please pakinggan mo muna ako.Hindi ko sinasadyang mahulog sayo.Basta isang araw na lang nagising na lang ako na mahal na pala kita. Kaya araw araw kong hinihiling na sana ako na lang, ako na lang yong mahal mo. Kaya nong nalaman kong iniwan kanya galit na galit ako kasi yong taong pinapangarap ko yong taong mahal ko binabalewala,sinaktan at iniwan lang niya""Zenny,sorry hindi ko alam.Sorry nasasaktan na pala kita"
"Wala kang dapat ihingi ng tawad ginusto kong mahalin ka.Axcel sana ako na lang. Sana ako na lang ang mahalin mo""Zenny" hinawakan niya ang kamay ko"Sorry, hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo, pasensiya na"tumayo siya at umalis sa harapan ko. Wala akong nagawa kundi umiyak.
Mali bang hilingin na...."Sana ako na lang"
End.
"Hindi basta basta natuturuan ang puso. Tanggapin mo na lang na hindi ikaw ang mahal niya.
Acceptance kahit masakit"LabzWriter
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomOne Shot Stories.. Ibat ibang istorya ang mababasa niyo dito. Lahat po sila ay "Sad stories" Kung mahilig kang magbasa ng mga nakakaatig na istorya ito na ang basahin mo. I try my best. Yong iba dito ay naka post na sa Fb account ko.