Agad kaming nagsilabasan nung tumunog na ang bell. Inaantok ako. I stayed at Khailo's house last night. Nag-inuman pa. Jared also tagged along pero umuwi bandang 12. Naka-ilang missed calls na rin si Mom. Tss. Pare-pareho lang kayo mukhang pera.
"So, ano balak mo?" Tanong sa'kin ni Jared sabay akbay. Naglalakad na kami ngayon papuntang lunchroom kasama si Khailo.
"Ewan ko." I casually answered as we enter the lunchroom/cafeteria.
Hindi na ako makakauwi sa lagay na ito. Lucky me, fully paid na ako sa tuition fee. Bahala ka d'yan matandang hukluban. Pumila naman kami kaagad. Buti na lang nakapagwithdraw ako ng pera before mafreeze account ko. It would last me for at least a month or so. Papatulong na rin ako kay Jared if ever may vacant position sa café nila. They thought hindi ako mabubuhay without them? Hah. As if.
"Bro... 'Di ba may condo unit ka? Malapit lang 'yun sa school ah." Tanong ulit ni Jared. Oo nga. Kaso, naiwan ko ang key card ko sa bahay. Any time now, baka nakita na 'yon ni Dad.
"Naiwan ko ang keycard sa bahay. Bear with me na lang muna Khai ah. I'll look for an apartment." Binatukan ako ni Khailo.
"Kulang na nga lang ampunin ka ni Mom eh." We laugh. Well, I'm grateful I have friends like them.
Nung nakabili na kami ng lunch, sabay kaming pumunta sa isang available na mesa. Mabuti maaga kaming nakaorder. Maraming tao ngayon eh.
"Nga pala, ba't ka nagkapenalty kanina? Nakita kong naka red mark ka sa attendance mo do'n sa prefect of discipline. Anyare?" Aish. Isa pa 'yon. Community service tuloy ako sa Friday. Ay, bukas na pala 'yon. Pinaalala pa sa'kin ni Khailo. Tsk.
"Oo..." Nagsimula na akong kumain then I continue, "Nawawala ID ko. 'Di ko alam kung sa'n nawala. Baka sa bar ata ni Mary Jane." Nagsimula na kaming kumain hanggang sa may narinig kaming nagsisigawan.
"WHAT?! YOU'RE BREAKING UP WITH ME?!?" Sabay kalampag sa mesa. Whoa. What's the drama all about? Since we're nosy, tumingin kami sa direksyon ng nagsisigawan.
"Si Alexis? What the fuck. Magbebreak na sila ng syota niya, dude." Sabi ni Jared sabay subo ng isang kutsarang kanin.
Alexis? 'Yung maangas na monggoloyd? Tinignan ko 'yung babaeng nasa harap niya. Krista Steiner? Tas aba, kahit nanggagalaiti na 'yung nasa harap niya, naka straightface lang siya.
"WHY?! MAY IBA KA NA?!" Isa pang dabog sa mesa. Sige, para maguidance kang hayop ka.
"OO. I'M DONE PLAYING GAMES WITH YOU." Krista told him without hesitation then tumayo and was about to leave him pero hinila siya ng malakas nitong si Alexis. Napatayo rin ako bigla. Damn that hurt.
BINABASA MO ANG
Meeting Maxmilian (Boys' Love)
Romance[ENG/FIL] Meeting him... Is a fate. Not a mistake.