Khailo's (Ya boy gettin' a POV)
Nasa lunchroom kami currently, we're taking our lunch. Since may community service si Max, ando'n siya sa counter. Kakatapos ko lang umorder at nakaupo na pero si Jared, may binili. Nakalimutan niya ata bumili ng inumin.
Habang hinhintay ko siya, nagvibrate ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino ang nagchat sa'kin... And it's Maylene. Ano na naman ba kailangan nito?
-IN CHAT-
MAYLENE : Khai... I miss you.
Napakamot na lang ako sa noo ko. I already told her several times na we're over.
ME : May, wala na. Please, stop it.
Makakahanap pa naman siya ng bago eh.
Naramdaman kong umupo na sa harap ko si Jared so inilapag ko na muna ang phone ko sa mesa. Gutom na gutom na ako ~
"Oh..." Inilagay ni Jared ang isang can ng coke sa harap ko. Eh? Para saan 'to? May tubig na ako sa tumbler eh. Pero nice. Kanina ko pa gusto magcoke.
"Alam kong tinatamad ka lang bumalik sa counter, kaya ako na." Sweet naman. I grinned then pinisil ang cheeks niya.
"Libre na 'to unggoy ha?" Sabi ko at tinanggal ko ang pagkakapisil sa kaniya. Binatukan naman agad ako tas hinimas ang pisngi niya. Arayyyy ko 'di na ako tatangkad.
"Ang sakit no'n gago. Makapisil ka naman parang minsan ka lang makakita ng cute." Sagot niya at hinihimas pa rin niya ang kaniyang namumulang pisngi.
Aww. But, you're actually cute though. Nagpout pa bigla.
Look at those eyes that would definitely make those girls swoon. His lips... His kissable lips...
"Oh ano tinitingin-tingin mo d'yan? Libre mo ko hapunan mamaya kingina mo ha... Ikaw na nga nilibre." Hala. Coke nga lang nilibre niya sa'kin tas ako pa magbabayad ng hapunan?
"Sinamantala mo lang na hindi ako nakabili ng coke." Sabay iling ko. Magsisimula na sana ako kumain nang biglang sunod-sunod na nagvibrate ang phone ko.
"Itatapon ko na 'yang phone mo." Ani Jared at nagsimula na kumain. Hindi ba talaga ako titigilan ni Maylene?
I heaved a deep sigh then checks my phone.
MAYLENE : PLEASE...
MAYLENE : I NEED YOU...
MAYLENE : Khai...
MAYLENE : Don't make me say it.
She sounds desperate. Say what? Nireplyan ko na lang siya para magtigil na.
ME : Say what? Alam mo May, kung wala kang matinong sasabihin, please lang tumigil ka na.
Nagseen lang siya pero 'di na nagreply so inilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa at kumain na. I didn't mean to be harsh pero come on, my decision is firm. At never na akong makikipagbalikan sa kaniya. Ang toxic niya SOBRA.
"What's with the grumpy face? Pangit ka na nga, ganyan pa mukha mo." Umakto akong hahampasin ko ng kutsara si Jared dahil sa sinabi niya. Tumawa lang siya.
"Kinukulit na naman ako ni Maylene eh." Binuksan ko na ang coke in can and uminom. Nagvibrate ulit ang phone ko. Bahala siya d'yan.
"'Wag mo na lang kaya pansinin? Easy." He suggested. Kung ganun lang kasimple 'yon eh.
BINABASA MO ANG
Meeting Maxmilian (Boys' Love)
Romance[ENG/FIL] Meeting him... Is a fate. Not a mistake.