6 : Accept

170 36 0
                                    

Maxmilian's

I woke up because the ray of sunlight touches my face. It's freaking morning already.

And

I have a class.

Napabalikwas agad ako sa kama.

May community service pa ako!

But what happened yesterday? And 'yung lalaki from before, siya ba talaga ang nakita ko kahapon—pero sino pa nga ba ang hahatid sa'kin dito sa condo.

Napafacepalm ako. He's really a good guy. Gonna thank him again, gano'n?

Magshoshower na sana ako nang mapansin kong iba na ang suot ko from last night. Naka PJs na ako.

Naka PJs na ako.

Wtf. Pinalitan niya ako ng damit. So that means...

Tinignan ko ang "undies" ko and FFS yes pinalitan din. Bahala na nga, basta wala siyang ginawang kalokohan.

May sinat pa rin ako so nagdadalawang isip ako kung papasok pa rin ba ako. Napukaw ng atensyon ko ang isang pink sticky note sa study table ko.

He left a note?

Kinuha ko agad 'yon at binasa.

May porridge sa fridge, reheat mo na lang. Take the meds. Susunduin din kita ng 8:00 AM if ever papasok ka. If not, kindly PM me through messenger. Na sa'kin ID mo, you left it when we were stucked sa elevator. See you.

-William

My lips suddenly formed a smile. So he's William pala.

Hoy, umayos ka Maxmilian!

Psh.

Ba't 'di na lang niya iwan dito, ba't susunduin niya pa ako?

Umupo ako sa kama and checks my phone na nasa study table ko.

William Martins sent you a friend request.

Oh. So he sent me one already.

Should I accept it?

Wala namang masama if I accept it 'di ba?

Geh.

I accepted his friend request then went to the shower. Bahala siya humula kung papasok ako o hindi. Pero why does he care so much? When in fact parang may namamagitan sa kanila ni Krista?

Speaking of Krista...

Binuksan ko na ang shower and I let the water flow to my hair, down to my body...

I finally agreed sa arranged marriage. It's for the best.


QUICK FLASHBACK

I went home after I heard what Krista told me. Ba't 'di nila sinabi sa'kin agad?

Nung makarating na ako sa bahay, hinanap ko agad si Mom.

"MOM! MOM!?" I shouted. Lumabas si Manang Dora at lumapit sa'kin.

"Jusko salamat at umuwi ka Max! N-nasa garden ang Mom mo. Sa'n ka natulog kagabi? Sa condo?" Iniwan ko agad si Manang Dora at pumunta sa garden.

Doon ko nakitang nagdidilig ang Mom ko.

"Mom..." I called her then I started to cry. She turned her attention to me and I saw her worried face. Agad siyang lumapit sa'kin then she hugged me.

"What's wrong, Maxmilian? Tell me? Is it about yesterevening?" Hinahagod niya ang likod ko. I'm such a crybaby.

"Ba't 'di mo k-kinuwento sa'kin na matagal na pala k-kayong lubog sa utang eversince n-na... na diagnosed ako ng leukemia years ago? I should've known para hindi ko ipinilit sa inyo na mag-aral ako sa university na 'yon." She continues to rub my back while I'm hugging her. I should've known. I added, "Nalaman ko pang humahalik si Dad sa mga sapatos ng mga CEOs sa higher companies para lang masuportahan ang pamilya na'tin... And became their loyal dogs. Nagiging laughing stock si Dad sa mga business partners niya..." Humagulgol ako ng iyak. I admit, naspoiled ako eversince gumaling ako. Hindi ko man lang nakita ang effort ng mga magulang ko for me. Naiinis ako. Andami kong masasamang salitang sinabi sa kanila. Hindi nila deserve 'yon... Hindi...

Meeting Maxmilian (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon