12 : Hard Feelings

160 34 0
                                    

Maxmilian's

Nasa field kami ngayon, nakaupo, break time for 20 minutes. Katabi ko si Eiji and we're eating snacks. If you're curious about what happened last time na kasama ko si Khailo sa mall, wala. Nagtingin tingin lang siya tas sobrang tahimik. Hindi naman ako makahanap ng tiyempo kung anong magandang itanong. Sa GC, kami lang ni Eiji ang nag-iingay, minsan pag nagkakausap kami ni Khailo tas biglang magrereply si Jared, magseseen na lang si Khai. Alam ko talagang may mali eh.

"Eiji, matanong ko lang." I asked at uminom muna ng bottled water before I continued.

"Nag-away ba si Khai at Jared?" I asked then I took a bite from my burger.

"Eh? Talaga? Pero oo napansin ko rin na medyo ilang sila sa isa't-isa. Tsaka 'di ba member ng football team si Jared, ba't wala siya ngayon?" Eiji said at tinakpan ang kaniyang bote. Dalawang araw na siyang nagskiskip ng practice. Nung isang araw umabsent pa nga eh.

"Yayain na'tin sila magdinner ngayon?" Nag-isip muna si Eiji bago sumagot.

"Sure. Chat ka sa GC, sabihin mo, punta kamo sila sa shabu shabu house na malapit lang dito sa school. Malapit na naman ata tayo idismiss ni Captain." Sinunod ko 'yung sinabi niya at nagchat sa GC. Sinabi ko doon na magdidinner kami, at ang sinong 'di makakasama, libre niya kami ng baon buong school year. Walang makakahindi.

Nagseen naman kaagad 'yung dalawa, pero di nagreply. Sige, ipagpatuloy niyo 'yan.

Narinig na naming nagwhistle si Captain. Pinapaassemble kami. Nung nakapagtipon tipon na kami saka siya nagsalita, "Bukas, may practice game tayo, kalaban na'tin ang EXE Colleges. Walang aabsent. Dismiss." Ayy nubayan, kung kelan maraming gagawin eh. Ay shit may photoshoot ako for Mr. Freshman.

"Eiji, una ka na lang muna sa may parking lot, susunod ako." Tumango siya at naglakad na paalis. Kakausapin ko si Lance na baka puwedeng iexcuse ako. Practice game pa lang naman, bukas kasi photoshoot.

Lumapit ako sa kaniya habang nag-aayos siya sa kaniyang sports bag sa may bandang bleachers.

"Cap..." Tawag ko sa kaniya. Hinarap niya naman agad ako.

"Yes, Hoffman?" He huskily asked.

"May... Photoshoot kami bukas for Mr. & Ms. Freshmen, baka puwede mo po ako maexcuse sa practice game?" I asked for permission. Hindi naman ako player talaga. They can manage.

Tumango siya pero may pahabol, "Sige... Pero kunin mo 'yung mga bola tas isauli mo sa Lockers Room." Ahhh uutusan lang pala ako.

Pinulot ko naman agad ang mga soccer ball sa field. Nakakapagod, limang bola ang kailangan ipasok sa net. Iniwan na rin ako ni Captain. That leaves me no choice, right? Nung natapos, agad akong pumuntang lockers room.

 That leaves me no choice, right? Nung natapos, agad akong pumuntang lockers room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Meeting Maxmilian (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon