___________________________
Micah's POV
"Micah, anak?" bungad ng Daddy ko pagkapasok niya sa opisina niya. Halatang gulat na gulat ito base sa expression ng mukha niya. Hindi kasi ako nagpasabi na bibisitahin ko siya.
"Daddy!!!" napasigaw naman ako at agad na lumapit sa Daddy ko para yakapin ito.
"Wow anak ang laki laki mo na!" at niyakap niya ako ng sobrang higpit at nagpa ikot ikot pa kami.
"Daddy ang OA mo lang talaga ha. Ilang weeks lang tayong hindi nagkita ehh! I miss you Dad!" hinampas ko sa braso ang Daddy ko na napalakas pa nga ata dahil napa atras siya. Tumawa siya at niyakap ako ulit pero steady na kami this time.
"I miss you too anak! Madami akong dalang pasalubong!" nakayakap pa din si Daddy. Ayaw ata akong bitawan. Doon ko naman napansin na nasa silid din pala si Mr.Serrano. Ano kayang ginagawa niya dito? Di ba niya alam ang salitang privacy? haha!
Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa Daddy ko at ginulo gulo ang buhok niya. Ganito kami ng Daddy ko ehh. Parang magkabarkada lang kung magturingan. Pero syempre puno pa din ng respeto at pagmamahal. Daddy ko pa din sya noh! :)
"Hi Micah!" bati sakin ni Mr.Serrano.
"Hello po!" masiglang bati ko sa kanya.
Sa totoo lang, si Mr.Benedict Serrano ay bestfriend ng Daddy ko since college. Simula noon, lagi na silang magkasama. At ibinuhos nila lahat ng pagod at puhunan nila para lang maipatayo ang ASGC. Sabi nila, worth it naman daw lahat ng paghihirap nila dahil isa sa mga nangungunang corporation sa Pilipinas ang ASGC ngayon. Matangkad si Mr.Serrano, gwapo din. Actually familiar yung mukha niya ehh. Hindi dahil sa nakita ko na si Mr.Serrano noon pero kasi pakiramdam ko meron akong kakilala na kamukha din niya, hindi ko nga lang ma wari kung sino. Si Mr.Serrano parang Brad Pitt! OO NGA! Yun nga siguro yun. Kaya lang, hindi naman kami magkakilala ni Brad Pitt sa personal ahh. :P Kung Brad Pitt si Mr.Serrano, syempre ang Daddy ko hindi magpapatalo, Tom Cruise ang drama ng Daddy ko. GWAPO NOH? Syempre, mana ako sa kanya. :))))
"Long time no see Micah ahh. Lalo kang gumaganda. Nagiging kamukha mo lalo ang Mommy mo. Ilang taon ka na ba?" nakangiting sagot ni Mr.Serrano. Long time no see talaga... Sa pagkakaalala ko, last year pa nung huli kaming magkita. Di kasi ako nagpupunta dito sa office ni Daddy. Sobrang bihira lang. Ayoko kasing makarinig ng kahit na ano tungkol sa negosyo. Kaya nga Fine Arts at Psychology naging course ko diba? Hindi ako interesado na manahin ang business ng Daddy ko at ng bestfriend niya.
"18 po." I snapped out. Nawala kasi sa utak ko na magkausap pa pala kami ni Mr.Serrano.
"At hindi po kami magkamukha ni Mommy! Si Daddy lang ang kamukha ko!!" pagpipilit ko pa. Oh diba? Ayaw ko maging kamukha ang Mommy ko. haha Maganda si Mommy, mukha nga lang daw kaming magkapatid ehh. Kaya lang, mas gusto ko talaga si Daddy ehh. hahaha I know, I'm being unfair.
Tumawa naman ng mahina ang Daddy ko at hinampas ako sa pwet. Si Mr.Serrano naman tumawa ng malakas. Masyado yatang amused sa turingan namin ng Daddy ko.
"Ang princess ko talaga ayaw magpatalo sa Queen." tumatawa pa din si Daddy habang naglalakad ito papunta sa leather chair niya.
"Seems like it. Manang mana sayo Manuel. Ayaw din magpatalo." sabi ni Mr.Serrano sa Daddy ko na tumawa na ng malakas.
"Well, that's my girl!" proud na proud pa ata si Daddy. Ang kulit lang.
"Dad, diba may dinner kayo ni Mommy ngayon? Pwede ba akong sumama?" pangungulit ko kay Daddy. Sayang yung food noh! Sa 5 star hotel pa man din yun! ^__^
BINABASA MO ANG
NBSB: I KNEW YOU WERE TROUBLE
Teen FictionDescription: What happens kung ang haba haba ng hair mo na abot na hanggang pluto dahil pinag aagawan ka ng sangkaterbang lalaki at higit sa lahat di mo alam kung sino ang pipiliin mo sa kanila? ^____^v How will you find love after all? Who would y...