CHAPTER 3: Detention

141 7 3
                                    

_____________________

 Ashley's POV

Tahimik kaming naglalakad papunta sa parking lot. Clear na ang hallway kaya nakakatakot.

6:30pm na din. Feeling ko may mumu na sa likod kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Hoy Chiki! Sa tingin mo, okay lang kaya si Micah doon? Inabandon natin siya friend! We abandoned her! Kawawa naman siya!" nagpapanic na ako. Dapat talaga hindi ko na lang siya iniwanan.

"Relax lang friend! She'll be fine! Ano ka ba! Besides, nandon din naman si Damon. Hindi yun magagahasa ni Sir Nash!" ayyyyy gahasa agad? Di ba pwedeng pahirapan sa punishment muna? haha

"Para namang may aasahan tayo don kay Damon, alam mo naman na ever since first year tayo, wala yang pake kahit kanino noh.... Well, maliban na lang kay Jini. Tsaka gahasa talaga? Siraulo ka teeeeeeh!" she gave me a blank stare tas natawa tawa naman siya bigla sa sinabi ko. May na realize ata siya.

Baliw na ata si Trishia? Ayaw tumigil kakatawa eh.

"Eh kasi naman Ash, swerte nga si Miks kay Sir Nash ehh, hot na nga matalino pa! Sana ako na lang ang na detention!" seryosong sabi pa ni Trishia. Siraulo na nga to. Kung sabagay tama naman siya, hindi maipagkakaila na gwapo at matalino talaga si Sir Nash.

"Sino si Miks?" may girlfriend na si Sir Nash? Sayang naman!!!

"Engot! Miks, si Micah!!!" binatukan pa ako ni Trishia. Kung makalibreng batok naman! Akala ko mapuputol na ulo ko ehh. ToT

WAIT!

"Ha?! Si Micah? Si Micah girlfriend ni Sir Nash?!!" bakit hindi ko yon alam? kaya pala ganon na lang makatingin si Sir kay Micah kanina sa classroom!

"Engot engot talaga!!! Si Micah sabi ko, ang swerte niya kasi kasama niya si Sir ngayon! Wala akong sinabing girlfriend siya ni Sir! Tontang talong!!!" tas pinisil ni Trishia ilong ko. Sumosobra na to ahh! Nakaka ilan na to sakin! huhuhu >.<

 Kaya naman ako nagulat. Eh ang alam ko kasi, walang girlfriend si Sir Nash ngayon. Sa pagkakaalam ko din, more or less, isang taon ng nagtuturo si Sir Nash dito sa W.U.

Natanggap siya agad kahit na fresh grad lang siya. 21 pa lang si Sir Nash noong natanggap siya para magturo dito sa W.U. Oo, tama kayo. 22 pa lang siya ngayon. Bata pa diba? Pwede pa!! HAHAHA! Anyway, hindi biro yun dahil napaka hirap makapasok sa school na to. Kung baga, parang Harvard ang level nito dito sa Pilipinas. Mag apply nga lang para magturo, madami ng screening at qualifications eh. Kaya sobrang dami talaga ang humahanga kay Sir Nash. Sobrang daming estudyanteng may gusto at naghahabol sa kanya. Halos itapon na nila ang katawan nila kay Sir Nash. Siya kasi ang isa sa pinaka batang professor dito sa school. Aside from Ms.Stacey, yung english professor. Well, most likely Literature ang handle ni Ms.Stacey so magiging teacher din namin siya, pero bukas pa ang schedule namin sa kanya.

Hindi namin namalayan ni Trishia na nasa parking lot na pala kami. Buti naman, kasi takot talaga ako sa mumu! Pagdating namin sa parking lot, hinihintay na kami ni Tiffany and Abi. Nakasandal sila sa kotse ko. Kabago bago gusto pa atang gasgasan. Haaaaay.

"Ano? Ang tagal niyo naman! Tara na!" pagmamadali ni Tiff. Kung makautos naman tong kakambal ko. Kung bigwasan ko kaya to?

"Sakay na!" akala niya siya lang pwede mang apura? ^__^

Sumakay na si Tiff sa kotse ko. Si Abi at Trishia naman ay nagpunta na din sa sarili nilang kotse.

Sumakay na din ako sa kotse ko at pinaandar na ito. Haaaaay. Sana talaga maging okay lang si Micah. Kakamustahin ko na lang siya bukas..........

NBSB: I KNEW YOU WERE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon