CHAPTER 4: A Series of Flashbacks

60 5 5
                                    

__________________________

Micah's POV

So far, medyo smooth naman ang naging takbo ng araw ko. Maliban na lang sa ilang mga nakakawindang na eksena kanina. Hindi talaga kinaya ng super powers ko eh. ^__^

Andito ako ngayon sa office ng Daddy ko. Sa ASGC Tower. Dumating kasi ang parents ko kaninang umaga at dumeretso daw agad dito si Daddy. Ang alam ko business trip yung pagpunta nila sa Paris ehh, kasama pa nga daw si Mr.Serrano according to Daddy. Si Mommy naman nag sshopping daw. Ibang klase talaga si Mommy, kadarating lang galing Paris tapos ngayon nag sshopping na agad dito sa Pilipinas. Mahirap istorbohin si Mommy pag nag sshopping siya. Parang bulkan na sasabog. At wala din ako sa mood mag shopping ngayon kaya hindi ko siya masasamahan. Kaya si Daddy na lang ang guguluhin ko dito sa office. Miss na miss ko na kasi siya. Ilang weeks na kaya kaming hindi nagkikita tsaka kukunin ko pa yung pasalubong ko sa kanya from Paris noh. hehehe ^___^v

Sa ngayon, may board meeting daw siya saglit ayon sa kanyang secretary at hintayin ko na lang daw siya dito sa loob ng kanyang opisina. Ohaaaaa, labas pasok ako sa office ng Daddy ko. Ganon talaga, princess eh. hahaha Dapat BORED meeting ang tawag don eh, napaka boring kaya ng ganon. Nakatunganga ka lang ng ilang oras, nakikinig sa mga walang prenong bibig na sinisilyaban ng malalalim na words ang tenga mo para ma distract ka nila. At ikaw naman si shunga-shunga, matutuwa ka naman sa katalinuhan nila, pero ang totoo, kahit sila mismo na nagsasalita, hindi din maintindihan ang mga sinasabi nila. Ang talino ko diba? >__<

Pero ano nga ba talaga ang mga nangyari kanina? Syempre alam kong curious kayo. Well, nung umaga okay naman talaga. Pag pasok ko sa school, as expected, ginulat ako ng mga bruhang chiki at tinanong ako kung saan daw nanggaling ang mga sugat ko. Nakakahiya mang aminin pero sinabi kong nadapa ako. Ngunit, subalit, datapwat, hindi ko sinabing nandoon si Damon at tinulungan ako. Ewan ko ba, baka kasi asarin nila kami ni Damon eh. Nung umaga din na yon, hindi kami nagpapansinan ni Damon. Tinitignan ko siya paminsan minsan pero ang sama ng tingin niya sakin. Sabi ko na nga ba, babalik din ang pagiging demonyito niya. tssssssssss. Pinabayaan ko na lang. Hindi natapos ang araw, nalaman din ni Ashley at Trishia ang totoong eksena sa detention at sa pagkakadapa ko. ToT

Kaya lang, ang nakakaloka sa lahat ay yung mga pangyayari bago mag uwian. Last subject namin ang English. At grabe lang, ang ganda ni Ms.Stacey!!! Si Ms.Stacey yung prof namin sa English pero ibang klase talaga beauty niya. Para siyang barbie. Maganda siya, matangkad, sexy at ang ganda ng accent niya pag nag eenglish siya. Don't get me wrong, di ko siya type noh! BABAE AKO!!! BABAE!!!!! Sadyang nakakainggit lang talaga ang beauty ng lola mo. At eto pa, based on her looks, parang magka edad lang sila ni Sir Nash. Actually, when you come to think of it, bagay na bagay silang dalawa. And speaking of Sir Nash, akala ko buong araw ko siyang hindi makikita which I think is a good thing kasi hindi ko talaga alam kung paano ako mag eexplain sa pag takas namin ni Damon sa detention kahapon. Lalo na ngayon na tinatarayan nanaman ako ni kumag, mukhang di niya ako tutulungan sa pag eexplain kay Sir. Wala din akong lusot kasi si Sir Nash ang prof ko bukas. Pero hindi talaga pumayag si lord na matapos ang araw na hindi kami nagkikita ni Sir Nash, and what's worst? --- in a very weird and awkward situation pa!

FLASHBACK

"Miks, tignan mo, ang ganda ni Ms.Stacey diba? Bagay sila ni Sir Nash kung tutuusin. Tsk tsk tsk. Sayang, may boyfriend na kasi yan si Ms.Stacey ehh." sira ang pagmumuni muni ko. Bigla kasing nagsalita to si Ashley na akala mo nabasa ata ang utak ko. Yun din kasi ang iniisip ko sa pagmumuni muni ko ehh. Pati pala siya iniisip na bagay si Sir Nash at si Ms.Stacey.

"Hoy, napaka chismosa mo girl! Saan mo naman nalaman yan? Ikaw talaga, lahat na lang ng chismis dito sa school alam mo!" natatawa tawa pa ako. Patuloy pa din sa pag ddiscuss si Ms.Stacey.

NBSB: I KNEW YOU WERE TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon