_______________________________
Micah's POV
"A-Abi?!" nabubulol pa ako. 2 syllables, 3 letters na nga lang nabulol pa ako. Pasigaw pa nga ata ang pagkakasabi ko ng pangalan niya kaya naman napatingin yung mga tao sakin sa restaurant.
"Micah?! What a surprise. Dad, don't tell me she's---" she trailed off. Tinignan niya ako sabay baling ng tingin niya kay Tito Ben na tumango tango na lang in response sa kanya.
"Abigail, magkakilala ba kayo ng anak ko?" singit ni Daddy. Palipat lipat pa ang tingin niya saming dalawa ni Abi.
"Yes Tito. Magkabarkada po kami ni Micah sa school." naka ngiti naman siya kay Daddy na parang wala lang. Seriously? Okay lang sa kanyang ikakasal kaming dalawa?! O_O
"Good. Mas maganda yan. Hindi na kayo mahihirapan. Magkasundong magkasundo naman pala kayo. Di tayo magkakaroon ng problema jan." hala. Ako lang ba ang nasa tamang pagiisip? Bakit ganyan silang lahat?! Iiyak na ba ako?
"Anak, ano na pala ang nangyari doon sa pinapagawa ko sayo?" pagtatanong ni Tito Ben kay Abi. Seryoso ang tingin nito. Medyo nakakatakot.
"Dad, dala ko na yung contract kagaya ng pinapagawa mo. Pinaayos ko na yun sa isang legal counsel. Pero ang problema si Kuya Ethan ehh." WHAT?! Anong pinaguusapan nila? Sino naman yun? At bakit ngayon nila to pinaguusapan? Ang dami dami naming dapat linawin dito. Iddefend ko pa sarili ko noh! The nerve of them! ToT
"Bakit? Ano nanaman ang ginawa ng Ethan na yan?" bakas sa mukha ni Tito Ben ang pagkabalisa at pagkainis. Agad itong umupo ulit sa kanyang upuan. Alangan naman sa lamesa umupo diba? ^___^v
"I went to his house Dad.. Gaya nga ng sabi mo, pagkatapos ka niyang babaan ng phone, tinatawagan mo siya ulit pero di na niya sinasagot. Nung ako yung tumawag, sinagot niya naman. Kaya lang nung sinubukan ko siyang yayain na lumabas, binabaan niya din ako ng phone. Tinatawagan ko siya ulit pero pinatayan niya ako ng phone ehh. And yung tinext mong address niya, pinuntahan ko yun pero wala siya sa bahay. Mukhang ayaw niya talaga Dad ehh." pagpapaliwanag ni Abi kay Tito Ben. At this point, hindi ko na talaga naiintindihan.
"As always, he's so stubborn. Pero hindi tayo titigil Abi. Gagawin natin ang lahat para pumayag ang Kuya Ethan mo." and then it hit me. Kuya Ethan? Kuya? May kapatid si Abi? Baka naman pinsan lang or what.
"What are you talking about guys?" pagtatanong ko. Ang gulo gulo na talaga.
"Wala 'to Micah. Just sign the papers here." at kinuha ni Tito Ben yung envelope kay Abi.
Nakangiti naman si Abi sakin. Like SERIOUSLY?! O___O
"Go on." pag uudyok niya sakin habang naka ngiti pa din ito. Hinatak ko naman ang kamay niya at kinaladkad siya palabas ng restaurant. Dinala ko siya doon sa garden.
"Hoy Micah ahh, masakit kaya." pinilit niyang kumawala sa death grip ko ng makarating kami sa garden. Sapo sapo niya pa din ang kanyang kamay.
"Abi!!! Ano ba namang kalokohan to? Bakit ako ikakasal? Bakit tayo ikakasal?!!" pagmamaktol ko sa kanya... Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.
"Ha?! What are you talking about Micah?! Hindi tayo ikakasal! Jesus Christ!" nag explain siya tapos tumawa din ng malakas ng ma realize niya ang iniisip ko all along.
"What do you mean na hindi tayo ikakasal? Sabi ni Daddy at Tito ikakasal daw tayo para sa shares ng kumpanya." di pa din siya tumitigil sa pag tawa. I rolled my eyes at pinunasan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
NBSB: I KNEW YOU WERE TROUBLE
Teen FictionDescription: What happens kung ang haba haba ng hair mo na abot na hanggang pluto dahil pinag aagawan ka ng sangkaterbang lalaki at higit sa lahat di mo alam kung sino ang pipiliin mo sa kanila? ^____^v How will you find love after all? Who would y...