IMBY- 31

2.2K 97 21
                                    

"Ma'am!" Jessica shouted a bit loudly that I jolted, "Ma'am, bakit 'di po kayo pumasok? Pasok po kayo."

Hindi na ako nakagalaw dahil sa gulat ko. Binuksan niya ang pinto saka ko nakitang pare-parehas na nagulat si Aga pati ang mga kasama niyang ngayon ko lang nakita.

Just the sight of them hurts me. I can't help but be bitter as well. Sana wala silang girlfriends dahil kung meron man, maaawa ako sa kanila. Boys get hurt when you tell them they're trash but they really be showing how much of a jerk they are. Kung ganito ang paniniwala nila sa buhay, then they can't convince me that they're loyal because they clearly aren't.

They are cheaters in the making.

But then I didn't want to be rude lalo pa't ayokong iparamdam kay Aga na nakikinig ako sa kanila kanina. Masama talagang maging chismosa minsan. Miguel was right – dito ako dinadala ng pagiging chismosa ko, nasasaktan ako.

Napatingin ako kay Aga na napatayo, "Babes."

"Sir, nakita ko po kasi si Ma'am sa labas, eh."

"K-kanina ka pa?" he asked.

I wanted to say yes para pare-pareho silang malugmok pero I don't want to pick up a fight yet. Kung may kailangan mang umayos nito, kaming dalawa lang ni Aga 'yon. Kung may kailangan siyang sabihin sa akin, sabihin niya sa akin nang kaming dalawa lang dahil naguguluhan na rin ako.

"No, halos kaaakyat ko lang."

"Oh," he sighed and then thanked Jessica, "Thank you."

Pagkatapos no'n ay lumabas na si Jessica. Tinignan ko isa-isa ang apat na kasama ni Aga sa kwarto. Hindi ako sigurado kung nakita ko na sila dati. My memory doesn't serve me well all the time.

"Babes, naalala mo sila? Pumunta sila sa kasal natin," he trailed and then held my back to introduce me to his friends, "Si Hans, si Frank, si Kyle, tsaka si Carl. Mga kaklase ko sila no'ng High School."

I nodded my head. I'm not really interested. 'Di ako interesadong malaman kung sino sila. Ni hindi nga ako convinced na nag-aral sila dahil kung nag-aral sila, dapat alam nila kung anong tama at mali. You can't lose your logic that easy.

"What's that?" he asked and then looked at the paper bag I was holding.

"Steak. I cooked steak for you."

Ngumiti siya saka tumingin sa mga kaibigan niya. They all look like clowns to me.

"Aalis na pala muna kami," paalam ng isa sa kanila but I shook my head.

"No, you don't have to leave. Aalis din ako kasi dadaan pa ako kay Abu," I looked at Aga. He told me I'm bad at lying but I hope my acting skills would work this time, "Dinaan ko lang 'yan dito."

"'Di mo 'ko sasabayang kumain?" he asked, his eyes fixed on me.

"Hindi," diretso kong sagot, "Aalis na ako."

Instead of kissing him on the lips, hinayaan ko lang na mahalikan niya ako sa pisngi. My heart is aching. Kung pwede lang lumabas na sa katawan ko, lalabas na. I want to shout and be mad but I can't. Ayaw kong gumawa ng eksena. I have to remain composed.

Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita. Dire-diretso na akong lumabas ng opisina niya. Dire-diretso na rin akong pumasok sa elevator para makauwi na. I can't stay here.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon