RECAP, PLEASE READ: Nakilala ni Mariana ang mga tropa ni Eugene na mga sikat. Balak niyang gamitin ang mga ito para sumikat din. Inamin ng isa sa kaibigan ni Eugene, si Drake, na may marijuana ito sa locker.
____
KAGAT-KAGAT ko ang kuko ko habang nakatingin sa follower count ko. Tatlo na nga lang, nabawasan pa. Dahil ano, dahil for once, nagseryoso ako sa pagsusulat?
Ihinilamos ko ang mukha ko sa mga palad ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Bakit ang mga sikat na writer, kapag nag-share ng makabuluhang quote mula sa mga sinusulat nila, napapansin? Bakit ako, ina-unfollow?
Ang saklap naman. Alam kong papasok ako nito na wala sa mood.
"Okay ka lang?"
At napansin nga ni Eugene. Tinanong niya ako habang hinahatid kami ng driver nila papasok sa school. Nakatitig siya sa 'kin habang ako ay tulala lang sa harapan ng kotse.
Okay lang," matabang na sagot ko.
"Hindi ka kumain kanina," sabi niya.
Nagulat ako na napansin pa niya iyon. Busy siya kanina sa pakikipagchat, siguro kay Yuki. Kaya nakakagulat nga na napansin niyang napansin pa niyang hindi ako nag-almusal.
"Hindi naman ako gutom," sabi ko.
Tinraydor ako ng katawan ko dahil pagkasabi ko niyon ay tumunog ang pagkalam ng sikmura ko.
Parang nairita naman si Eugene dahil narinig kong pumalatak siya, tapos ay binuksan ang bag na kandong-kandong niya.
Sinulyapan ko siya. Salubong ang kilay niya habang binubuksan ang bag na Robbie Rabbit. At mula sa bag ay inilabas niya ang isang Tupperware na may lamang sandwich na ginawa niya kanina. Itlog ang ulam na iniluto ni inay at nakita ko na iba ang laman ng sandwich, kaya alam kong siya ang gumawa.
Salubong pa rin ang kilay na iniabot niya sa 'kin iyon. "Kunin mo 'to."
"'Wag na, para yata kay Yuki 'yan."
"Kunin mo na," sabi niya.
"No," sabi ko, umiling pa, pabebe.
"Kunin mo na ate," idiniin niya ang huling salita para mang-asar.
Hinarap ko siya. "Bakit ko kukunin eh nakasimangot ka?"
To my surprise, he turned his frown into a smile in a snap of a finger. His brow smoothened, his lips curled and his eyes sparkled. At natulala ako sa kaguwapuhan niya.
"'Ayan na, okay na?" sabi niya na nakangiti pa rin, kaya para siyang tanga. "Kunin mo na."
Hindi ko mapigilang mag-init ang magkabila kong pisngi. Kinuha ko ang Tupperware na may sandwich at inilagay ko sa bag. "Kakainin ko agad kapag nasa room na 'ko," I said.
"Promise?" sabi niya.
"Promise," sabi ko. "OA mo. Pero salamat."
Ngiting-ngiti naman si Eugene. Itinaas-baba lang ang kilay sa 'kin. Ginusto kong kalikutin ang kilay na iyon gamit ang daliri ko. Pero pinigilan ko ang sarili.
"Baka mainis si Yuki. Baka nag-expect siya na dadalhan mo siya ng sandwich."
"Hindi 'yon," sagot ni Eugene. "Family first."
That almost made me sigh. 'Yon ang dahilan kaya hindi ko puwedeng bigyan ng kahulugan ang sweetness ni Eugene. He treats me as a part of his family.
And I don't think he likes incest.
___________-
"NABAWASAN pa ang followers mo?" tanong sa 'kin ni Dottie, habang naglalakad kami sa corridor patungo sa susunod naming klase.
BINABASA MO ANG
Viral Famewhore
RomanceKung dati, ang pangarap ng mga kabataan... doktor, teacher, engineer... ngayon mas gusto naming maging vlogger. Maging sikat. Mag-viral. Anak ako ng maid, mahirap kami, pero may talent naman akong magsulat. Kailangan ko na lang gawin ang lahat para...