CHAPTER FIVE: 2 FOLLOWERS PA DIN
PAUWI na kami nang makita ko na may sugat si Eugene sa kamay. Noong pinipilit sigurong alisin ni Drake ang kamay ni Eugene sa kuwelyo niya, dumiin ang kuko niya sa kamay ni Eugene at nagsugat. Pasakay na si Eugene ng kotse ng hilahin ko siya sa tainga.
"Aray, aray, aray," sabi niya.
"OA mo," sabi ko. Di ko naman kasi nilalakasan ang hila. "Linisin muna natin sa clinic 'yang sugat mo."
At sa clinic nga kami nakarating. Puti ang pintura ng dingding, may mga poster na kung anu-ano na tungkol sa pagkain. Amoy alkohol at betadine. Malamig. Busy ang nurse kaya iniabot na lang sa 'min ang bulak, betadine at gasa. Magkatabi kaming nakaupo sa kama, hinawakan ko ang mainit na kamay niya at sinimulan kong linisin ang sugat.
"Para namang ewan si ate oh," sabi ni Eugene, nang-aasar na naman. "Wala lang naman 'yan."
"Ginagawa ko 'to kasi may utang na loob ako sa 'yo," sabi ko, nilalapat ang bulak sa sugat. "Niligtas mo 'ko."
"Siyempre hindi ako papayag na may mang-api sa 'yo," sabi ni Eugene. "Ako lang ang dapat nambu-bully sa 'yo."
Parang may kiliti akong naramdaman sa katawan ko, hindi ko matukoy kung saan. Mula sa sugat niya ay nag-angat ako ng tingin. "Diinan ko kaya 'tong sugat mo?"
Pa-cute na ngumiti siya, muling naningkit ang mga mata. "Ate kita, kaya ipagtatanggol kita."
Napailing ako, pinaikot ang mga mata. Tapos ay napangiti na rin lang. At sinakyan ang pang-aasar niya. "Kaya thankful ako sa 'yo bunso, eh," sabi ko. "Thank you sa pagliligtas mo. Ang brave brave mo kanina..."
Kiniliti ko siya sa tagiliran. Napaigtad siya. Tapos ay tawa nasiya nang tawa, pilit na pinipigil ako sa pangingiliti. Pero ipinagpatuloy ko ang ginagawa. I was enjoying it. Lalo kaming nagkakalapit. At kapag pinapanood ko siyang tumatawa, kung paanong bahagyang namumula ang mga pisngi niya at kung paanong tila lalong nangingislap ang mga mata niya, parang siya na lang ang nagiging sentro ng lahat. Wala na kong maamoy, madama at makita bukod sa kanya.
Kilabutan ka nga. Kapatid na nga halos ang turing niya sa 'yo, 'di ba?
And I wondered, if I were as pretty as Yuki, would he still treat me like a sister? I bet he wouldn't. I bet if I was pretty, he would see how amazing I was. But I am ordinary, so I have to make the most out of what I can get from him.
___________--
NAGLALAKAD ako sa corridor ng school nang makita kong makakasalubong ko si Drake.
Hindi na siya naka-uniform. Kaswal ang suot niya---t shirt na pula na pinatungan ng itim na jacket. Pantalon na hapit sa katawan. Magulo ang may kulay niyang buhok.
Balak ko sanang tumakbo at iwasan siya pero narinig kong tinawag niya ako.
"Mariana!"
Walang akong choice kung hindi huminto at mapapikit. Narinig ko ang mga yabag niya palapit sa 'kin. Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa kanya, nag-aabang ng saktan niya ako.
Pero hindi niya ginawa. Namulsa siya, parang hiyang-hiya dahil hindi makatingin sa mga mata ko. Sa ilong ko siya nakatingin.
"Puwede ka bang makausap?" sabi ni Drake.
Napakurap ako, bumuntong-hininga. Tapos ay tumango. "Sure."
Sa mini-forest kami ng university nakarating. May mga stone tables and benches doon na nalilimliman ng mga puno. Dumulog kami sa isa sa mga mesa--walang gaanong tao sa paligid namin. Ang naririnig ay ang usapan ng iilang taong malayo sa 'min at huni ng mga ibon.
BINABASA MO ANG
Viral Famewhore
RomantikKung dati, ang pangarap ng mga kabataan... doktor, teacher, engineer... ngayon mas gusto naming maging vlogger. Maging sikat. Mag-viral. Anak ako ng maid, mahirap kami, pero may talent naman akong magsulat. Kailangan ko na lang gawin ang lahat para...
