CHAPTER ONE: 3 FOLLOWERS
Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa comment ni GustongEut sa story ko. I can't believe I am stooping down to this.
Okay, I mean, I know how to write. Marunong ako. Magaling ako. I am one of those losers sa school newspaper, for goodness sake. Pero dahil budding author pa lang ako, I can't compete with big Wattpad authors. They have loyal followers. Magagaling din sila. They make unique and amazing content every minute. Di nila ako maiisingit sa pagbabasa nila. Wala akong appeal sa kanila.
So, naisip ko na kuhanin ko muna ang mga... "kakaibang" audience sa Wattpad community. 'Yong mahihilig sa extreme SPG. Hindi 'yong SPG na artistic ah, may libog pero may craft. 'Yong SPG na pang-tabloid. 'Yong pangtatay na mahilig magsabong. Hirap iexplain. Basta 'yon ang gusto kong makuhang audience.
And it was disappointing.
Marami ng reads ang Ipasok Mo Sa Kin Yan, Sir, pero walang nagfa-follow sa 'kin. Parang kinakahiya nila na binasa nila ang story ko. 'Yong story ko na Dalaga na Ako, Ninong, 100 k reads naman... pero... wala. Wala akong followers.
Tatlo lang. Dummy account ko pa yong dalawa.
Buwisit.
Nakarinig ako ng katok sa kuwarto namin ni inay.
"Anak, gisingin mo na si Eugene," sabi ni Inay. "Nakaluto na ako ng almusal n'yo."
"Ikaw na gumising," sabi ko.
"May ipinapagawa sa 'kin si Concha, eh." Si Miss Mandaue 'yon, nanay ni Eugene. Tita Concha na ang tawag ko sa kanya, sa tagal ba naman ng panunuluyan namin sa kanila. "Ikaw na, anak."
Bumuntong-hininga ako. "Ge," sabi ko. Naglog-out, isinara ang laptop. Tumingin sa salamin, sinuklay ang magulong buhok. Nagtanggal ng muta sa mata. Presentable na ba ako?Hindi. Mukha akong ordinaryo lang.
Ako 'yong babaeng makikita mong bumibili ng fishball
'Yong babaeng humabol sa jeep.
'Yong babaeng pumipila sa terminal ng tricycle.
Tapos hindi lilingunin.
Hindi maalala.
Ordinaryo lang.
"Bakit kasi 'di ako naging maganda?" tanong ng halos lahat ng ordinaryo lang.
At kung bakit din kasi pagtuntong ng high school ni Eugene, naging... guwapo siya. At mabait. Pilyo pero mabait. At kung bakit sa iisang bahay lang kami nakatira.
Sumpa.
Ginaya ko sa salamin 'yong pose ng mga magagandang babae, 'yong bahagyang nakanguso.
Mukha lang akong nagpapakita ng singaw.
Pointless.
Lumabas na ako ng kuwarto. Sa tapat ng kuwarto namin ni mama, ang asul na pinto ng kuwarto ni Eugene. Bahagyang bukas, ibig sabihin hindi niya naisara nang maayos. Napasandal ako sa pinto ng silid namin.
Hay Eugene. Ba't ka di kagaya ng ibang kaedad natin na amoy paa o pigsang hinog ang kuwarto? Bakit mabango ang sa 'yo? Bakit malinis? Bakit di ka kagaya ng ibang lalaki na laging nagla-lock, kasi laging may ginagawang kalokohan? Iba ka, Eugene. Para kang angel. 'Di ka deserve ng earth.
Iyon ang pumasok sa isip ko habang palapit sa kuwarto niya. Di na kumatok o nagsalita, binuksan ko na lang ang pinto.
Muntik na akong mapatili sa nakita.
Si Eugene, balot ng kumot ang pang-ibabang katawan. Ang isang kamay niya, nakalabas sa kumot, may hawak na cell phone. Ang isa, nasa loob ng kumot... gumagalaw. Umaangat-baba ang kumot. Namumula ang magkabilang pisngi ni Eugene, nakatitig lang sa screen ng phone.
Bahagyang dinilaan ni Eugene ang lips niya, and it felt too much so...
"Eugene!" sigaw ko. "Kadiri kaaaa!"
Napabalikwas si Eugene. Humagis ang cell phone sa sahig, natanggal sa pagkakonek sa earphone kaya umalingawngaw sa paligid ang ungol ng isang babae. Nagkukumahog si Eugene na ayusin ang sarili, nagsusuot ng short. Tapos ay parang action star na tinalon niya ang cell phone.
Cum on my face, cum on my face...
Nawala ang alingawngaw. Hiyang-hiyang tumayo si Eugene, umbok ang boxers.
"Takpan mo 'yan!" matinis na tili ko. "Kadiri ka!"
Kinuha ni Eugene ang kumot, tinakpan ang sarili. "Ba't di ka nakatok?" iritang sabi ni Eugene, pulang-pula pa rin.
"Aba, malay ko ba. Bukas, eh. Kala ko okay lang pumasok."
"'Di ko lang nasara nang maayos. Di ka pa rin sana pumasok."
"Malay ko ba?" sabi ko pa. "Sana naglagay ka ng sign sa labas na nakalagay... do not disturb. May nagjaja--"
"Mariana, please," hiyang-hiyang putol sa 'kin ni Eugene.
The thing is, before Eugene became a handsome young man, he's a dugyot little boy. Kaya kung ang ibang babae noon, na may "landi ESP" at napredict ng magiging pogi si Eugene, naging sweet na sa kanya... ako naman, naging harsh. I was a little bit older than him. Two months. I treated him like a little brother.
Now, pinagsisisihan ko na 'yon. Gusto ko na rin siyang landiin. But...
"Mariana?" narinig kong tawag ni Tita Concha sa 'kin, nanay ni Eugene. "Gising na ba si Eugene?"
"Opo, tita!" sigaw ko. "Nandito siya, nagjaja--"
Mabilis ang kilos ni Eugene, tinakpan agad ang bibig ko. "Nagjajumping jacks ako, ma! Exercise!"
Matatawa sana ako sa palusot niya kung hindi ko naalala kung anong kamay ang ipinantakip niya sa bibig ko.
Napatili ako deep inside. Kinilig na nandiri na nasuya na kinilabutan na natawa na ewan. Siniko ko siya at nagpahid ng mukha.
"C'mon, Mariana." Pula na buong katawan niya, parang isinigang na hipon. "It's normal and you know it."
Tinitigan ko siya, kunwaring nakangiwi. Then I rolled my eyes. "Fine," sabi ko, itinaas ang dalawang kamay. "Fine. Bumaba ka na. Naghanda na si inay ng pagkain."
Lumabas na ako ng kuwarto niya. Parang maamong aso na sumunod siya sa 'kin.
"Please, don't mention it mamaya kay mama."
"I won't," sabi ko. "Basta sama ako sa friends mo mamaya mag-lunch."
I desperately want to be with his friends.
"Mariana..."
"Choice mo."
"Fine. Sumama ka sa 'min mag-lunch."
"Good. Mauna na pala ko maligo. Baka magtagal ka sa banyo, eh, tapusin mo 'yang na-interrupt ko."
"Mariana!" sabi ni Eugene.
Tatawa-tawa akong lumayo sa kanya. Anyway, I really need to be with his friends. They are instruments I can use to get what I want.
More followers.
Fame.
BINABASA MO ANG
Viral Famewhore
RomanceKung dati, ang pangarap ng mga kabataan... doktor, teacher, engineer... ngayon mas gusto naming maging vlogger. Maging sikat. Mag-viral. Anak ako ng maid, mahirap kami, pero may talent naman akong magsulat. Kailangan ko na lang gawin ang lahat para...