CHAPTER SIX: 3,352 FOLLOWERS

193 11 3
                                    


RECAP: May followers na siya. All she has to do is have more...

CHAPTER SIX: 3,352 FOLLOWERS

"SO, di nadagdagan ang reads mo?" tanong ni Dottie sa 'kin habang naglalakad kami patungo sa cafeteria. Palabas pa lang kami ng building, sa paligid namin, sa hallway na amoy pinaghalong pabango at teenage hormones ay maraming grupo ng mga estudyante na kanya-kanya ang pinag-uusapan.

"Hindi," sabi ko. "Pinapabasa lang nila sa 'kin ang mga gawa nila."

Dumiin ang pagkakakipkip ko sa mga libro ko. "Di naman nila binabasa 'yung gawa ko. 'Yung iba nga, di naman ako finollow, gusto lang ifollow ko sila. Nagpost lang din sa wall ko ng link ng story nila. Ayun, nagcomment ako sa mga story nila, sabi ko ampapanget."

Parang ngingiwi na si Dottie. "Pa'no na 'yan?"

"Konti pa lang kasi ang tatlong libo, Dottie," sabi ko. Nakalabas na kami ng building, sinalubong na kami ng mataas na sikat ng araw. Nakakasilaw iyon at mahapdi sa balat, iniangat ko ang mga libro para ipantabing sa mukha ko. "Wala pa yon sa 1 per cent ng followers ng mga sikat sa Wattpad. Kaya kailangan, gumawa pa ko ng paraan para magka-followers ako."

Malapit na sila sa cafeteria. Nang makapasok sila doon ay sinalubong naman sila ng amoy ng aircon, tinatangay ang amoy ng mga pagkain.

"Oh eh paano ka magpaparami ng followers?"

"I'll figure that out. 'Kain na muna tayo."

Tatlo ang kainan sa cafeteria. Magkakatabi ang mga iyon, ang sa pinakadulo ay pag-aari ng mga HRM students. Doon sila nagpunta dahil masarap ang mga pagkain doon. Tumingin sila sa mga bandehadong nasa loob ng isang malaking glass shelf. Abala pa sila sa pagtingin ng magsalita ang cashier ng pwesto.

"Masarap 'yan lahat," nakangiting sabi ng cashier. Si Liezl, sikat ding personalidad sa social media.

Liezl Salazar

YouTube Account: FeistyMukbanger

Subscribers: 110,000

Sikat si Liezl na mukbanger. Hindi naman kakaiba ang content niya, di naman butiki ang kinakain niya o Vulca Seal. Pero napansin pa rin siya ng mga nanonood, dahil daw sa katawan niya. Bravery daw 'yon, ang hindi mag-diet kahit malaki na ang katawan. Middle finger sa superficial na lipunan, at sa standards na ibinigay nito sa mga babae.

Nagtry din ako mag-mukbang. Gusto kong sumikat agad, tulad ni Boy Tapang na kumakain ng ipis. Ginusto kong kumain ng langaw na nakolekta sa fly swatter, yong raketa na may kuryente. Di ko naatim. Tama si Boy Tapang, mahina akong nilalang.

Nginitian ko si Liezl. "Sige, isang order nitong chicken pastel," sabi ko. Nilingon si Dottie sa tabi ko. "Ano'ng order mo?"

"Same na lang," sabi niya.

"Dalawang chicken pastel," sabi ko. "Saka dalawang half rice na din."

Nakangiting tumango si Liezl, ihinanda ang pagkain namin sa isang tray. Nang matapos ay inilagay niya iyon sa ibabaw ng glass na estante, at kinuha ko naman ang tray. Si Dottie ang nagbayad.

"Thank you," sabi ni Liezl.

Sa totoo lang, nakakatuwa naman si Liezl. Masiyahin, kahit alam ko na nabu-bully siya kadalasan. Ang YouTube videos niya, inuulan din ng negatibong comment.

Naalala ko 'yong ibang comment na nabasa ko sa Jollibee mukbang niya: Nakakadiri ampotah. Pag gusto ko mawalan ng gana, pinapanood kita. Suya ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Viral FamewhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon