"ARE you sure with this?" tanong ni Dottie sa 'kin, co-writer ko sa school newspaper, my best friend. May hawak siyang garapon na may mga bulate.
Tinanggal ko ang panyong ginawa kong panali sa buhok. Inayos ko ang buhok ko, pinagpag ang panyo at tumingin kay Dottie. "I am sure."
"Baka mabash ka lang, eh."
"Okay din. At least napansin."
Dumampot ako ng mataba at may lupa pang bulate mula sa garapon. Ipinatong ko sa panyong nakalagay sa palad ko. Tapos ay tumingin ako kay Dottie.
"Video-han mo na."
Ibinaba ni Dottie ang garapon sa lupa. Kinuha ang cell phone niya sa bulsa. Itinutok sa 'kin.
Doon ako nagkunwaring sumisinga sa panyo. Pagkatapos, ipinakita ko sa camera ang bulate sa panyo. A video I will post on YouTube later.
YouTube Channel: MarianaTrends
Subscriber: 2 (Si Dottie ang isa, siya yong isa)
First YouTube video: Babae, suminga ng earthworm!
Views: 200 (150 ang sa kanya at kay Dottie)
Comments:
Dottielasofamiredo: #kmjs
Dottielasofamiredo: #kmjs
Dottielasodamiredo: #kmjs
Chloroxblitch: fake ang hinayupak!
![](https://img.wattpad.com/cover/216925130-288-k318105.jpg)
BINABASA MO ANG
Viral Famewhore
RomanceKung dati, ang pangarap ng mga kabataan... doktor, teacher, engineer... ngayon mas gusto naming maging vlogger. Maging sikat. Mag-viral. Anak ako ng maid, mahirap kami, pero may talent naman akong magsulat. Kailangan ko na lang gawin ang lahat para...