ANG SIMULA
"Nanang Carra!" Sigaw ko kay Nanang Carra. Nagmamadali na ako dahil kailangan ko ng umalis upang bumili ng regalo sa pinakaespesyal na tao sa buhay ko.
Nakita kong papalapit na si Nanang sa akin at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Mukhang natakot ko si Nanang sa paraan ng pagtawag ko sa kaniyang pangalan.
"Iha nako pasensiya ka na at abala ako sa kusina-" Hindi ko na pinatapos si Nanang sa paghingi niya ng dispensa sa akin. Hindi siya dapat humingi ng paumanhin sapagkat ako dapat iyon.
"Nako Nanang hindi kayo dapat humingi ng dispensa sa akin. Ako ho dapat iyon sapagkat sinigaw ko ang pangalan niyo at hindi pa pinatapos sa inyong sinasabi." Nginitian lamang ako ni Nanang at sinabing wala lamang iyon.
Si Nanang Carra na ang tumayo kong lola magmula nung mawala ang Dadang at Mamang ko. Si Nanang Carra ang pinakamalapit na kasambahay ni Mamang noon na kalauna'y naging kapatid na ang turing niya dahil sa magandang pakisama nito sa kaniya. Siya ang isa sa nagpalaki sa akin at higit pa sa isang apo ang turing niya sa akin.
"Teka bakit parang madaling-madali ka iha?" Napansin ata ni Nanang na naging tuliro ako sa pag-aayos ng mga gagamitin ko.
"Nako Nanang nagmamadali na po talaga ako, alam niyo naman po kung anong meron ngayon hindi po ba?" Nakangiti kong baling kay Nanang habang sinusuot ang aking coat. Mainit man sa Pilipinas ngunit paborito kong suotin ito dahil kapag suot ko ito naaalala ko ang Mamang ko.
"O siya sige at mag-ingat ka iha ha? Huwag bilisan ang pagmamaneho." Paalala ni Nanang sa akin. Inayos ko na ang aking bag at kinuha na ang susi ng aking sasakyan. Lumapit na ako kay Nanang at niyakap siya kasabay ang pagpapaalam ko.
"Mag-iingat po ako Nanang kayo na po ang bahala rito." Ngiti ko sabay labas sa pintuan ng aking bahay. Agad ko ring tinungo ang aking sasakyan.
Pagkasakay ko sa aking sasakyan ay hindi ko maiwasang mangiti ng isipin kung ano bang meron sa araw na ito. Today is my daughter's birthday. She turns 3 years old today and I can't help but to smile and think that time flies so fast. Noon ay hinehele ko lamang siya sa aking bisig at ngayon ay natuto na siyang takbuhan ako.
Hindi ako nakalabas ng bahay kahapon upang bumili ng regalo dahil natambakan ako ng trabaho sa opisina. I have my own school and I'm working as a teacher. Late na kasing nagpasa ng memo ang head namin kaya lahat kami kahapon ng co-teachers ko ay napa overtime sa office. Si Marix, best friend ko ang siyang nakaa-sign sa paggawa ng mga memo basically she's our head, that's also her dream so I gave in.
Ilang beses rin akong tinawagan ng anak ko dahil unusual ang pag-uwi ko ng late dahil usually 3 pm nasa bahay na ako at binibigay ang buong atensyon sa aking anak. It was pretty late when I head home kaya naabutan kong tulog na si Lhayne at hindi na inabalang gisingin pa.
For today babawi ako sa kaniya and hopefully she would love my gift. After a couple of minutes nakarating na rin ako sa Mall of Asia dahil hindi rin naman ito kalayuan sa amin. I parked my car near to a brown one, Peugeot. Oh not bad and I love its color. I've decided to come out.
Nakita kong bumaba ang isang babae mula sa sasakyan at nakatupi pa ng bahagya ang kanyang skirt, halatang may ginawang milagro dahil sa kalat na lipstick sa kaniyang labi. Tch too gross, can't even go to a motel or hotel it's too cheap.
YOU ARE READING
19 YEARS
General Fiction"Anaria wait!" He's calling out my name but I'm not looking back at him. For what for another excuses? "Hey Anaria I said wait!" He won't stop reaching out for me so I'd stop and faced him then I glared at him. "Wait for what?! For another break? An...