I AM
"Hahaha!" Biglang tawa niya. Nakakapikon talaga ang isang ito. Akala ko sineryoso niya ang kaniyang tinuran, yun pala'y joke time niya lamang ito. Napipikon na talaga ako sa kaniya.
"Ano masaya ka na?" Pagtataray ko sa kaniya. Kaagad din akong umalis matapos ko siyang tarayan. Babalik na ako sa teacher's office. Break time na ng mga college at after an hour ay break time naman ng elementary at highschool.
Napatigil ako ng may marahas na kamay ang humila sa aking palapulsuhan at isinandal ako nito sa isang pader. Nakataas ang isa kong kamay at hawak naman niya ang isa pa. Mula rito ay kitang-kita ang paglabas ng bawat estudyante at iisiping may ginagawa kaming kaberdehan.
"Ano ba?!" Singhal ko sa lalaking humila sa akin. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga kalokohan niya.
"Ano ba?! Nakakarami ka na sakin ha! Kapag hindi ka tumigil---" Hindi na ako nakatapos sa aking sinasabi ng ilapit niya ang kaniyang mukha mula sa akin. Maya-maya ay inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga. Naka high ponytail ako kaya ramdam na ramdam ko ng ibinuka niya ang kaniyang bibig at saka sinumulang magsalita.
"Kapag hindi ako tumigil ano? Anong gagawin mo?" Kinilabutan ako ng maramdaman ang init ng kaniyang hininga. May pang-aakit mula sa tono ng kaniyang boses. Naningkit ang aking mga mata at tinignan siya mula sa gilid at akala mo'y nakikita niya ako. Hinahamon niya talaga ako.
"You really want to know?" Sabi ko na may halong pang-aakit rin. Nag-ipon ako ng buong lakas upang isagawa ang aking plano ngunit nagulat ako sa mga narinig ko.
"Oh em ma'am!" Sabi ng isa sa mga babaeng college student na graduating na.
"Hala si ma'am may boyfie na! This must be the greatest news!" Kumento naman ng isa pang estudyante.
"Ma'am huwag niyo po gawin yan virgin pa po eyes namin." Sabi naman ng isa sa mga lalaking estudyante. Madami pang nagdatingan at sa tingin ko ay magtotropa ang mga ito at sakto pang natiyempuhan nila kaming nasa ganitong puwesto.
"You all, straight to the detention room, now!" Naghuhurumentado kong sabi habang hawak pa rin ako ng lalaking ito. Narinig ko ang kani-kanilang mga apela ngunit sumunod rin kinalaunan.
Alam nilang graduating student sila kaya agad silang sumunod. Matapos makaalis ng mga estudyante ay binalingan ko na ng tingin ang lalaking ito na nakangisi pa."At ikaw naman hetong sayo." Sabi ko sabay tuhod sa kaniyang buddy. Kawawa naman mukhang napuruhan ko talaga ang kaniyang mga bola. Tsk it's his fault anyway. Napakawalan niya ako kaagad at saka na ako umalis. Iniwan ko siyang nakahawak sa kaniyang buddy na mukhang injured sa ngayon.
Nang makarating ako sa office ay agad akong niyakap ng anak ko. Napansin kong namumula ang mala dagat nitong mga mata. Nakita ko namang naiiling si Calyx at nakatungo si Thea. Ano bang nangyari?
"Baby? What happened? Did you cry?" Tanong ko sa kaniya. Mas humigpit naman ang kapit niya sa akin. Agad akong tumungo upang mapatahan siya dahil nagsimula na naman siyang magsalita. Hindi pa rin siya nagsalita.
"Look Anaria, she's afraid of betadine. She thinks it's her blood. Higit pa doon ay mas takot siya sa bulak." Nagpintig ang aking mga tainga ng marinig ko ang huli niyang sinabi.
Binaling ko ang atensyon sa anak ko. Binuhat ko siya at iniupo sa couch. Ako na ang naglinis ng kaniyang sugat. Habang nililinisan ko ang sugat niya ay sinimulan ko ang pagkukwento kay Calyx tungkol sa pag-iyak nito.
YOU ARE READING
19 YEARS
General Fiction"Anaria wait!" He's calling out my name but I'm not looking back at him. For what for another excuses? "Hey Anaria I said wait!" He won't stop reaching out for me so I'd stop and faced him then I glared at him. "Wait for what?! For another break? An...