-4-

13 1 0
                                    

STOP

Panandalian akong napahinto sa kaniyang presensiya. Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito itong si Mr I don't want to know who he is? Napatayo ako ng wala sa oras at inilagay sa aking likod ang anak ko dahil sa Poncio Pilatong lalaking to.

"Bakit kasama ka ng anak ko?!" Singhal ko sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang gulat ng sabihin ko ang word na "anak ko". Hindi lang siya pati na rin si Calyx.

"May anak ka na?" Sabi pa nila ng sabay. Hindi ko alam pero napangunahan rin ako ng takot kaya nasabi ko pa iyon ng wala sa oras. Natahimik ang paligid at nawala lang ng mag-salita si Thea.

"Mga sir hindi niyo po alam?" Hindi ko alam kung bingi lang ba si Thea o sadyang nagulat lang din siya. Sino ba ang hindi magugulat kapag sinabi kong may anak nako samantalang alam ng lahat na single pa ako.

"A-anak ko sa pagkadalaga." Tanging sagot ko at tumango lang si Calyx sa sinabi ko ngunit si Mr I don't care what about his name ay natulala pa rin mula sa kaniyang narinig.

"Hindi ko alam na sa ganda ng katawan mong yan may anak ka na." Malalim na pagkakasabi ng lalaking kasama ng anak ko. May pagkamanyak rin pala ang isang to. Sasagot na sana ako ngunit inunahan na ako.

"Be careful with your words dude." Calyx noted him. Hindi na siya nag-abalang sumagot bagkus ay pinisil nito ang kaniyang labi. May kung ano sakin ang nagpatigil mula sa ginawa niyang iyon. Bakit ba apektadong-apektado ako? Matagal naman ng wala ang lalaking iyon sa buhay ko kaya hindi ko na siya dapat maalala pa.

"Maiba ako, ano bang ginagawa mo rito at bakit kasama ka ng anak ko? Stalker ka talaga." Pagbabalik kong muli sa pangyayari. Matapos ang birthday ng anak ko dalawang araw na ang nakakalipas ay bigla nalang siyang nawala sa overpass.

"I'm just here to visit, nabalitaan ko sa kasosyo ko sa negosyo na maganda ang school na ito. May I talk to the owner?" Presko niyang sabi sa akin. Masyado talaga akong hinahamon ng lalaking ito.

"She's in front of you now." He's mouth automatically formed circle after hearing my words.

"What brings you here?" Tanong ko sa kaniya. Baka kapag nasagot na niya ang tanong ko, malalaman ko na rin kung paano silang nagkita ng anak ko.

"My friend told me that she has a project here in your school. She can't do that for now dahil may biglaang nangyari sa pamilya niya somewhere out there so for now I'm her replacement." Si Jhina, ang kausap ko na mag-aayos ng field para sa gaganaping event ng school. Simula sa pag-oorganize ng mga design pati na sa mga kakailanganin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"I don't think you're fit for her job." Even though he has a style and this kind of aura hindi siya bagay dito. I think he's a model. Mula sa suot nitong leather na jacket na kulay brown, ang simple white color niyang t-shirt, black pants and his Timberland shoes, halatang modelo talaga siya. Kitang-kita ko ang marahan niyang paghinga bago magsalita.

"Why don't you try me then?" Panghahamon niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka ko nakita ang paglalahad niya ng kaniyang palad. Pinag-isipan ko kung dapat ko ba siyang tanggapin, kapag pumayag ako mas madalas ko siyang makakasama higit pa dun ay mas madalas ko siyang makikita.  Ngunit naisip ko rin kung tatanggi ako, wala na akong makakausap na event organizer dahil 3 weeks from now magsisimula na ang Tighten Heart's Week.

Ang event na yun ay nagbibigay privilege sa mga college student na pagpahingahin ang kani-kanilang mga sarili mula sa stress dahil graduating na ang ilan sa kanila. Course by course ang pag-gagawa ng event. Hiwalay sila sa Elementary at Highschool dahil sila mismo ang mag-gagawa ng event na nais nila. Higit na mas engrande ang para sa mga college students kaysa sa dalawang nabanggit. Mula sa isang linggong pahinga nila maaari rin silang umamin sa kung sino man ang kanilang napupusuan. Hindi sa ginagawa nilang dating week ito. Magandang aminin na nila habang maaga kesa naman sa huli.

19 YEARSWhere stories live. Discover now