NO
Pagkagising ko ay sumakit kaagad ang aking ulo. Naparami rin ang nainom namin ni Marix kagabi at hindi ko na mabilang kung anu-ano ang mga napag-kwentuhan namin. Nakita ko sa ibabaw ng aking nightstand ang isang basong tubig pati na ang gamot sa hangover. Marix leave it here with a note.
"Bwitch recall what I've told you last night okay? It will help you to get him off. Luvyah!!"
-Marix
After reading that note, I immediately take the med and come out of my room, the sun is already up. I searched for Nanang when I find out she's not here. Saan naman nagpunta si Nanang? Masyado pang maaga, namalengke kaya siya? Habang tinatanong ko ang aking sarili kung nasaan si Nanang Carra ay bumaba ang bantay ni Lhayne.
"Ma'am hinahanap po kayo ni Lhayne." Bungad sa akin ni Thea. Sinabihan ko siyang ako na ang bahala sa anak ko at asikasuhin nalamang ang pagbalik ni Nanang. Papasok palang ako sa kwarto ni Lhayne ng marinig ko ang kaniyang mumunting binibigkas.
"Da...Dad...Dadshy." Kusa nalamang akong napahinto mula sa pagpihit ng seruda ng kaniyang pinto. She starts to call his Daddy. Naramdaman ko ang biglang pagtulo ng mainit na likido mula sa aking mata. Pinahid ko ito kaagad at nag-ipon ng lakas upang hagkan ang anak ko.
"Mamshy! Gooo mowning po!" Good vibes agad ang nafeel ko. It's unlikely of her. Tsaka maaga rin siyang nagising ngayon. What's with my daughter? Tumabi ako sa kaniya at inayos ko ang kaniyang gusot-gusot na buhok.
"Good morning too baby, you have a fresh start don't you?" Tanong ko na sinundan naman niya ng tango then give me a hug. She's so delicate. Natutunugan kong naglalambing ang anak ko.
"Mamshy can I go wiw you aw your work?" Tanong niya na agad namang nagpangisi sa akin. Maya-maya'y pumungay na ang magaganda niyang mata na malulunod ka kapag tinitigan mo dahil sa kulay nitong deep blue.
"Hmm let mamshy think about it." Sabi ko at saka ko siya tinitigan na kasunod ay ang pagyakap niya at pilit na inaabot ang aking labi upang ikiss para mapasama ko siya. My daughter knows how to convince when she wants something.
Akala siguro niya'y hindi ako papayag na sumama siya mula sa aking trabaho. Glidien can look at her for me. Habang wala ako sa office ay sa kaniya ko muna iiwan ang anak ko. I told Lhayne that she'll be with me and I saw a smile flash in her face.
Ipinahanda ko na kay Thea ang mga gagamitin ng anak ko papuntang school. Sinabihan ko na lang si Thea na tigan-tignan si Lhayne habang nagtatrabaho ako. Saktong pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko ni Nanang na naggagayat na ngayon ng kaniyang mga pinamili. Siya ay sandaling huminto sa kaniyang ginagawa at kinausap ako.
"Aba iha, hindi ba masakit ang iyong ulo?" Puno ng pag-aalala ang paraan ng pagtatanong ni Nanang sa akin. Umiling ako at siniguro ko naman sa kaniya na ayos na ako at wala namang masakit sa akin.
"Ah Nanang, isasama ko po si Lhayne ngayon sa school. Kayo na po muna ang bahala rito sa bahay habang wala ako." Sabi ko kay Nanang pagkatapos ay tinungo ko rin ang lababo at tinulungan na siya sa ginagawa niya. Agad niya namang tinampal ng marahan ang aking kamay.
"Tumigil ka nga diyan iha, mabuti pa at asikasuhin mo na ang sarili mo at pupunta ka pa sa iyong trabaho. Siya madali na." Tinignan ko si Nanang na umiiling-iling pa habang pinagsasabihan ako, hindi ko naman maiwasang mapangiti at mayakap siya.
"Nanang maraming salamat po talaga." Sabi ko at saka ko siya pinakawalan na. Sinabihan naman niya akong wala lang iyon at mag-ayos na ako. I head to my room then to fix myself. It took me minutes before I finally come out. I was surprised when I opened my door. Lhayne is there.
YOU ARE READING
19 YEARS
General Fiction"Anaria wait!" He's calling out my name but I'm not looking back at him. For what for another excuses? "Hey Anaria I said wait!" He won't stop reaching out for me so I'd stop and faced him then I glared at him. "Wait for what?! For another break? An...