-6

17 1 0
                                    

WHERE

Namanhid ang kalahati ng aking katawan matapos kong marinig ang kaniyang sinabi. Ano na naman kayang pumasok sa isip nito at palubog na ang araw ay kinukulit pa ako? Tanong na namuo sa aking isipan. Magsasalita pa sana ako ng may iabot siya sa akin.

"I think you have drop this without noticing." Nakita ko mula sa kaniya ang invitation card about sa wedding ng best friend ni Calyx. Matagal man kaming hindi nagkita, I knew everything about him.

"I just want to give you this before I head home." Dagdag pa niyang sabi. Hindi ako nakaimik pa at nakita ko nalamang ang pag-pasok niya sa kanyang sasakyan. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang papasok ito sa subdivision kung saan ako nakatira. Agad akong tumakbo upang katukin muli siya.

"Open this Mr!" Sabi ko at walang humpay na kumakatok sa kaniyang bintana. Mabuti at hindi siya ganon kabilis mag maneho at hindi rin ganun kalayo, sapat na para maabutan ko siya.

"What now?" Bakas sa kaniyang boses ang iritasyon. Wow ha! He has the nerve to feel that. Hindi ko na ito pinansin at sinadya na ang pakay ko.

"Are you living here?" I immediately said. Hindi siya sumagot at animo'y hindi ako napansin. Naramdamam kong bigla na lang niyang inistart ang sasakyan kaya hindi ko maiwasang bulyawan siya.

"Aba talagang! Kinakausap pa kita diba?" Nakapamewang kong sabi sa kaniya. Nakita ko namang inayos niya ang kaniyang salamin. Akala ko ay tatanggalin na niya ito.

"Dito nga ako nakatira. Bakit bawal ba? Gusto mo ba pareho tayo ng bahay?" Pabalang niya sagot sa akin. Kaunti nalang maniniwala nakong dati tong takas mental.

"Alam mo feeler ka, hindi bagay sayo. Umalis ka na nga." Pagtataboy ko at iginaya ko pa ang kamay ko na para siyang hayop kung aking itaboy. Naiirita talaga ako sa asta niya. Hindi naman ganun kagwapo. Sinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi talaga kahit na may binatbat talaga ang mukha niya. He's like a prince living on this city!

Umatras na ako upang paandarin na niya ang kaniyang sasakyan at makaalis na siya sa harapan ko. Kunot noo akong nagmartsa pabalik sa kotse ko. Hindi pa man din ako nakakalayo ng bigla akong tawagin ng lalaking nakasagupa ko.

"One more thing Miss, I do have a name and its Klydion." In just a snap I was froze.

Sa dinami-rami ng puwedeng pangalan niya bakit yun pa? Kung anonl ring kinagwapo-este kinasama ng itsura niya ay siya ring kinasumpa ng pangalan niya. Ano yun join force para kainisan ko talaga siya? Lilingunin ko pa sana siya upang klaruhin kung totoo ba ang kaniyang pangalan ngunit nakaalis na pala ito. Di bale may bukas pa.

Itinuloy ko nalang ang paglalakad pabalik mula sa aking kotse. I need to relax, I intake so much of stress today! Pagkapasok ko sa aking sasakyan ay natutulog pa rin ang aking munting anghel. Nang makita ko ito ay tila nawala ang lahat ng negativity sa katawan ko. She really ease my stress.

Sinimulan ko na muling magdrive upang tuloy-tuloy na ang pahinga ko sa isang araw na puno ng kalokohan. Ilang minuto pa ang nailagi namin bago tuluyang nakauwi. Mula sa gate ng bahay tanaw ko si Nanang Carra na nag-aabang sa amin. Malamang ay nag-alala siya dahil hindi naman ako tumatagal ng ganito kapag pauwi na.

Pinagbuksan na kami ng gate at inayos ko lang ang pagpapark sa aking sasakyan bago ko sinabihan si Thea na maaari na siyang bumaba. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin ang aking anak. Pagkababa ko ay sakto namang salubong ni Nanang sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

19 YEARSWhere stories live. Discover now