-2-

21 2 0
                                    

TEARS

Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko bago ako makasakay sa aking sasakyan kung kaya't lutang ako habang pauwi. Hindi ko alam kung totoo ba yun o guni-guni ko lang. Sana talaga hindi totoo yung narinig ko kasi kung totoo man yun ibabaon ko rin yun sa dapat kalagayan ng mga bagay na matagal ng patay.

Malapit na ako sa gate ng aming bahay ng matiyempuhan ko si Nanang at ang bantay ni Lhayne. Nakita ko ang kaba noong nasalubong ko sila bago ako magpark ng aking kotse sa garahe. Pagkababa ko palang ay isang mabigat na ekpresyon ang binigay sa akin ng bantay ni Lhayne, kaagad akong bumaling may Nanang.

"Iha mabuti naman at naandito ka na." Hindi ko maipinta ang emosyon na sinalubong sa akin ni Nanang tila may masamang nangyari.

"Nanang bakit ho? Kinakabahan naman po ako, may nangyari po ba habang wala ako?" Bago ko pa marinig ang savot mula kay Nanang ay nagulat ako dahil mayroon akong narinig na tili mula sa itaas. Hindi ko alam pero pakiramdam ko naulit na naman ang nangyayari kapag birthday ni Lhayne. Tinignan ko sandali si Nanang at tanging sabi niya sakin ay naulit na naman.

Kaagad akong kumaripas pataas upang tignan ang aking anak. Laking gulat ko ng mangyari nga itong muli. Hindi ko alam kung bakit patuloy paring nangyayari ang ganito ngunit hindi ko rin naman ito mapipigilan.

"Mamshy!!" Narinig ko na ang tawag ni Lhayne sa akin kaya naman inihanda ko na ang lahat ng mga kakailanganin ko. Another trouble Anaria. Papasok pa lamang ako ay narinig kong muli ang tili ni Lhayne. Pinihit ko na ang seruda ng pintuan kaya naman alam kong hihinto na ito. Bumungad sa akin ang mukha ng anak kong akala mo ay sasabak sa pageant at ang mukha ni Jalyne na humahagalpak sa tawa.

"Mamshy! Look yiya Jayin put some mawe up on my fwace!" Nakita ko na naman ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa inis sa aking kapatid na si Jalyne. Hindi ko alam pero lagi niya nalang nilalagyan ng make up si Lhayne pagbirthday nito ngunit hindi lang yun ang kinaiinis ni Lhayne. Jalyne always cut some of her hair. Naniniwala kasi siya na hindi magiging sawi sa buhay ang babaeng anak kapag ginawa iyon.

Lumaki kasi siya sa Mama ko, magkapatid lang kami sa ina. We're half sisters but still we treat each other as one. Hindi ko pinaramdam ni minsan sa kaniya na magkaiba kami dahil alam ko kung anong feeling ng mabasura. Hinahayaan ko nalang siyang gawin ito sa anak ko dahil mapamahiin ang Mama namin kaya naadopt niya.

"Mamshy, I wook so dirwy na." Hindi nako nagulat ng sundan ito ng kaniyang iyak. Aww ang baby ko umiyak na naman dahil sa tita niyang bruha. Tinignan ko si  Jalyne ngunit humagalpak lamang ito ng tawa at binalewala ang iyak ni Lhayne. She's so used to it unlike the first time. Naaalala ko na sinabunutan siya ni Lhayne. Nakakaawa si Jalyne noon pero ngayon bumabawi na ang bruha.

Nilapitan ko na si Lhayne at saka kinarga, dinala ko na siya sa bathroom niya at saka ko sinimulang gamitan ng make up removal ang rosy pink na mukha ng aking anak. Manang-mana talaga niya sa akin ang kulay niya. Sinimulan ko sa kanyang mapupulang pisngi bago sa kaniyang magagandang mata.

Naaalala ko ang kaniyang ama sa kaniyang mga mata. Nginitian ko si Lhayne at saka siya kiniss sa kaniyang buhok at saka ko hinilamusan ang kaniyang magandang mukha. Hindi ito pwedeng magrashes, Lhayne is a model. She's too young yet she's building her own rampage. Proud mamsh here!

"Mamshy..." Napatigil ako ng tawagin niya ako sa malambing na boses. I looked at her and her face looks so sad.

"Lhayne? Why are you sad? Did I hurt you?" Tanong ko sa kaniya. Nakakatuwa lang na nauunawaan na ako ng anak ko. Hindi siya ganun kahirap kausapin. That's the thing that I adore the most.

19 YEARSWhere stories live. Discover now