Ni isa walang alam si Alora Fulgar tungkol kay Tyrone Gail Teotimo.Isa lang itong transferee sa school nila na nagkagusto sa kaniya.At dahil sa wala siyang gaanong alam pagdating sa pag-ibig,ni-reject niya ito. Pero bago silang magkahiwalay,nag-iwan...
Wala na ang mga bisita at ngayon ay nagsisikantahan na lang sa videoke ang pamilyang Garais at ilang kamag-anak.Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan kong kumakanta ang tito ni Tyrone. Baklang-bakla pero macho.Napatingin ako sa katabi ko ng mapa'tks' ito. Nakasimangot ito habang nakatingin sa tito niya.
"Hindi ba siya nahihiya sa pinaggagawa niya. How gross!" Palatak niyang sabi sabay halukipkip.
"Kung makalait ka sa tito mo parang hindi ka nagbakla-baklaan kanina sa simbahan ah," saad ko dito dahilan para marahas itong mapalingon sa akin at mas lalong mapasimangot.
" Nagsisisi ako na ginawa ko 'yon. Kung alam ko lang na ganito kahalay 'di ko na lang sana ginawa. Ba't ba kasi hindi ko agad naalala na may bakla pa lang akong kakilala naiimagine ko tuloy ang naging hitsura ko kanina sa may simabahan. Parang bulateng nalagyan ng Zonrox," nayayamot na saad niya kaya napatawa ako.
"Ngayon nakita mo na pero bagay din naman sa'yo na maging bakla ka ah.'Yong kagwapohan mo kasi kulang nalang ay magmukha kang babae," saad ko pero nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay agad kong tinakpan ang bibig ko. Napangisi naman ito at tinignan ako ng mapang-asar.
Bibig mo Alora!
"Hhmm, pinuri ako ni Alora. I'll take that as a compliment pero totoo bagay sa akin ang galawang babae?" aniya at tinaas-taas pa ang dalawang kilay.
Magsasalita na sana ako ng marinig namin ang boses ni sir Dennis, tito ni Tyrone. Hawak-hawak nito ang microphone.
" Dahil nandito ang paborito kong inaanak baka pwedeng kantahan mo naman ang tito mo. Tyrone Gail Teotimo, punta ka na dito at kumanta dito sa ating magic videoke!" Masayang pahayag nito.
"Go anak! Ipakita mo sa amin na minana mo ang talento ng papa mo!" Gantong din ni Ma'am Sahara sa anak.
Napahagikhik naman ako. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Ma'am.Nakakatuwa.
"Oo nga Gail saka ipakita mo sa kaklase mo ang kayang gawin ng isang Teotimo! Dali na." Hirit din ni Mrs. Analyn.
" Sh*t ! " Mahinang mura ni Tyrone sa tabi ko.
"Sige na Tyrone kumanta ka na. Pagbigyan mo na ang tito mo saka gusto ko din marinig ang boses mo habang kumakanta ka. Patunayan mo na hindi ka lang gwapo kundi may talent din," nakangiting saad ko habang tinutulak ko siya ng bahagya. Napatitig naman ito sa akin ng mariin bago napabuntong hininga," Okay," at tumayo sa kinauupuan. Lumapit ito kay sir Dennis at kinuha ang microphone dahilan para maghiyawan ang lahat.
"Ang kakantahin mo ijo, Hindi Tayo Pwede by The Juans," saad ni sir Dennis.
Nakasimangot na lang na tumango si Tyrone at nag-umpisang kumanta.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.