O. A. F. S. 4

33 6 15
                                    

Hello! benchrazo . Ang chapter na'to ay dedicated para sa'yo.Isang taon na din ang lumipas nang huli kitang nakachat sa RPW although hindi ko marecall kung ikaw nga pero iniisip ko na lang ang familiarity ng UN mo.Thanks sa pag-follow sa akin kahit na hindi ko gaanong nakikita na active ka dito sa WW.Hehehe!

----------

ONCE A FALLING STAR
Chapter 4


Tyrone Gail Teotimo's
P.O.V

Habol-habol ko ang hininga ko habang naglalaro ako ng basketball dito sa outdoor court
ng bahay namin. Kailangan kong mag-exercise para kahit paano ay bumuti ang pakiramdam ko at gumanda ang sirkulasyon ng dugo ko. Kahit ito na lang ang gawin ko kada araw at 'wag nang magjogging tutal pang-hapon naman 'yong klase namin kaya hindi hassle. Pinashoot ko ang bola sa ring.

Ito na 'yong huling shoot na gagawin ko at nang makapasok ay agad akong tumungo sa bench na malapit sa court

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito na 'yong huling shoot na gagawin ko at nang makapasok ay agad akong tumungo sa bench na malapit sa court.

Kinuha ko ang cellphone na kanina pa nagba-vibrate, hindi ko ito pinansin kanina dahil focus ako sa paglalaro ko. Bago ko sagutin ang tawag ay pinunasan ko muna ng towelete ang pawis ko sa noo,leeg, tiyan at likod.

"Hello,Pa!" Pagbati ko matapos kong ipress ang answer button.

"Hello, anak! Kamusta? Kamusta ang buhay mo dyan sa probinsya? Ayos lang ba? Hindi ka ba nahihirapan?" Sunod-sunod na tanong nito.

Napatawa naman ako.

"Pa, ayos lang ako dito.Naienjoy ko ang buhay ko dito,simple at masaya. Tama si Mama, maganda nga dito," saad ko bago napatingin sa kasambahay na palapit sa kinaroroonan ko. May hawak itong tray na naglalaman ng sandwich at tubig. "Thank you,manang Delia," mahinang pasasalamat ko sa kaniya nang mailapag niya na ito sa tabi ko. Ngumiti naman ito pabalik saka iniwan ako.

Binalik ko ang atensyon ko sa pakikipag-usap ko kay papa.

"May sinasabi ka, Pa?" Nawawala na ako sa sinasabi niya.

Tuhimikhim muna ito bago nagsalita.

"Sabi ko kung nahanap mo na siya."

Huh?

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

Sinong 'siya' ang tinutukoy niya?

"Sinong 'siya'?" Tanong ko na talagang mababakas sa akin na wala akong alam sa sinasabi niya. Clueless ako.

"Owh, hindi ba't pumunta ka dyan para mahanap mo ang 'the one' mo? Hindi mo parin ba 'siya' nahahanap?" Nasamid ako sa sinabi niya. Ngayon alam ko na kung ang tinutukoy niya.

Papa talaga, talagang ipagpipilitan ang bagay na 'yon. Hindi naman 'yon ang rason ko para sumang-ayon ako kay Mama na pumunta dito sa probinsya at ipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin dahil sa Manila ay nasusuffocate ako. Masyadong mausok, magulo, at maingay.Hindi din ako makagalaw ng maayos dahil maraming mata ang nakatingin sa akin. Mahirap kaya ang maging anak ng isang actor at singer.You know, Sunday is my father.

Once A Falling Star (Star Series 3) -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon