Magsisimula naman tayo sa umpisa.Ito naman ang panibagong version ng 'Falling Star'.Natatawa ako sa sarili ko dahil para akong hibang, magulo ang utak.Mahilig magsayang ng pagod.Kahit wala nang gana magsulat heto kamay ko na ang gumagawa ng paraan para magkapagsulat uli.Hindi na maalis sa sistema.
============
Copyright©2020ALL RIGHTS RESERVED.No part of this story may reproduced,distributed or transmitted in any form or by any means,including photocopying,recording, or other electronic or mechanical methods,without the prior written permission of the author.
Plagiarism is a crime.
This is work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner . Any resemblance to actual persons ,living or dead ,or actual events is purely coincidental.
============
ONCE A FALLING STAR
Chapter 1
Alora Fulgar's P.O.VNaitaas ko ang kamay ko sa mukha ko nang tumama ang sinag ng araw sa akin. Naningkit ang mga mata ko nang matanaw ko ang mga kaklase kong nag-aawitan naman sa labas ng canteen. Wala talaga silang pinipiling lugar at araw na magpapansin sa mga dumadaang estudyante at mga teacher. Mga attention seeker porket may mga hitsura.Napabuntong hininga na lang ako saka napakamot sa batok. Ngayon, nagdadalawang-isip na ako kung tutuloy ba ako sa canteen para bumili ng pagkain o hindi. Nakakailang dumaan sa kanila dahil puros mga lalaki. Bakit ba kasi naging tapunan ng mga lalaki ang S. T. E. M. (Science,Technology,Engineering,and Mathematics) 'yan tuloy 'di ko alam kung paano pakitunguhan ang mga gago. Maganda sana kung puro mga babae.
"Alora!" Napalingon ako kay Jeian ng tinawag nito ang pangalan ko. Bitbit nito ang mga manila paper na naglalaman ng mga irereport niya sa Philosopy.
"Bakit?" Tanong ko nang makalapit ito sa akin. Bago niya sagutin ang tanong ko napatingin muna ito sa mga kaklase namin.
"Para silang namamalimos sa lagay na 'yan. Hapon-hapon kumakanta," iling-iling na komento nito bago tumingin sa akin. " Nga pala nakabili ka na ng pagkain sa canteen, Alora?"
Umiling ako sa tanong niya.Kung magyayaya siya ngayon papunta doon ay talagang tatanggihan ko. Nakita ko kasi si Tyrone na nando'n sa mga kaklase namin.Nakikipagsabayan sa trip ng mga ito.
"Kung gano'n sabay na tayong pumunta," aniya at hinigit ako pero bago pa niya ako mahila doon ay agad ko nang nakalas ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Napanganga naman ito sa ginawa ko.
"Ikaw na lang ang pumunta doon,Jeian. Pupuntahan ko pa pala si Renzo sa room niya para kunin 'yong hiniram na notebook sa akin. Sige alis na ako," saad ko at dali-daling naglakad palayo. Hindi ako lumilingon, deri-deritso lang ako hanggang sa makarating ako sa room nila Renzo. Sumilip ako sa may pinto at tinignan ko kung may teacher sila o wala. Nang makita kong wala nga silang teacher ay agad kong tinanong ang babaing kakalabas ng classroom nila. Sinagot naman nito ang tanong ko at tinuro si Renzo na kasalukuyang nagce-cellphone. Dahan-dahan akong lumapit dito at nang damdampi pa lang ang mga kamay ko sa balikat niya bigla na lang may pumigil dito.Napakurap-kurap ako nang makilala ang may-ari no'n ng mag-angat ako ng tingin.
"T-Tyrone," medyo utal-utal na pangbanggit ko sa pangalan niya habang nakatingala ako dito.
"Anong ginagawa mo dito?" Mariin na tanong niya bago tumingin kay Renzo na ngayon ay nagulat nang makita akong nasa may likod niya. Agad itong napatayo at hindi nilubayan ng tingin si Tyrone.Namamangha naman ito habang pinapasadahan ng tingin ang makinis at maputi nitong balat.
BINABASA MO ANG
Once A Falling Star (Star Series 3) -Completed
Roman d'amourNi isa walang alam si Alora Fulgar tungkol kay Tyrone Gail Teotimo.Isa lang itong transferee sa school nila na nagkagusto sa kaniya.At dahil sa wala siyang gaanong alam pagdating sa pag-ibig,ni-reject niya ito. Pero bago silang magkahiwalay,nag-iwan...