O. A. F. S. 9

23 4 3
                                    

Dedicated to: kengkengjie

------------

ONCE A FALLING STAR
Chapter 9

Alora Fulgar's P.O.V

Mugto ang mga mata ko nang magising ako kinabukasan. Kagabi matapos akong pagalitan at paluin ay dumeritso agad ako sa silid ko at doon umiyak. Masama ang loob ko. Kapag naaalala ko ang nangyari kagabi ay sumisikip ang dibdib ko.

Napatingin ako sa kuya ko ng sumilip ito sa silid ko. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Pumasok ito ng makitang gising na ako at umupo sa papag na tinutulugan ko. Tinignan ako nito.

"Ayos ka lang, Alora? Nagkuwento si Mama sa amin ni Papa kanina tungkol sa nangyari kagabi. Totoo ba na . . . " Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at iniisip kung ipagpapatuloy niya ba ang sasabihin niya. Napabuga ako ng hangin dahil mukhang alam ko na ang tinitukoy niya.

"Naniwala ka naman sa kaniya? Alam mo naman ang ugali ni Mama diba kahit maliit na bagay ginagawa niyang issue, pinapalaki niya. Hindi ko nga alam kung bakit siya ang pinili ng Diyos na maging ina natin eh. Kunyari mabait sa ibang tao pero kapag may nakitang mali lang dito buong pagkatao huhusgahan na niya. Wala siyang pakialam sa ano ang mararamdaman ng taong iyon," malungkot na saad ko at umiwas ng tingin.

"Naiintindihan kita Alora. Hindi 'yon magagawa ng kaklase mo sa'yo kahit sa maikling panahon na nagkausap kami no'ng dinala mo siya dito sa atin alam kong mabuti siyang tao," aniya saka ngumiti at tinapik ako sa balikat.

"Hayaan mo na si Mama masyado na siyang matanda para painitin pa natin ang ulo niya. Intindihin na lang natin siya saka 'wag ka nang magtanim ng sama ng loob makakasama iyon sa'yo. Sige mag-asikaso ka na sa pagpasok mo mamaya." At doon ay iniwan na niya ako. Lumabas na ito ng silid ko.

Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng kuyang katulad niya. Akala mo pabayang tao pero may concern pa lang tinatago para sa pamilya niya.

 Akala mo pabayang tao pero may concern pa lang tinatago para sa pamilya niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xavier Micle Fulgar, 'yan ang buo niyang pangalan. Napapikit ako ng mariin at pinakalma ang sarili. Tutal mamayang pang alas dose ng tanghali ang klase namin ay tutulong muna ako dito sa mga gawaing bahay at sa pagluluto ng pagkain.

NAKABIHIS NA AKO ng uniporme at handang-handa na ako sa pag-alis ko ng bahay papuntang school pero napatigil ako ng makasalubong ko si Mama paglabas ko ng silid. Seryoso ako nitong tinignan at pinasadahan ako ng tingin.

"Sino ang may sabi sa'yo na papasok ka pa, Alora. Hindi ka na papasok simula ngayon," aniya dahilan para matigilan ako at mapatulala. Bumaha sa sistema ko ang kaba at takot. Tama ba ang narinig ko? Napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko. Parang isang bomba 'yon na sumabog sa mundo ko. Parang gumuho ang mga pangarap ko.

"A-Ano ang ibig niyong sabihin?" Nauutal na tanong ko.

Gusto ko naman umiyak. Sobra na 'to!

"Ang ibig kong sabihin hindi ka na papasok sa Del Rosario National High School simula ngayon at doon ka na sa tita mo mag-aaral sa kabilang bayan," aniya na hindi parin nababago ang ekspresyon ng mukha niya.

Nanglambot ang mga tuhod ko sa narinig at kulang na lang umiiyak na ako ng tuluyan sa harap niya. Napayuko at napatiim bagang.

"Bakit kailangan niyong gawin ito,Ma? Bakit ganiyan kayo kagalit kay Tyrone? Mabuti siyang tao at wala siyang ginawa sa akin kahapon. Wala siyang ginawang masama para gabihin ako sa pag-uwi. Ma... 'wag niyo naman hong gawin ito. Ayaw kong lumipat doon kila tita, Ma at gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito sa Del Rosario. Sorry kung natagalan ako sa pag- uwi." Puno ng pagmamakaawa na sabi ko pero nanatiling matigas lang ang ekspresyon niya.

"Hindi Alora, hindi ko kayo hahayaan na magkita ng lalaking iyon. Lilipat ka at ngayon ka aalis. Mag-ayos ka na ng mga dadalhin mo." Final na desisyon niya saka niya ako tinalikuran.

Nanghihina naman akong napasandal sa hamba ng pintuan ng silid ko. At unti-unti nagsisilabasan na ang mga luha ko sa aking mga mata.

Bakit ganito si Mama? Bakit ang kitid ng ulo niya? Sarili lang niya ang pinapaniwalaan at sinusunod.

Nasasaktan ako!

Hindi ba niya iyon nakikita? Na nasasaktan ang anak niya!

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa silid ko at magbihis. Dahil final na ang desisyon niya ang tangi ko na lang magagawa ay sundin na lang ang gusto niya. Sobra ko sigurong mahal si Mama kaya kahit na nasasaktan na ako hindi ko parin magawang umangal at sumuway.

Dahan-dahan kong sinisilid sa malaking bag ang mga gamit ko na dadalhin ko sa bayan ng St. Madallen habang 'di parin maampat ang mga luha ko sa aking mga mata. Pinahiran ko ito at napatingin ako sa maliit na relo na nakasabit malapit sa may bintana at nakita kong pasado alas dose biente quatro na. Malungkot akong napangiti mamimis ko ang Del Rosario, mamimiss ko si Jeian at ang iba pa naming kaklase. Para na din kasi mga kapatid ko sila eh. Sayang hindi ako makakapagpaalam sa kanila biglaan kasi eh, hindi ako naging handa.

"Tapos ka na dyan?" Napaangat ako ng tingin at napatingin sa may pinto ng marinig ko ang boses na iyon ni Mama. Hindi ako umimik at tumango na lang.

"Ilabas mo na 'yan at ilagay mo na doon sa tricycle." Aniya tapos umalis.

Napabuntong hininga ako saka binitbit ang bag palabas ng bahay. Nakita ko si kuya na inaayos ang iba kong dadalhin papuntang St.Madallen. Nang marinig nito ang mga yabag ko ay agad itong napatingin sa akin at kinuha ang hawak-hawak kong bag. Puno ng pasensya ang makikita ko sa kaniyang mga mata.

"Iniingatan ka lang ni Mama Alora 'wag mong samain ang ginagawa niya sa'yo." Aniya na hindi ko naman pinakinggan. Pumasok ako sa loob ng tricycle at umupo.

Balak pa niyang kampihan si Mama eh kita naman niya na mali na ang ginagawa nito sa akin. Nangdadamay pa ng ibang tao.

" 'Wag kang magpapasaway sa tita mo doon, Alora ah. Tumulong ka sa mga gawaing bahay. 'Wag kang magpabigat .. . Sige na Xavier ihatid mo na 'yang kapatid mo doon sa St. Madallen, hinihintay na siya doon ni Helena," saad ni Mama na di parin nakikitaan ng awa ang mga mata.

Nang mag-umpisa nang lumarga ang tricycle papalayo ay ni isa ay hindi ako sumulyap sa bahay namin o di kaya'y kay Mama. Wala si Papa dahil kaninang pakatapos naming kumain ng tanghalian ay agad itong umalis para pumunta sa palayan namin, ipagpapatuloy nito ang pag-aararo.

Napapikit ako at sa paraang iyon malungkot na mukha ni Tyrone kagabi ang lumitaw sa isipan ko. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.

Mukhang hindi tayo magkikita.

Hindi na ako makakabawi sa'yo.

Sorry.

----------------

(EDITED)

Iyong picture ni Xavier (Seyvier) hindi ko alam kung ano totoong name niya nakita ko lang siya sa google. I think Male Handsome Korean Model ata ang tinayp ko, di ko alam. Kayo, kung kilala niyo siya pwede 'yong sabihin sa akin. Thank you!

Next update? Matatagalan naman. Tipid-tipid muna tayo sa pera.

[Date Published: April 02,2020]

©©©©©©©©©

Thank you for reading!

floomacille

Once A Falling Star (Star Series 3) -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon