O. A. F. S. 10

17 4 2
                                    

Dedicated to:4_Angels

------------

ONCE A FALLING STAR
Chapter 10


Tyrone Gail Teotimo's
P.O.V

Nilibot ko ang buo kong paningin sa loob ng classroom nagbabasakali na makita siya. Napabuntong hininga ako dahil hindi talaga siya pumasok ngayong araw. Hindi ko alam parang kinakabahan ako, kagabi pa. Pakiramdam ko talaga parang hindi ko na siya makikita.

Napatingin ako kay June nang umupo ito sa bakanteng silya na katabi ko, isa sa mga kaklase kong lalaki pero palaisipan sa akin kung tunay nga siyang lalaki o hindi. Medyo malambot kasi eh.

Ngumiti ito sa akin at may binigay sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan nang makita kong isa itong card pero wala namang nakasulat.

"Anong gagawin ko dito?" Takang tanong ko sa kaniya.

Nangalumbaba ito sa arm chair at makahulugan akong tinitigan.

"Sa tingin mo sapat ba kay Alora 'yang ginagawa mo? Ang iparamdam lang sa kaniya? Hindi naman sa nakikialam pare pero mas mabuting sabihin mo na agad sa kaniya ang nararamdaman mo. 'Wag puro nakaw tingin lang at nakaw na sandali. Sabihin mo sa kaniya para hindi iba ang maging tingin niya sa mga ginagawa mo. Gamitin mo 'yang card na 'yan. 'Yan ang maiiwan sa kaniya kapag naging komplikado ang lahat." Napaawang ang mga labi ko sa kaniyang sinabi pero pagkakuwan ay tinikom ko din naman agad ang bibig ko at tinignan siya ng seryoso.

Magaling siyang mag-obserba pero hindi ako aamin.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunwaring hindi ko alam kung ang tinutukoy niya.
Napakurap-kurap naman ito.
"Hindi ba't may gusto ka kay Alora? 'Wag mong sabihin itatanggi mo?" 'Di makapaniwalang saad nito.

Napatawa naman ako.

"Hindi ako pumpatol sa ampalaya, June. Mas pipiliin ko pa 'yong mga kagaya ni Winsel na marunong mag-ayos ng sarili at marunong magdala ng mga damit. Si Alora kulang na lang mag-mukhang matanda. Hindi ko siya type," saad ko at umiling-iling pa.

'Just great Tyrone. Just great. Ipagkaila mo at itanggi.

Hindi ba't noong una mo pa lang siya makita hindi na agad siya nawala sa isip mo? Nabihag ka sa kabaitan niya, sa pagmamalasakit, at sa concern na pinapakita niya. Laitin mo siya iba parin sinasabi ng puso mo.'

Saad ng isang parte ng utak ko.

Lihim naman akong napamura at bumakas sa mukha ko ang ngiwi.

"Hindi ako naniniwala,Ty----"

"June, 'wag mo nang ipagpilitan. 'Wag ka nang makialam. " Madiin na sabi ko dito saka ako tumayo at iniwan ito.

Hindi porket nakikipag-usap ako sa kanila ay may karapatan na silang magtanong ng kung anu-ano at makialam sa personal kong buhay. Kaklase ko lang sila, hindi kaibigan.

NAPABUGA ako ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. Gabi na. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko sa Manila. Isang ring pa lang ay sinagot na niya ito.

"Hello, Tyrone?" Tanong nito na mababakasan mo ang saya sa boses nito.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Atlast tumawag ka din, pare! May ibabalita ako sa'yo at talagang magugulat ka." Aniya na para bang sabik na sabik na siyang ibalita ang mga nalalaman niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko at sumandig sa dingding. Nakatingin parin ako sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa kalsada.

"Pare, pupunta dyan si Rebecca!"

Once A Falling Star (Star Series 3) -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon