KABANATA-VIII

340 4 0
                                    

ETHAN POV.

"Uy pre ang ganda nun ah."sabi ni Andrie.

"Oo nga pre." Sabi naman ni Andrew

"Tsk panget panget nun,saan banda ginanda nun?"sabi ko.

"Yieee type mo no?" Dalawa sila.

Wtfff yung babaeng yun type ko? NEVER IN MY ENTIRE LIFE.

"No way."sabi ko

"HAHAHAHAHA." Tinawanan lang ako ng dalawa na ito bastos.

"Tsk tara na nga malelate na tayo 5mins nalang."yaya ko sa kanila

ALEEZAH POV.

Sakto pag upo namin ni Ann ay biglang dumating ang teacher namin sa history.

"Good afternoon class."

"Good afternoon sir."

So after ng batian ay nag lecture na si sir pero halos lahat kami ay hindi nakikinig sa kanya kasi naman ang boring ng subject na ito tapos boses pa ni sir ang hina.

Matapos ng mahabang lecture ay nag ring na ang bell at uwian na.

"Tara na Aleezah."

"Sige mauna ka na diba sinusundo ka naman."sabi ko.

"Hindi,hintayin nalang kita."sabi nya.

"Wag na matatagalan ka lang pupunta pa kasi ako sa locker."sabi ko

"Aw sige ikaw bahala."

"Sige byee una na ako."

"Sige bye,ingat sa pag uwi."sabi ko.

"Sige ikaw din."

Sabay alis nya,ako naman ay lumabas na din ng room matapos kong ayusing ang gamit ko at ilagay sa bag ay dumeritso na ako sa locker namin upang ilagay ang ibang books ko doon ang bigat kasi masyado.

Nag lalakad na ako Sa hallway papunta sa locker at feeling ko kanina pa may sumusunod saakin pero pag tumitingin naman ako sa likod ay wala naman akong nakikita,natakot na ako dahil mag isa lang ako dito sa hallway kaya binilisan ko nalang ang paglalakd ko para makarating agad sa locker at mailagay na ang books ko.

Narating ko na ang locker ko at dali dali itong binuksan at sinarado agad pagkatapos ko mailagay ang mga books ko.

Pagkasarado ko ay parang may nakita akong tao sa dulo ng hallway na ito na tumago sa gilid nito paliko.

Natakot ako kaya sa fire exit nalang ako bumaba,mahirap na at baka yung killer pala iyon diba.

So ayon dali dali akong bumaba para makalabas na ng building na ito at masundo na sa gate.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa building ng buhay.

Dumeritso ako sa may guard house at doon hinihintay ang susundo saakin.

Almost 10 minutes bago dumating ang sundo ko.

"Sorry maam natagalan po ako,may banggaan po kasing nangyari sa highway kanina lang."paumanhin ni manong

"Okay lang po."sagot ko.

Nag simula na si manong mag maneho ng sasakyan at umalis na din kami para umuwi sa bahay.

Pag kadating namin sa bahay ay dumeritso na ako agad sa kwarto ni Aubrey para mag pahinga.

Nakakapagod kasi ngayong araw ang daming ginagawa.

I LOVE YOU UNTIL THE END (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon