KABANATA-XXI

340 6 1
                                    


ALEEZAH POV.

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama saakin.Wait anong oras na ba at bakit parang iba ata hinihigaan ko? Tanong ko sa sarili ko.

Iminulat kona ang aking mga mata at nakita ko ang puting kisame at ang inilibot ko ang aking paningin ng mapagtanto ko na nasa kwarto pala ako.

"Bakit ako nandito?"Yan ang tanong ko sa sarili ko.sa pagkakaalam ko nasa bangka lang ako natutulog tapos paggising ko dito na ako sa loob ng kwarto ko.Sini naman kaya nagdala saakin dito?

Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ko at biglang pumasok si Aubrey.

"Oh gising ka na pala,Kain ka muna oh dinalhan kita ng lunch mo." Sabi nya sabay ngiti.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba? Gusto mo sa bangka ka nalang matulog at tumira? HAHAHA." Sabi nya at tinawanan lang ako.

"Duh malamang dinala ka dito sa kwarto mo." Sabi pa nya.

"Sino?ikaw?" Tanong ko.

"Duh malamang hindi ako ang bigat mo kaya."

"Then who?"

"Sino pa ba? Edi si Ethan mo." Sabi nya sabay ngiti na parang aso.

"Bakit may MO?"Nagtatakang tanong ko.

"Walaaa,sige na kainin mo na yan baka lumamig pa yang pagkain." Sabi nya sabay upo sa kama ko.

Kinain ko nalang din ang dala nyang pagkain kasi nagugutom na din ako at mamaya ko nalang sya tatanongin kung bakit may MO daw.

Makalipas ng ilang minuto ay natapos na din ako kumain at ngayon nga ay tinatanong ko ulit si Aubrey kung bakit may MO.Ewan ko din curious din ako eh.

"Gusto mo talaga malaman?"Tanong nya.

"Oo nga."

"Sige."

"Baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko ah." Dagdag pa nya.

"Ganito kasi yun." Sabi nya at nagkwento na sya simula sa natulog kami hanggang sa dinala ako dito ni Ethan.

"Sigurado ka sinabi ko yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko with matching laki ng mata.

"Oo nga kulet din eh at isa pa nandoon din ako at narinig ko." Sabi nya.

"Hindi talaga ako makapaniwala na sinabi ko yun,eh wala naman akong natatandaan na may sinabi ako na ganon sa kanya at isa pa hindi kami close nun." Sabi ko.

Paano ba naman kasi kaya pala ako inaasar nitong si Aubrey na si ETHAN MO.Kasi naman pala juskoo. Sinabi ko daw habang hinihiga ako ni Ethan sa kama ko ay bigla ko daw syang sinabihan ng "please stay." With hawak kamay pa daw, cringe self. Tapos ayon daw nag stay naman ang luko at sinabi pa na "Yes i will." Habang kinukwento nga saakin ito ni Aubrey kinikilig sya.

Pero bakit paggising ko wala na sya sa tabi ko? Pero wait bakit ko naman sya hinahanap? Hmmm.

"Asan pala yun?" Tanong ko kay Aubrey.

"Ewan ko,bakit miss mo na agad? Yieeee." Pangangantyaw nya saakin. Inirapan ko naman ito.

"Hindi noh, kakausapin ko lang at mag papasalamat na din."

"Asesss, gusto mo lang makita eh."

"Tse jan ka na nga." Sabi ko sabay tayo at punta sa pintuan ko para makalabas na.Tinawag pa ako ni Aubrey pero hindi ko na ito pinansin.

Lakad lakad lang ako at ewan ko kung saan ako dadalhin ng paa ko.

Naglakad pa din ako hanggang sa napagod na ako kaya humanap ako na pwede kong mapaguupuan at luckily may tumbang puno kaya dito ako naupo.nilibot ko naman ang paningin ko and I realize that this place is beautiful and peaceful.Perfect to para saakin ngayon para makapag isip isip ako.

Ang ganda nya like sa harap ko yung dagat tapos lalo na ngayon na hapon at papasunset na kaya mas lalong maganda tumambay dito,tapos yung inuupuan ko naman na puno ay medyo malaki tapos sa likod ko naman ay may patag na damuhan at may malaking puno din tapos sa puno na iyon ay may bahay so treehouse sya at buti nalang may hagdan kaya inakyat ko ito at grabe ang ganda dito sa taas mas kita ang ganda ng papalubog na araw tapos sa treehouse na ito ay may upuan at duyan pa,so relaxing talaga dito. Sa susunod ayain ko dito si Aubrey for sure magagandahan din sya dito.

Dito ako nagpalipas ng sunset at ngayon ay pababa na ako sa treehouse na ito at babalik na sa aking room,siguro naman wala na doon si Aubrey sa kwarto ko at para makapagpahinga na ako.

Mabilis akong nakarating sa Hotel dahil medyo malapit lang naman ang place na nakita ko kanina dito sa Hotel na ito.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko ng makarating ako agad sa harap ng pintuan ko.

"Buti naman bumalik ka na din." Bungad na bati saakin ni Aubrey.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko umalis ka na." Sabi ko.

"Duh boring kaya sa kwarto."

"Whatever."

"Ay Aubrey may nakita pala akong place na maganda kanina." Share ko sa kanya.

"Tapos?"

"Wala lang,Share ko lang naman baka gusto mo lang mag punta doon sa sunod." Sabi ko.

"Okayy."

Weird nitong gagang to,ang tahimik ngayon ah.

"Hoy bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Wala antok lang kasi ako." Sabi nya.

"Hmm okay."

"Tulog ka na sa kwarto mo." Sabi ko.

"Mabuti pa nga." Sabi nya.

"Sigee pahinga ka na." Sabi ko.

"Sigee ikaw din,tawagin nalang kita maya kapag kakain na." Sabi nya pa bago lumabas.

"Okay!" Pahabol ko.

So nahiga nalang ako sa kama ko at ipinikit ang mata.

ZzzzzzzZzzzzZzzzzzzZ.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ps:Sorry po kung natagalanang update ang short update lang po ang nagawa ko, bawi nalang po ako sa sunod :)

I LOVE YOU UNTIL THE END (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon