KABANATA-XIII

308 8 4
                                    

Aleezah POV.

Maaga palang ay ginising na kami ni Auntie Milecent dahil ngayon na ang alis namin papunta sa palawan.

Nagtataka kayo kung bakit sa palawan kami pupunta ay dahil napagdesisyonan namin na sa palawan nalang mag bakasyon dahil maganda ang mga tanawin doon ang ang pinakagusto kong beach doon ay el nido.

Sabi sabi nila na maganda daw sa El Nido Palawan,well let see kung maganda nga.

Dito kami ngayon sa sasakyan at papunta na kami ngayon sa Airport para sumakay ng airplane papuntang palawan.

Simple lang ang suot ko ngayon naka jeans na pants na kulay black at crop top na white then jacket.yun lang ang porma ko ngayon.

"Nanjan na ba lahat ng gamit niyo?" Tanong ni Auntie.

"Opo." Panabay na sagot namin dalawa ni Aubrey.

After 15 mins

Dito na kami ngayon sa loob ng airplane at saglit nalang ay aalis na ito.

Nakaramdam naman ako agad ng excitement kasi finally makakapunta na ako sa palawan,isa kasi sa gusto kong mapuntahan is palawan and right now my  dream is come true.Palawan here we go and manila bye. Yan ang peg ko ngayon.

Ilang saglit pa nga ay lumipad na din ang eroplanong sinasakyan namin at itong si Aubrey ay nakatulog na samantalang si Auntie Milecent naman ay nahiwalay saamin dahil malayo ang number nya saamin ni Aubrey.Buti nga at katabi ko itong babae na ito.

Natulog nalang din ako dahil alam ko na may ilang oras pa ako para makatulog,hindi kasi ako makatulog kagabi dulot ng excitement.

***********

Nagising ako dulot ng may nagsasalita sa harapan at naka microphone pa ito,sa tingin ko isa itong flight attendant at meron syang sinasabi pero hindi ko naman maintindihan kaya hindi nalang ako nakinig pero ang huli kong narinig ay pababa na kami sa palawan kaya sumilip ako sa bintana at tanaw na tanaw ko ang magandang tanawin dito.

Sa gilid kasi ako kaya nakikita ko kung anong meron sa baba.

Makailang saglit pa ay naka landing na din ng safe ang aming sinasakyang airplane.

"Hay sa wakas nandito na din tayo sa palawan." Masayang sabi ni Aubrey. Ako naman ay napangiti nalang at si Auntie.

"Ma saan yung sundo natin?" Tanong ni Aubrey.

"Wait lang hinahanap ko pa." Sabi ni Auntie.

"Ayon nakita ko na."sabi ni Auntie sabay hila sa kanyang gamit kaya sumunod nalang kaming dalawa kay Auntie.

May nakita kaming isang nasa mid 40 na lalake ang may hawak na banner at nakasulat dito ang pangalan ni Auntie.Siya na siguro ang sinasabi ni Auntie na mag hahatid saamin papuntang El nido.

Sumakay na kami sa Van at nag pakilala naman ito. Sya si manong Rody matagal na daw syang driver ng mga turista dito at ang kanyang destinasyon ay papuntang El Nido.

Sinabihan na din kami ni manong Rody na mahaba haba pang oras ang byahe namin kaya natulog nalang kami.

After 6 Hours ay nakarating na din kami sa El Nido.

Traffic kasi kaya natagalan at 5pm na ng hapon pero nakakain na din kami ng lunch dahil nag stop kami sa isang restaurant bago ituloy ang byahe namin kasi sabi ni manong na baka daw gutomin kami sa daan kasi wala na daw masyadong madadaanan na pwedeng pagbilhan ng pagkain kaya ayon nag stop muna kami para kumain tapos pinakain na din namin si manong ng lunch.

Dito ako ngayon sa kwarto ko at nasa balcony ako ng kwartong ito at nakatingin lang sa labas habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Grabe totoo nga ang sinasabi nila na maganda daw dito sa El Nido at totoo naman.

May kumatok bigal sa pintuan kaya napalingon ako dito at binuksan ang pintuan para tignan kung sino ang kumakatok na iyon.

"Oh Aubrey naparito ka ,kailangan mo?" Tanong ko.

"Wala lang gusto ko lang mag tambay dito,ang boring kasi sa kabila wala akong kasama kaya dito nalang ako pumunta." Sabi ni Aubrey.well kahit naman ako naboboring na din kasi naman mag isa lang ako dito. Paano kasi per room dapat isang tao lang wala na kasing vacant na room na good for two.

"Btw yayayain sana kita ngayon." Sabi ni Aubrey.

"Sana?" Tanong ko naman.

"Sa labas,gusto ko kasi magpahangin sa labas and i think nakakarelax naman yun." Sabi ni Aubrey kaya pumayag nalang ako.

"Sige."

Lumabas na kami ng kwarto ko at sinigurado ko na nakalock ang pinto mahirap na at baka manakawan tayo.

Bumaba na kami ni Aubrey sabay labas ng Hotel at dumeritso kami sa tabing dagat.

"Grabe ang saya naman pala dito." Sabi ni Aubrey habang ang paa nya ay binabasa ng dagat. Ganon din ang giagawa ko.pareho kami ni Aubrey ngayon na naglalakad sa gilid ng dagat sakto lang na mabasa ang paa namin na hanggang anklet lang.

Matapos namin mag pabasa ng paa ay umalis na din kami kaagad at dumeritso sa may mga bench at dito nag muni muni.

"Tara balik na tayo sa loob nagugutom na ako." Pag aaya ni Aubrey saakin.

"Sige mauna ka nasusuod nalang ako." Sabi ko. Nagtaka pa sya pero sa huli ay nauna na din sya.

Ako naman ay nag paiwan lang dito at nag muni muni pa.

Inilibot ko ang aking paningin at grabe ang ganda talaga dito perfect for vacation talaga.

Habang nililibot ko ang aking mata ay may nahagip ako sa kabilang bench medyo malayo saakin.

Lalake ito at parang feeling ko ay nakatingin ito saakin,lalapitan ko sana ang lalakeng ito ngunit bigla nalang may lumapit sa kanyang lalakena nakahubad ang damit at maganda ang katawan .

Hindi ko nalang itinuloy ang aking binabalak at bumalik nalang ako sa loob ng hotel,siguro namamalikmata lang ako kaya feeling ko nakatingin saakin ang lalakeng yun.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PS:HANGGANG DITO NALANG PO MUNA MGA MAMSH AND DON'T FORGET TO COMMENT KUNG ANONG PANG GUSTO NIYO ILAGAY KO NA PLOT AND VOTE NA DIN PO THANK YOU LABYU ALL:).

I LOVE YOU UNTIL THE END (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon