Chapter 8: Gising na?!

507 27 0
                                    

Ksyh Pov

4 days na din ang nakakalipas.  4 na araw na din kaming pumupunta sa hospital tuwing uwian nila Emman at Alexis.  Nagiging close ko na din sila dahil lagi ko na silang nakakasama.  Pang limang araw na ngayon.  Simula ng mangyari yun kay ishay. 

Gusto kong maniwala sa kanila.  Maniwalang gi-gising na si ishay.  Madami na siyang na mi-miss na lesson. Sigurado akong maiinis siya pag-gising niya.  Pinaka ayaw niya kasi yung naghahabol ng lesson dahil self study ang ginagawa niya.

Matalinong Soon to be a doctor si Clyde. Minsan lumalapit siya dito para magpaturo.  Pero kadalasan self study ang ginagawa niya.  Mahilig sa libro si ishay.  Kaya sa mga araw na lumilipas na,  nakahiga pa din siya sa hospital bed.  Nabili kami ng libro nila Emman at Alexis. 12 books na ang nabibili namin from now.  Gusto kasi namin masuprise si ishay pag-gising niya.

As a doctor student,  hindi umalis si clyde sa tabi ni Ishay.  Minsan nga hindi na kumakain si clyde. Minsan nga naiisip kong wag na muna pumasok para makapag pahinga si clyde.  Pero hindi naman siya pumapayag,  ayaw daw ni ishay yun.

"Ksyh? Tara na baka malate tayo sa next subject"sabi sakin ni alexis. Nandito nga pala kami sa cafeteria. Papasok na kami para sa last subject. Tapos dadarestyo na ulit kay ishay. Hays namimiss ko na bestfriend ko! Haler! Wala na kaya akong makaaway!

"Sige" simpleng sabi ko at nagpauna ng maglakad sa dalawang ito.  Kung maglakad kasi sila parang mga babae lalo na itong si Emman.

Hindi pa ko nakakalayo sa kanila ng biglang my humawak sa noo ko at biglang my tumunog na parang my nauntog sa bakal. Hindi naman siguro ako yun diba? Matignan nga!

AHA!  pagtingin ko si Emman agad nakita ko! Hawak hawak niya yung braso at noo ko! And worst tinitignan na kami ng karamihan.

" Okay ka lang ba? Wala ka na naman sa sarili. Hindi ka mananalo sa bakal wag mong salubungin,  hindi mag aadjust yan para sayo" sabi ni emman. Kaya napatingin ako sa kanya.  At oo nga my mataas na bakal ngayon sa harap ko hays ang tanga mo na naman!

" Aah sorry emman,  medyo iniisip ko lang kung okay na ba si-------"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang mag ring ang phone ko.

"yes? " tanong ko sa kabilang linya.  Hindi ko na kasi natignan kung sino yung tumatawag eh.

"Hey bitch,  I'm awake! Did you miss me huh?! " sabi ni ishay.  Aah si ishay.

Wait what?

Si ishay nga ba?

"Yes si ishay ito,  hindi ka nagkakamali haha" waaaaaa gising na si ishay

"waaaaa ishay! Pupunta na ko waitttttttt"sabi ko habang natili pa!

" Gaga wag kang mag ditch saka isang subject nalang naman eh! Hintayin kita mamayang uwian! Dalan moko ice cream! Tapos prutas! Tapos cake babyeeeeeeee" sabi niya bago pinutol yung tawag.  Sandali nga? Ice cream? Prutas? Cake? Aba ang babaeng yun! Akala mo wala sa hospital! Pero sige na nga namiss ko talaga siya eh!

"Gising na si ishay? "sabay na tanong nitong dalawa,  ay siguro ganyan din itsura ko kanina?! Wag naman sana ang oa eh HAHAHA

" Oo kaya tara na! Punta tayo dun after class! Ang babaeng yun nga eh! Ang daming pinapabili gutom ata ang haup! "sabi ko kaya natawa naman silang dalawa

Waaaaa excited na kong mag uwian,  excited na din akong maibigay yung librong binili namin para sa kanya!

*******************************************

The Casanova and His Unexpected Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon