Ishay Pov
Lumipas ang tatlong araw pero nananatili pa din kami sa malaseldang room na to. Minsan napagtritripan kami pero kadalasan lumalaban kami.
" Ugh nakakainis nawawala yung book ko! Pag nalaman ko lang sino kumuha at nagtago non malilintikan talaga sakin! " inis na sabi ko. Nasa cr kami ngayon at naglalabas ng sama ng loob! Nawawala yung libro ko sa calculus! Grrrrr my recitation pa naman kami mamaya. " magpapaliwanag nalang muna siguro ako kay sir Presa"nakakunot kilay kong dagdag
" Wag nalang natin patulan, palipat nalang tayo section" sabi ni ksyh. Halata mong galit siya pero mahahalata mo din ang takot sa kanya.
Ako lang saming dalawa ang sanay sa away.
" No hindi tayo lilipat, hindi tayo talunan ksyh. Hindi pwedeng inaapi api lang tayo ng mga adik na yan" inis na sabi ko sa kanya. Alam kong natatakot siya kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit " trust me ,hindi kita papabayaan kahit anong mangyari"sabi ko ng nakangiti
Kaya ngumiti nalang din siya " tara na nga baka malate pa tayo kay sir presa"nakangiting sabi niya sabay hila sakin.
Pero hindi pa kami tuluyang nakakalabas ng matalisod si ksyh ng isang libro, aah libro lang pala
Whattttttttttt? Libro
Dali dali kong kinuha yung libro! Shet libro ng calculus! Pero hindi akin to eh?
" ay akala ko yung akin na" ibabalik ko na sana ng my mapansin akong notes sa lapag.
" Hi princess babe! Shay for short! Hahaha. Gamitin mo muna to. Kakabili ko lang nyan sa book store. Wag ka na magtanong kung sino ako. Basta gamitin mo nalang ^_^" sabay na basa namin ni ksyh?
"wew sanaol my admirer HAHAHAHA haba ng hair nag sunsilk ka ba gurl?! " pang aasar sakin ni ksyh
"loka ka ksyh"sabi ko sabay lagay ng book sa bag ko.
" thank you kung kanino man galing to! " sigaw ko kaya madaming tao ang lumingon samin hehehe wrong move! Nakakahiya! Kaya ako naman ang humila kay ksyh papuntang room.
Natapos na ang pang umaga naming klase, isang subject nalang matatapos na din ang araw na to. At buti nalang wala yung mayabang na Angelo na yun! Pang anghel ang pangalan pero demonyo ang ugali grrrrr. Gusto ko ng makauwi. Feeling ko pagod na pagod ako, kahit wala naman talaga akong halos ginawa.
Siguro napagod lang yung utak ko sa mga subject na yun. Bakit ba kasi engineering pa kinuha ko?! Grrrrrr
Ay wait? My utak ba ko? Pagkakaalam ko kasi wala HAHAHAHA
" Ano sayo ishay? Gagayahin ko nalang order mo, ayoko kasi kumain ngayon eh" tanong sakin ni ksyh ng nasa canteen na kami
Sabi sa inyo eh pagod nga kasi buong katawan namin, pati utak! Kung meron man.
" Same order nalang kuya katulad kahapon" sabi ko sa waiter. Kilala niya na kasi ako. Paulit ulit daw kasi order ko! Pake niyo ba HAHAHAHA
" Sa tingin mo shay magtatagal tayo dito sa university na to? " tanong ni ksyh habang pinag aaralan yung lesson namin kanina. Di niya daw kasi magets. Gets ko naman kahit papaano hahaha
" Why not diba? Saka sabi ko naman sayo habang nasa paligid moko di ka mapapahamak eh" sabi ko sabay hawak sa balikat niya
" Thank you shay, pero di pa din mawala sa isip ko na. Pano kapag busy ka? Kapag nagkataon na my ginagawa ka? Pano nalang ako? " sabi ni ksyh na halata ang takot. Alam kong my tiwala siya sakin. Pero pano na nga lang? Kapag nagkataon na wala ako sa tabi niya? Pano siya?
BINABASA MO ANG
The Casanova and His Unexpected Girlfriend
Ficción GeneralThere's a thing na para sayo sobrang labo mangyari. There's a place na hindi mo aakalain na mapupuntahan mo. For you, what is love? There's a story between 3 people. They never expect na mag aaway sila dahil sa salitang "LOVE"