Chapter 16: A day with Roi

411 22 2
                                    

Ishay Pov

Pinatawag kami ni roi sa dance studio , kami kasi yung napiling mag special number sa gaganapin na beauty pageant next week. Yeah nag sasayaw ako pero by group,  hindi ako sanay na iisa lang yung makaka-sama ko.

Kaya sila ate meann,  ang nag adjust para sakin.  Una daw, by group muna, siya ang magtu-turo sa by group.  After non,  ayun kami nalang ni roi,  ano nga ba uli tawag don?

Intimate, ayun tama! Intimate eh sexy dance kasi yun tapos lalaki pa patner ko. Either friends na kami ngayon.  Syempre medyo nakaka-ilang sumayaw ng ganon diba? Pero sadlit lang daw mga 2 minutes tapos hip-hop na,  pero kami lang daw uli ni roi.  Ewan ba sana hindi ko nalang ginalingan don sa performance noong isang araw para hindi ako isa sa napili nakuuuuu.

"Sa tingin mo,  excuse kaya tayo sa mga subjects natin? " tanong ni roi,  kaya lumingon naman ako sa kanya

"Siguro, or ask nalang natin si ate meann mamaya,  kasi baka sa subject lang ni Ma'am NBSB tayo na excuse eh" sabi ko, pero ayun ang loko tuma-tawa. Baliw na ata ito! "Anong nakaka-tawa sa sinasabi ko Mr.  Montero? " inis na tanong ko kaya napa-ayos naman siya ng tayo habang nagpi-pigil pa din ng tawa tsk.

"Wala naman hahaha,  ngayon ko lang kasi narinig mula sayo na tawagin na NBSB si ma'am eh! " sabi niya at ayun tumawa uli.  Sa inis ko iniwan ko siya doon!

Nag-lakad nalang ako ng mabilis hanggang sa nakarating ako sa Studio,  yeah alam ko na kung saan kasi dito kami nag audition para sa club.  Na-alala ko na naman si kuya napaka-loko! Isali ba naman daw ako sa apat na club! Papatayin ata ako sa pagod non!

Noong sinubukan ko namang sabihin na di ako sasali sa iba,  hindi daw pwede dahil.  Naipasa na yun kay Mrs.  Semera! Nakakaloka yun si kuya cly. Tapos noong tinanong ko kung bakit ako sinali sa apat,  tinawanan lang ako ng loko.  Ano bang meron at panay ang tawa ng mga lalaki sakin?! Grrrr

"Hey,  hindi mo manlang ako inantay! " sabi ni roi sabay akbay sakin.  Yeah sanay na ko dyan.  Lagi naman ganyan yan simula ng maging kaibigan ko siya.

"Haler, nakakahiya naman kung i-istorbohin ko ang pagtawa mo ng dahil sakin! " pananaray ko sa kanya.

"Sorry na, tara na nga ayun na si ate meann oh" sabi niya sabay hila sakin,  pero naka-akbay pa rin siya,  gets? Okay sabi ko nga hindi niyo gets!

Yeah ate meann tawag namin sa kanya kasi graduating na siya this year.  Siya ang leader ng dance group dito,  ang galing niya nga eh

"So hi ishay,  hi roi,  don't worry naipag paalam ko na kayo sa iba niyong teacher's, pumayag naman ito dahil my pahintulot ng principal" naka-ngiti niyang bungad samin.  Yes smiling face lagi si ate meann

"So ano pong gagawin namin dito hehe? " nahi-hiya kong tanong

"We need to start, next week na ang special number niyo,  and lastly,  mataray ako magturo huh? Haha at saka ayoko kasi ng magka-kalat sa stage,  it's that clear?! " sigaw niya pero naka-ngiti, yeah a devil smile

"Yeah,  but,  pwede bang mag-palit muna? Mahihirapan kaming gumalaw sa uniform eh? " tanong naman nitong katabi ko,  sino pa ba? Edi si roi na mapang-asar!

"Oo naman haha,  dyan sa kaliwa daretsyo lang nandon ang girls room at ikaw naman roi dyan sa kanan daretsyo nandon ang pang-lalaki! " turo niya kaya naghiwalay na kami ni roi,  yeah sayaw na sayaw na kami kanina pa HAHAHA

Pagkarating ko sa cr,  nagbihis agad ako.  Sabi kasi nila mainipin daw si ate meann lalo na kung sayawan ang usapan.  Mataray daw mag-turo yan pero siguradong gagaling ka after niya magturo.  Nae-excite tuloy ako ng ewan HAHAHA

The Casanova and His Unexpected Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon