Ishay Pov
Sa amin uli natulog si ksyh. Hmmm, feeling ko my kakaiba ngayong araw, pero hindi ko alam kung ano. Ang weird no?
"Ksyh ano ba meron ngayong araw? " kunot noong tanong ko, napa-isip naman siya sa tanong ko.
"Hmmm ngayon daw gaganapin yung mga activities eh! " sabi naman niya bago naunang pumasok sa kotse ni alexis, yes hatid sundo pa din ako/kami ni alexis.
"Goodmorning ishay! " masaya nitong bati sakin kaya napangiti ako
"Goodmorning din alexis! " sarcastic na sabi ni ksyh mula sa loob HAHAHA
" Goodmorning din!hahaha, nag breakfast ka na? " tanong ko naman
"hindi pa eh, daan nalang tayo dyan sa cafe, dont worry libre ko hahaha! " pinalo ko naman siya sa braso "Aray ang sadista huh! " reklamo niya naman habang hinihimas ang braso
"My pera naman ako haha saka kami na nga nakaka-istorbo tapos ikaw pa gagastos haha! " sabi ko naman sa kanya
" Psh hindi ako sanay na gina-gastusan ng babae ! Kaya pumayag ka na baka maapakan ang ego ko!" sabi niya naman bago hinimas ang ulo, hindi ko alam kung my kuto ba sila o sadyang ganyan lang sila kapag nahihiya tss.
"Ano tatayo nalang ba kayo dyan? Nagugutom na ako " sabi naman ni ksyh mula sa bintana kaya pinag buksan na ko ng pinto ni alexis. Nice gentleman
"kelan ka ba hindi nagutom? " sarcastic na tanong ko
"N! " sagot ni ksyh, ano daw? Nilingon ko naman siya as if na nag-aantay ako ng kasunod "Ever! " dugtong niya, aah never HAHAHA I know naman yun ksyh!
Nag-drive nalang si Alexis, hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit. Kung bakit siya ang napili ni kuya. Hindi naman sa ayaw ko kay alexis huh? Pero madaming ka-kilala si kuya cly, pwede pa ngang kamag-anak nalang nila manang gawing driver ko eh? Pero bakit siya? Kung ti-tignan mo siya. Para siyang prince na my malaking palasyo, so why he need to do this?
Medyo napa-titig ata ako sa kanya kaya lumingon siya, pero nag-iwas lang ako ng tingin at nag-lagay nalang ng earpods sa tenga ko. I-idlip muna ako. Activities yun, for sure mapa-pagod ako, active pa naman ako sa mga activities kasi walang klase hihihi!
Pagka-pasok na pagka-pasok namin nila ksyh sa room, hinarang agad kami ni emman,
"Ano na naman ho? " inis kunwaring tanong ni ksyh kahit halata naman na kinikilig lang tsk
"Kasi ano, hmmm club day ngayon. Ipasok niyo nalang yung bag niyo tapos dumaretsyo na sa field" sabi niya kaya pumasok naman kami
"Pano nga pala yun ksyh? Hindi naman ako naka pag-palista? " tanong ko kay ksyh, diba nga kasi na-hospital ako so sa tingin mo pano ako makakapag-palista non?
"Aah ayun ba, si Clyde nalang nag-lista sayo eh! " sabi niya habang sinusundan namin si alexis pa-puntang field hehe di pa kasi kami nag pe-p.e kaya di pa namin alam kung saan eh
"Aah ganon ba? Saan naman ako sinali ni kuya?sana sa dance club" sabi ko
"sinali ka din naman niya sa dance club eh" sabi niya "Pati sa music and Sports club" sabi niya kaya nang-laki naman ang mata ko" Wag moko tignan ng ganyan, napag-utusan lang ako ni clyde" sabi niya
"Ano namang trip non at sinali ako sa tatlo? Nakakainis naman oh! " pag mamaktol ko
Ng makarating na kami sa field wala akong choice kundi puntahan yung tatlong club na sinalihan ni kuya! Yeah sinalihan niya kasi di naman ako ang naglista nito! Buset ka talaga grrrr
BINABASA MO ANG
The Casanova and His Unexpected Girlfriend
Fiksi UmumThere's a thing na para sayo sobrang labo mangyari. There's a place na hindi mo aakalain na mapupuntahan mo. For you, what is love? There's a story between 3 people. They never expect na mag aaway sila dahil sa salitang "LOVE"