Kabanata 7

2K 110 29
                                    

Kabanata 7

Sumabay

Tahimik kaming dalawa ni kuya sa loob ng sasakyan. I feel a slight pang of guilt. Masyado pang maaga para umuwi kami pero ito at pinagbibigyan ako ni kuya dahil alam niyang ayaw ko na roon.

"Puwede ka namang bumalik doon, Kuya." I said to him.

Binalingan niya ako at ngumiti.

"Babalik nga ako roon. Ihahatid lang kita."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa kaniyang sinabi. I waved at him before I finally entered our house. Isasarado ko na sana ang pintuan nang nalingunan ko ang pusa na nakaupo at nakatingin sa akin. Lumabas muli ako at umupo ng bahagya para makausap ang pusa.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko.

She meowed and I automatically smiled. Idinikit niya rin sa akin ang buong katawan niya katulad ng madalas niyang ginagawa. I tapped her head once before I stand.

"Ikukuha kita ng hilaw na isda sa ref."

I get the raw fish in our refrigerator, ipinakain ko sa pusa. Pinagmamasdan ko siyang kumain nang pagkabilis. When she finished, I still remained squatting. I tried to pet her until I felt tired and sleepy. Naglinis ako ng katawan at diretso ang bagsak ko sa kama pagkatapos.

I just woke up with Kuya's knock on the door. Nakatulog rin naman agad ako pagkatapos magkwento ni Kuya sa anong nangyari pa. I want to ask if he still saw Arthur but I didn't dare.

Maaga pa lang mulagang mulaga na ako. Sabado ngayon at wala namang klase ngunit marami akong gagawin. Naghilamos at nagsipilyo ako bago dumiretso sa tambak kong lalabhan. My plan for this morning is to do the house chores at mamayang hapon, doon ko gagawin ang mga gawain para sa school.

Tahimik kong pinuno ang batya ng tubig at tulalang pinagmasdan ito. I bunned my long hair and I felt some baby hair falling. I washed the dirty clothes for two hours and cleaned the area after. Nagaayos na ako ng mga gamit nang sumulpot na naman si Arthur sa harap ng bahay namin.

Hindi na nakakagulat. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na ang paglilinis.

"Hi, good morning." Maligaya niyang bati sa akin at sinubukang lumapit pero agresibo kong winalis ang tubig papunta sa kaniya.

He stepped back together with the plastic he has in his hands. Kumunot ang noo ko at tiningala siya. I saw him smirking while looking at me. Inirapan ko siya at tinuloy ang pagwawalis.

"You look like a housewife for doing the chores." Asar niya dahilan kung bakit ako tumayo.

"Palibhasa hindi ka marunong sa gawaing bahay." I said and turn my back to put the baskets in place.

"Marunong ako. Hindi nga lang madalas gumawa dahil may kasambahay kami."

I tried to make face while mimicking what he said and then rolled my eyes again. Palibhasa laking mayaman. Hindi ko siya muling pinansin nang ibinalik ko ang hose sa gripo. I heard his footsteps and I felt him nearing. Binalingan ko siya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" I rudely asked him.

Wala si Kuya, at alam niyang bukas pa ang day off no'n tapos nandito na siya. Nangaasar ba talaga 'to?

His lips protruded and he looked at my eyes. His hair swayed when the wind passed.

"I am used to your rudeness-"

"Eh bakit nga kasi nandito ka? Wala si Kuya at bukas pa iyon, alam kong alam mo."

Tinalikuran ko siya at kinuha ang kainan ng pusa.

Good Girls #2: To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon