Kabanata 4
Thank You
Hinayaan ko silang makipagusap kay Arthur at hindi na nakisali pa. Inabala ko ang sarili sa pagaayos sa mga stamp at form for incoming grade 7 students. But Denzel's voice is too loud and too dramatic to not notice. Sumulyap ako sa kanila at naabutan ang nakangising si Arthur at mabilis na binalingan ako nang makitang tumingin ako sa kanila.
He smirked and stilled his eyes on me. Pasinghap kong inalis sa kanila ang tingin at kahit maingay sila ay hindi ko na ulit binalingan.
"Maganda sa Maynila, Kuya Arthur?" Tanong iyon ng isa sa mga representative ng grade 10.
Nagtataka ako kung paano nakilala ng mga ito ang lalaking ito. He seems so famous. But then I remember his name. His father is the Mayor and the owner of the sugarcane here in Anilao. Bakit pa ako magtataka, kapag mayaman ka, kilala ka. Though his father is a good man, I can't deny the fact that they are all basing everything in one's status. Magugustuhan ka ng halos lahat kapag kilala ang pamilya mo, at kung anong mayroon kayo.
We, including me that grow up with a very unfortunate living, hindi mapapansin kung hindi ka gagawa ng paraan para mapansin. Maiiwan kang nakikitakbo sa likod kung hindi mo sisikaping makarating rin sa unahan. The reason why at a very young age, natuto na akong mahalin ang pangarap ko. Dahil bukod sa iyon ang makakaahon sa akin sa kahirapan, iyon lang din ang, sa tingin ko, ang makakapagpasaya sa akin. I have nothing but dreams.
"Sakto lang. Mas maganda dito sa Anilao." Sagot ni Arthur, tuwang tuwa sa pakikiusisa ng mga batang ito.
"Marami buildings? Sabi sa mga librong nabasa ko, nagtatayugan daw mga establishemento sa Maynila. Walang ganoon dito, kuryuso akong makakita ng ganoon rin."
"Mayroon naman sa bayan na mga building. Pero sa Maynila, marami at mas malalaki."
"Kung maganda doon, ba't ka pa bumalik?" Akira's curiousity is much etched in her voice.
Ngumuso ako at tinitigan ang ballpen na hawak. Hinintay ko ang isasagot ni Arthur ngunit nagdaan ang ilang minuto at hindi ito nagsalita. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at nakita ang nanonood nilang mga mata sa akin.
Tumaas ang kilay ko. But when I saw Arthur's annoying smile, umirap ako.
"Go to your respective areas." Utos ko sa kanila at tumayo na rin para kumuha ng ilang monoblock sa loob ng Registrar.
"Ate, dito na ako, ha." Si Akira iyon na tinanguan ko lang.
Binuhat ko ang tatlong upuan na magkakapatong patong at mabilis na nilabas. Naabutan kong si Akira, isang Junior High representative at si Arthur na lang ang naroon. Binalingan ako ni Akira at tinulungan sa pagbubuhat. Aamba rin sana si Arthur pero padarag kong inilapag ang upuan at hinila na lang. He stopped and gave me a very amusing look.
"Pumunta ka na roon sa SHS Department. Maglilinis ka muna bago ka makapag'enrol." Sabi ko sa kaniya bago siya nilagpasan at umikot para makaupo na.
I checked the stamp and forms again. Nang makuntento sa ayos nila ay muli kong tiningala si Arthur na hindi pa rin umaalis.
"Ate Iris, may kukuhanin lang ako kay Denzel." Paalam ni Akira na tinanguan ko lang.
She brought Angel na nagpawindang sa akin. Before I could call Angel, nagtatakbo na sila papunta sa kabilang building. Wala pa ang mga teachers at kaming mga SSG officers lang ang nandito. And yet they left me with this annoying guy.
Busangot na ako nang binalingan muli si Arthur. Naabutan kong hindi niya tinatanggal ang pagkakatitig sa akin kaya medyo nailang ako. Wow, bago 'yan, Iris.
BINABASA MO ANG
Good Girls #2: To Fall Again
RomansaIris Amber Saldivar has everything now. The title, the recognition, and the success. What more can she wish for? All her dreams came true and she was now far gone from where she used to be. All her hard works and sweats paid off. She needs to be con...