Kabanata 31

2.3K 84 35
                                    

Kabanata 31

Diamond

"Hi."

Ngumiti ako kay Jessamyn pagkaupo ko.

"H-Hi." I stuttered dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin.

I just tried my best to smile pero ang totoo ay kinakabahan ako. Ngumiti rin siya sa akin kaya medyo nawala ang kaba ko.

"I just want this to be quick. Gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa inyo ni Arthur."

Hindi ako nakaimik dahil kahit nakangiti siya ay kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Noong nakilala ko siya, hindi ko siya agad nagustuhan kasi hindi naman siya ang tipo ko. But I learned to fall for him kasi mabuti siyang tao." Kwento niya.

My heart breaks hearing this to someone who experienced the love of Arthur. Ngumiti siyang muli at nagpatuloy.

"Noong naging kami, sabi ko sa sarili ko hindi ko siya papakawalan. Sobrang swerte ko sa kaniya-" Pumiyok ang boses niya at may luhang naglandasan sa pisngi niya.

Nagulat ako at nalito kung ano ang gagawin para maalo siya. Umiling siya at nagtaas ng kamay na nagsasabing huwag akong gumalaw. Pinalis niya ang luha sa pisngi.

"Minahal ko siya kahit ramdam kong may mahal pa rin siyang iba. But he learned to love me, too. Nahulog rin siya sa akin na matagal kong hiniling noon. That when he finally proposed to me after a year of being in a relationship, pakiramdam ko ako na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo."

Pinalis niyang muli ang luhang naglandasan at wala akong ibang maramdaman kundi awa at sakit para sa kaniya. If I were in her position... hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin ang taong mahal ni Arthur.

"Pero, hindi ko rin naman mapipigilan ang gusto ng mundo na mangyari sa'min. When he found you again, I know that I will lose him. Hindi ko kailangan marinig mula sa bibig niya na nagbago na ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ko kailangan marinig na nahulog siyang muli sa'yo dahil ramdam ko. N-Nararamdaman ko..." Muling siyang pumiyok at napakagat labi dahil sa pagiyak.

Naghanap ako ng tissue sa aking bag at inilahad sa kaniya. Hindi niya iyon tinanggap sabagkus ay umiling siya at pinagpatuloy ang pagpalis sa luha gamit ang palad.

How can a beautiful woman like her be broken?

Alam kong masaya na ako kay Arthur. Pero hindi ako masaya nang dahil sa akin ay may isang babae na umiiyak sa gabi.

"Don't get me wrong, Iris. I am happy that Arthur is happy with you. He waited for you..."

"Minsan nga iniisip ko kung nawala ba talaga ang pagmamahal niya sa'yo o tinago niya lang dahil nasasaktan siya sa pag-iwan mo sa kaniya. Kaya naman... sana... ngayong na sa'yo na siya ulit, ingatan mo na siya."

Nangilid na rin ang luha sa aking mga mata. I bit my lower lip to stop myself from bursting out. I nodded slowly dahil iyon naman talaga ang plano ko. It's just comforting to know that she's ready to free Arthur from her arms. Na pwede kong mahalin si Arthur nang hindi iniisip kung mali ba ang lahat ng ito.

"Promise me, t-that you will not hurt him."

Ang pinipigilan kong luha ay hindi ko na napigilan. Bumuhos na parang gripo ang luha ko at tumango sa kaniya.

"Secure his heart because he only finds home in your arms... after years."

"I-I will take care of him... his heart." Nanghihina kong sambit.

Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likod ng aking palad at nakita ang marahang pagtango ni Jessamyn. Ngumiti siya ng may ngiti sa labi.

"Thank you for coming back to his arms. Mahal na mahal ka niya higit kanino man sa mundo. Na kahit ako ay hindi ko napantayan ang puwang mo sa puso niya at bumalik pa rin siya sa'yo."

Good Girls #2: To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon