Kabanata 24

1.7K 74 15
                                    

Kabanata 24

Stars

"Architect, bibisitahin ninyo po ba ngayon ang site?"

Pumasok sa loob ang secretary ko na si Rich. Halos masapo ko ang noo dahil nakalimutan kong kailangan ko nga palang tignan ang site sa Quezon City. Tumango ako sa kaniya at mabilis na pinatay ang laptop.

"Anong oras na ba? Nakalimutan ko. Sorry." Paumanhin ko sa aking sekretarya.

Ngumiti si Rich at pinagbuksan ako ng pinto bago ako tuloy tuloy na dumiretso sa elevator. I slid in my jaguar and drove fast until the site near ABS CBN. I am wearing my black pants suit as I make my way towards the men wearing white hats.

"Architect! Akala ko hindi ka na pupunta." Tinawanan ako ni Engineer Franc.

"I almost forgot. Inaasikaso ko kasi 'yong project ko for the Australia."

"I heard that. Congrats. That's a big offer." Komento nila.

Ngumiti ako at tumango. Hindi ko lubos maisip noon na darating ako sa punto ng buhay na ito kung kailan masasabi ko na, worth it lahat ng iniyak ko noong college. Hindi naging madali sa'kin ang buhay sa Maynila. Lalo na noong gumraduate ako at pakiramdam ko ay walang tatanggap sa aking kompanya.

But luckily, since I graduated with Latin Honors in a very prestigious school here, days after my depressive days, a known real estate construction company emailed me. I got hired immediately that brought to where I am today.

Sometimes, I feel like I am happy, but most of the time, I feel so discontented.

"Ilang araw kang mawawala?" Tanong ni Franc sa'kin habang inilalahad niya sa akin ang blueprint ng site.

"Just one week. After that babalik na ako dito. I can work through laptop naman."

"You're so hardworking and passionate, Architect. Walang duda kung bakit ka nasa pwestong iyan ngayon." Nginitian ako ni Bethany.

"Gusto ko lang hasain pa ang craft ko. I believe that we never stop learning. Gusto ko rin pang tumanggap ng project dito sa Pilipinas."

"Ang architect na marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingan." Asar nila kaya natawa ako.

Sinamahan ako ni Franc papasok sa isang palapag na natapos at nagusap kami ng ilang teknikal na bagay doon. Tapos ko na ang design for this building and I already presented it in the board. And I am not perfect, of course may ilan pa ring babaguhin. Pero natapos ko rin naman before I flew to Dubai last last week.

Tinapos ko ang trabaho doon bago ako nagpasyang bisitahin si Owen sa kaniyang opisina sa Makati. Some of his employees greeted me na sinuklian ko naman. Inalok pa ako ng ilan nang kanilang kinakain. Nakakatuwa talaga kapag nandito ako sa kompanya ni Owen, daming mababait.

Iginiya ako ng secretary niya papasok at halos parehas kaming bumalik sa labas nang maabutan na nakaupo ang talandi sa hita ni Engineer Sacho. Ang baklitang 'yon talaga kahit nasa trabaho puro kalandian ang alam.

"Uh..." Hindi alam ng sekretarya niya ang sasabihin sa akin kaya inunahan ko na.

"Maghihintay na lang ako dito. Hintayin na lang natin sila matapos."

Umupo ako at hindi pa nagiisang segundo ay mabilis nang lumabas si Owen kasama ang Engineer na boyfriend niya. Awkward na ngumiti ang kaibigan sa'kin pero naagaw ang atensiyon ko ni Sacho nang magpaalam na.

"Ang talandi mo talaga kahit kailan." Usal ko pagkapasok na pagkapasok namin sa napakalawak niyang opisina.

My office ain't this big. Syempre hindi kasi si Owen naman CEO nitong kompanya. He's also an architect and the company was passed to him when both of his parents decided na bumaba sa pwesto. Umupo ako sa kulay itim niyang couch kung saan ko sila naabutan kaninang naglalandian.

Good Girls #2: To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon