IV

50 8 0
                                    

Chapter 4: Dagger

Last day before the 1st round for the Battle of the Class. Here I am, nag-oorder ng food namin ni Clint samantalang siya naman ay naghahanap ng mauupuan namin. Nasa Canteen kami right now.

"kyah~, andito ang elites!"

"Ang Ganda talaga ni Princess Aera"

"Ang gwapo ni Prince Ert!"

"Ang Hot ni Papa Prince Reign"

"Makapapa naman ang landi!"

"Prince Flame, akin ka na lang please, kyah~"

sigawan ng malalanding estudyante. 'di naman ako nag-abalang tingnan ang mga dumating dahil sa natatakot akong pagnakita nila ako eh pupugutan nila ako ng ulo. You know yung sinabi ko noong nakaraan about kay Flame. At tsaka totoo naman na Ma-aatitude siya no!

After kong makuha ang order ko na tigdadalawang fried chicken, sandwich, and a coffee jelly bigla naman itong natapon sa sahig ng biglang hampasin ang tray na pinaglagyan nito nang kung sino. Sa sobrang inis ko eh sinuntok ko ang lokong buwiset na pumalo ng tray ko. And I was shock nang mapagtanto ko kung sino 'yung sinuntok ko. Si Flame.

Dali-dali naman akong naglakad papuntang pinto ng Canteen para makalabas. I hate this scene! But, bago pa ako makalabas ng Canteen ay naramdaman ko na lang na nasusunog ang damit ko. I immediately weild the water na nasa water dispenser dahilan para mawasak ang lalagyan nito. Ibinalot ko sa katawan ang tubig at nakaramdam naman ako agad ng kaginhawaan.

Humarap ako sa lalaking nakatiim bagang na tinitignan ako habang nakakuyom naman ang kamao nito. Nakita ko namang nagulat ang mga kasama nito at nang iba pang estudyante sa nangyayari. Agad kong inirelease ang tubig na nakapalibot sa akin at gumawa agad ng maraming spear na pinabusok sa direksyon ng buwiset na Flame! Nakakapang-init ng ulo!. Sabay akong umalis agad ng irelease ko na ang mga spear na ginawa ko. Tumakbo ako papuntang dorm at agad na isinara ang pinto ng aking kwarto. Tsk, kung ganun lang din naman ang ugali ng mga Elites mas gugustuhin ko pang maging ordinaryong Butler kesa ang makasama sila. But no, I need to get the Honor for my MOM.

_____

"Good morning S Academy Students, Welcome to the Battle of the Class!" Announce ni Headmaster sa gitna ng field.

Naghiyawan naman kaming mga estudyante na nakaupo sa mga benches na nakapalibot sa malawak na field.

"For today's Battle. The only rule for this round is to get a 50% rating to be able to go to the next round" said by our Headmaster.

Ngayong umaga dalawang round ang mangyayari. First yung leveling round. Second, is Elimination Round which is 'di kami pwedeng gumamit ng Magic o ng ability man.

"Are you Ready?!" Sigaw ni HM.

Sumigaw naman kami ng Yes! Bago kami mawala sa mga kinauupuan namin napansin kong wala ang Elites.

1st Round:Leveling

"Let's begin the leveling round!"

Stone Creatures (dummies) started to form under the ground. They were too much para sa aming mahigit 150+ lang. I think nasa 1000+ 'to!. Dummies started to attack us and I thought katulad sila nung mga dummies na nakalaban namin noong enrollment test na mabagal kung kumilos. But, right now, ang bibilis nilang kumilos.

In-open ko agad 'yong garapong dala ko na may lamang tubig.(yes, garapon talaga. mahirap ang ating bida kaya garapon muna). Bumuo agad ako ng water shield sa harap ko ng akmang susuntukin ako ng batong 'to. Tumalon ako patalikod at gumawa agad ng water sword at inatake yung dummy na sumuntok sa akin. Espada dito, espada doon lamang ang aking ginawa dahil sa ayokong makipagsuntukan at makipagsipaan sa batong 'to. Ikaw kaya sumuntok ng bato! Diba masakit!

The Adventures of Frost Raider [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon