Goddess of Moon
Agad akong pumasok ng kwarto ng magsipasukan sila sa mga kwarto nila dali-dali akong gumawa ng portal. Pagkatapos kong ibalik ang mga element sa pouch ay dali-dali akong pumunta kung saan ko iniwan si Flame. Naabutan ko namang pinaluban siya ng limang wild beast samantalang siya ay binalot ang paligid nito ng nagliliyab na apoy. Nagtatangkang lumapit ng mga beast ngunit napapaatras din dahil sa init ng apoy. Naramdaman ko namang humihina ang apoy dito kaya agad kong pinalabas ang twin dagger ko at pinabulusok sa limang wild beast. Nang matamaan ang ulo nito na tumagos lamang ang dagger ko at inatake din ang iba ay naging mga abo ito. Sakto namang nawala ang apoy ng maubos lahat ng wild beast. In-unseal ko ang dagger bago lumapit kay Flame na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin.
"H-hey. Tumayo ka na dyan"
Malumanay kong utos sa kaniya. Umangat ito ng ulo dahilan upang makita ko ang luhaan nitong mga mata. Umiiyak ba'to?. Ba't naman siya iiyak?.
"P-pinapatawad mo na ako?"
Salita nito. Tumango naman ako. Naku pag may nangyari dito konsensiya ko pa. If I know wala naman ata akong kasalanan no.
Nagulat naman ako ng tumayo ito at yakapin ako. Parang bata kung maka-iyak naman 'to!. Ang OA ha!. Bigla namang tumigil ang hikbi niya na ikinakuno't ng nuo niya."H-hey, ang bigat mo Flame"
Salita ko. Bumigat kasi siya bigla kaya medyo tinulak ko siya at nakitang nakapikit ito. Maputla na din ang labi nito. Sh*t, nawalan ng malay!. Nadrain sa sobrang paggamit ng magic niya!. Ilang oras kaya niyang ginamit magic niya!. Agad akong gumawa ng portal mula sa ibabaw namin at dahan-dahan itong bumaba. Paglitaw namin sa kwarto ko ay inihiga ko siya sa kama ko. Hindi siya magagawang iteleport sa kwarto niya dahil sa Hindi ko Alam ang itsura ng kwarto niya. At kung dadalhin ko naman siya doon, for my strengths sake! Ang bigat niya!.
Agad ko namang ginamit ang water healing-energy magic na tinuro sa akin ni Frostier. Binalot ng tubig ang aking kamay at hinawakan ang kamay nito upang bigyan siya ng enerhiya. Pagkatapos kong gawin ang ginagawa ko ay ibinalik ko sa pouch ang tubig. Naramdaman ko namang medyo nanghina ako. Energy ko Kasi yung shinare ko sa kaniya. Aalis na sana ako para doon na lang ako matulog sa sofa sa labas dahil may kalakihan naman nun nang bigla niyang hinila ang kamay ko kaya napatigil ako.
"D-don't g-go d-dito ka la-ng"
Salita nito na nanghihina pa rin. tss. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko ng sinunod ko ang sinabi niya. Hahakbang na sana ako papunta doon sa sofa sa kabilang side ng kama ko nang bigla niya akong hilain. Sh*t!. Ba't lumakas 'to!.
"Dito ka na sa tabi ko matulog"
Sabi nito na yakap-yakap ako. At deretso na din kung magsalita!. Malamang binigyan mo ng enerhiya!. Eh ang bilis naman ata niyang lumakas!.
"S-salamat dahil binalikan mo'ko. I thought 'di mo na rin ako babalikan. And thanks for sharing your energy dahil kung Hindi baka tuluyan ng may mangyaring masama sa akin."
Sabi nito. Rin?. Mangyaring Masama?. Madrain lang?. Narinig ko naman ang mabigat nitong paghinga na ibig sabihin nakatulog na. Ako naman naiilang sa posisyon namin. Nakasubsob Kasi ang pagmumukha ko sa malapad at matigas nitong dibdib. Eng sherep!. Putik!. Dahan-dahan naman akong umalis mula sa pagkakayakap niya at nahiga ng maayos sa tabi nito. Naku!. Pag-di ako umalis sa posisyon na 'yon Hindi ako makakatulog!.
_________
Flame's POV
Idinilat ko ang aking mga mata dahil sa nasisilaw ako sa liwanag ng araw na tumatagos sa salaming bintana. Nakita ko naman si Frost na ang himbing ng pagkakatulog sa aking dibdib. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa ginawang unan ito ni Frost. Napangiti naman ako, naramdaman ko kagabing umalis siya sa pagkakasubsob sa dibdib ko pero tingnan mo nga naman. I missed this gay man. I thought hindi niya na ako babalikan sa gubat.
BINABASA MO ANG
The Adventures of Frost Raider[BxB]
FantasíaSamahan natin si Frost Raider, ang Prinsipe ng Glacier Domain, sa kaniyang di-pangkaraniwang pakikipagsapalaran. Ipinanganak upang maging Hari ng kaharian ng yelo, ngunit bago niya makamit ang trono, kinakailangan muna niyang harapin ang sunod-sunod...