Chapter 4

1.4K 56 2
                                        

"What's happening here?!" Esterikong tanong ni Ethan tsaka mabilis na sinuri ang kaibigan na ngayon ay patuloy sa paghikbi. Itinaas nito ang pisngi ni Sam na namumula pa rin dala ng pagkakasampal sa kaniya ni Ash. Napansin rin niya ang basag na salamin sa mata na nakakalat kasama ang mga gamit at libro ng kaibigan.

"Damn it!" Ethan cursed. Nagulat si Sam dahil ngayon lang niya narinig na magmura ang kaibigan. Hinarap ni Ethan ang grupo na sa hula niya'y nagpaluha sa kaibigan.

"Who did this?" Tanong niya sa grupo pero walang sumagot. "I said who fucking did this?!" Muli niyang tanong. Bakas sa tono ng pananalita nito ang galit at pagkasiphayo sa ginawa sa nakababata.

"Woah. The boyfriend is mad!" Ash said with so much entertainment in his voice. "Ain't this a better plot? The poor bitch being saved by his oh-so-handsome boyfie"

"Shut the fuck up, Ash. Cut your crap. Who did this to Sam?" Nag-aapoy sa galit na tanong ng Presidente. He's getting fumed because of what the group did to Sam. He hate to see Sam crying. He even hate the fact that there's someone who hurt his childhood friend.

"We did. But we're just playing" Jet nonchalantly shrugged. Ibinulsa nito ang mga kamay sa pantalon at akmang maglalakad na pero pinigil ito ni Ethan.

"Why did you hurt him?" Seryosong tanong ni Ethan. Ikinuyom nito ang kaniyang kamao upang pigilan ang sarili na gumawa ng bagay na laban kay Jet. Alam niyang hindi maganda kung magsasalita at gagawa siya ng bagay na laban sa binata.

"Sinagot ko na 'yung tanong mo. We're just playing. Right, Sam?" Peke itong ngumiti sa binata na ngayon ay nagtatago sa likod ng Presidente. Hindi naman sinagot ni Sam ang tanong at nag-iwas lamang ng tingin.

"E-Ethan, let's just go to class. M-Mahuhuli tayo sa---" Naputol ang dapat na sasabihin nito nang humarap sa kaniya ang kaibigan.

Humarap si Ethan sa nakababata at hinawakan ito sa magkabilang braso. He leaned closer to level their height. Ethan's eyes softened as their eyes locked for a moment.

"Sabihin mo nga, matagal na ba nilang ginagawa sa 'yo 'to?"

"A-Ah, n-no! I-I was just... It was just that I... Stumbled on him. That's it," nauutal na pagrarason ni Sam. Ethan sighed after hearing the lies of his bestfriend. Sam is always like this. Sinasarili nito lahat ng problema na meron siya kahit na nasasaktan at nahihirapan na siya.

"Sam..." Ethan softly muttered. He's not conviced on on what Sam said. He knew there's something wrong with his friend. He could feel it. Perhaps, he's his bestfriend. They've been together since they were young. Kaya kabisado na nito ang kaibigan sa tuwing may problema man ito o wala.

Naramdaman ni Sam ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata nang marinig ang maamong boses ni Ethan na tumatawag sa kaniya. Napayuko siya at sabay na lumandas ang luha nito sa kaniyang mga pisngi. Ethan's voice were soothing enough to bring Sam into tears. It was just too tender and comforting. It calms his trembling nerves. It was his lullaby whenever his heart was pounding with so much fear. Nakakaramdam siya ng  proteksiyon. Nararamdaman niya na may kakampi siya, na hindi siya nag-iisa.

"Damn it. I should've realized it. Gaano na nila katagal sa 'yo itong ginagawa?" Tanong ni Ethan sa patuloy sa pagluhang kaibigan. Hindi sinagot ni Sam ang tanong ng kaibigan.

Napabuntong-hininga si Ethan. Marahan nitong itinaas ang mukha ng kaibigan upang muling maglandas ang kanilang mga paningin. "Shh. It's okay. Don't cry. Hindi na nila 'to sa 'yo gagawin pa" Ngumiti siya rito upang pagaanin ang loob nito. Sam tried to smile but it was futile as he bursted with tears-- overwhelming tears.

"And, cut!" Pagputol ni Ash sa drama ng dalawa. Pumalakpak pa ito upang iparating ang pang-iinsulto sa Presidente at sa kaibigan nito. "Nice. Hindi ko inasahan na mahusay palang aktor ang Presidente ng Student Council. And look, his leading-lady might get his next award. What a natural actor" He smirked. Tumawa naman ang iba pa nitong kasamahan. Muling hinarap ni Ethan ang Black Sinister Demon.

Bad Boy's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon