Chapter 1

2.4K 82 2
                                        

[BEFORE THE FIGHT]

Sam yawned dramatically after hearing Ethan's voice outside his dorm room. Tinignan niya ang oras at nagulat dahil ala-sais na pala ng umaga. Sam's eyes widened at agad siyang tumayo at tumungo sa pintuan. Pinagbuksan niya ang lalaking kanina pa kumakatok.

"Uhm... Good morning?" Sam awkwardly greeted Ethan.

"Oh, ba't 'di ka pa naka-uniporme?" Panenermon ni Ethan. Gusto man niyang tumawa dahil sa itsura ng kaibigan ay pinigilan niya ito. Napatingin si Sam sa kasulukuyan niyang suot. Agad na namuo ang kulay rosas na kulay sa pisngi nito.

Doraemon' pajamas? Great, how embarrassing. Saad nito sa sarili.

"A-Ano kasi..."

"Sam, alam mong first day of school tapos nagpuyat ka na naman." Hindi makapaniwalang saad ni Ethan. Umiling ito upang ipakita na disappointed siya sa kawalang responsebilidad ng nakababatang kaibigan.

"Uh. Sorry, tinapos ko kasi 'yung libro na pinadala sa akin ng mama mo. Masiyado kasing maganda kaya hindi ko napigilan 'yung sarili ko. Besides, hindi naman ako dinadalaw ng antok." Pagrarason ni Sam.

Napa-iling na lang si Ethan sa rason ng kaibigan. He mentally scolded his mother in tolerating this kid to read books even during late nights.

"Okay, fine. Just make your shower quick. Mamaya na tayo mag-usap at baka maubusan pa tayo ng pagkain sa cafeteria. I'll wait for you here." Ngumiti si Ethan at ipinakita ang pantay, kumpleto at puti nitong ngipin na nagdulot ng pamumula ng pisngi ni Sam.

"O-Okay. I'll make it quick." Agad niyang isinara ang pinto at agad na dumiretso sa banyo. Narinig pa niya ang pang-aasar na sinabi ng kaibigan patungkol sa suot nitong pajamas.

Jerk! Sam huffed.

He undressed his pajamas the moment he stepped in the shower. Sa bawat kwarto ng dormitoryo ay may maliit na banyo. Hindi maitatanggi na mayaman ang kanilang paaralan. There are rooms for every students and it brings conveniency to them. It's one of the best asset na meron ang South Castle High. Nasa loob din mismo ng campus nila ang dormitory rooms para sa mga mag-aaral. Kaya nasisiguro ang kaligtasan ng bawat estudyante. The competency and efficiency of their school for the sake of their students made them on top of the list pagdating sa mga kinikilalang mahuhusay na paaralan. Sam was gratefuful that he got the chance to study here.

Hindi niya namalayan na tapos na pala siya sa pagligo. Sinuot na nito ang puting uniporme at itim na pantalon. Isinunod nito ang kurbatang itim at iniayos ang
pagkakasuot. Hindi naman na niya nakuha pang paglaanan ng oras ang pag-aayos ng buhok dahil natural na itong buhaghag. Pinatuyo lamang niya ito at ipinahid pataas para hindi maging magulo kung titignan.

Napatitig siya sa salamin. Masiyado na siyang namumutla at halata na rin ang malalaking bags sa ilalalim ng mata nito. Marahil ay dahil sa pagpupuyat. Sam bubbled his face when he noticed that he's gaining cheeky fats. Dumako 'yung tingin niya sa katawan nang mapansin na wala pa rin nagbabago. He's getting insecured because of his body frame. Sam isn't the tallest boy on their school-- not even at the average height. Plus, he got a slim and skinny body. Not to the point where his bones were extremely visible. But it's just that, he has this feminine features. Pale, slim, small and soft.

And he hate it. Nagmumukha siyang mahina dahil dito. Nagmumukha siyang kawawa.

He's getting bullied because of his physical appearance. They always make fun of his. They treated Sam differently and manhandling him daily.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya excited sa pagbabalik eskuwela. Hindi gaya ng ibang estudyante na natutuwang bumalik sa South Castle High dahil sa taglay nitong ganda at dahil muli na naman nilang makakasama ang mga kaibigan, para kay Sam hindi ganoon ang magiging takbo ng huling taon niya rito.

Bad Boy's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon