Chapter 9

971 56 17
                                        

Update muna bago ulit mawala hahahahaha charot

Sam

"I'm very much disappointed that you let it happen. Hindi ba dapat ay lumapit kayo at humingi ng tulong sa amin? Estudyante namin kayo. Paano na lang kung mas malala pa 'yung napala ni Mr. Xavier?" Mahinahon ngunit may diing panenermon ni Ms. Glydel, ang counselor ng South Castle High.

"Sorry po," I mumbled. Pinamulahan ako ng mukha. Nakakahiya, parang kanina ko pa yata sinasabi ang salitang sorry.

The counselor sighed. She stood up and sauntered her way right into where the huge cabinet is. Tila naman may hinanap siya na kung ano sa dami ng papel na naroon.

Nandito ako ngayon sa counselor's office. Nabalitaan na kasi ng admin ang nangyaring gulo sa pagitan ni Jet at Ethan, at hindi sila natuwa. Kaya pinatawag nila ang lahat ng kasabwat sa nangyaring gulo noong nakaraang Biyernes. Pero mukhang ako lang ang pumunta. Well, I knew Ethan would be here too only if he's not... uhm, bruised and severely injured. Samantalang hindi ko naman alam ang rason ng Black Sinister Demon at ng lider nilang si Jet kung bakit wala sila ngayon. Siguro dahil alam naman nila na anak ng may-ari ng school si Jet kaya hindi na sila nag-aksaya ng oras para lang pumunta pa rito--- dahil alam naman nilang hindi sila malalagot? Hays, ang daya naman. Sila nga itong dapat na malagot at maparusahan, eh.

Pero siguro tama na rin 'to. Kasalanan ko rin naman talaga dahil hinayaan ko itong mangyari. Kung pinigilan ko na lang sana si Ethan na siputin si Jet--- o hindi kaya naman kung umabot lang sana ako bago pa humantong sa sobrang madugong aksiyon 'yung naging hamon ni Jet, hindi sana ganito ang mangyayari. Right, for some reason, maybe I do deserve to be here.

Tama, kasalanan ko kung bakit ako nandito at kasalanan ko rin kung bakit napahamak si Ethan. Kung bakit nasa ospital siya ngayon.

I sighed. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang sarili na tila bibigay na sa pagpipigil ko na h'wag maluha. I hate this side of mine. Why do I always have to be this fragile? I hate being such a cry baby. I wish I could be more like Ethan.

Yeah, right. Speaking of Ethan and wishes. I wish I could be by his side for real this time. I wish I could give him comfort. I wish I could at least thank him for being my hero for the hundredth time. But for sure I'll blame him for a small reason of being too assertive in fighting Jet. Kung nakinig lang sana siya sa akin. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ethan is Ethan.

Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Sinabi ko na kasing kaya ko naman nang harapin sila Jet mag-isa. Isa pa, halos araw-araw naman na nila akong ginugulo kaya hindi naman na ako natatakot pa sa kanila. Well, yeah I'm lying. Sabihin na natin, oo araw-araw akong ginugulo at inuuyam nila Jet at nagdudulot pa rin 'yon ng takot sa akin pero, hindi na sa akin bago 'yon.

Sa ngayon, Ethan was on the school's hospital. Yeah, there's a hospital inside the campus. Nakakatawa man isipin pero para sa akin nakamamangha 'yon. Though SCH's hopital was kinda small compared to other hospital outside the campus, it can still accompany patients with serious illness. They have lots of apparatus and machines there so I could probably say that our school is definitely one of a kind. We even had school doctor here. See? That's why South Castle High was considered one of the prestigious institutions here in our country.

Nakamamangha talagang isipin na may ospital sa loob ng SCH. Maging ako noong una ay nagulat. Pero ang sabi sa amin noon, para raw ito sa mga emergency cases na maaaring mangyari within the school's vicinity and within the school's premises. Also, we are far away from the city so it would take us an hour or two para lang makapunta sa pinakamalapit na ospital. Kaya masasabi kong maganda ang naging desisyon ng admin para magtayo ng maliit na ospital sa loob ng campus. Jet's parents was really something. I mean, who would thought that building hospital inside a of a freaking campus would bring fame and recognition for them?

Bad Boy's Slave [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon