CHAPTER 3

11 1 0
                                    

ALEESHA

Ngayong gabi ay naguusap kami ngayon ni Diana sa Skype at syempre miss namin sa isa't-isa.

“Congrats sayo Barbie nanalo ka na naman” bati sa akin ni Diana

Ningitian ko sya sabay sabing,“Syempre naman malakas to.” at sabay tawa.

“Kailan ka uuwi?”

“hmmmm, hindi ko alam. Si mommy at daddy lang nakakaalam alam mo naman yung mga magulang ko ayaw nila sinabi sa akin”

“Ay oo nga pala! mag per-perform ka pala sa ISU!” Sabi ni Diana at napa snap pa sya

Oo nga no?

“Oo nga! Salamat sa inform beshy!”

“Sus daig mo pa ako na hindi sumali sa skating may alam pa tuloy ako tungkol sa mga events na iyan.”

“sige switch tayo ikaw dito at ako naman dyan ayos ba?”

“Pwede pero hindi na pwede sa akin. Alam mo na matigas na ang katawan ko dyan. Dapat pala sinimulan ko na iyan kaso wala pang rink dito sa Pilipinas eh”

“hahaha!”

Umaga at nandito na ako sa rink kasama ang coach ko at si Daddy! Ngayon ay pina practice ko na ang footsteps, turns and jumps nung ginawa ko sa Olympics.

Na matapos ko na ay nag wa-water break muna ako. Binigyan ako ni Mommy ng 15 minutes break.

“Anak” tawag ni coach lumingon ako sa kaliwa at tumayo ako saka lumapit sa kanya. “Po?” sabi ko. tingin ni mom at dad sa akin ay seryosong-seryoso “anak kailangan na namin sabihin ito sayo” sabi ni daddy. Sa tono nya ay seryoso.

Hindi nga sya nagbibiro.

“Ano po yun?”

Tumingin muna sila sa isa't-isa saka bumalik ang tingin nila sa akin. Tinapik ni daddy ang balikat ni mommy bumuntong hininga muna si mommy saka sya muli mag salita.

“Aleesha anak, this is your last to compete.”

“compete”

“compete”

“compete”

A-ano?!

Parang ume-echo sa akin ang mga sinabi sa akin ni mommy. Parang tumigil ang pag ikot ng mundo. Mabilis ang pagtakbo ng dugo ko hanggang sa umabot na ito sa puso at utak ko. Parang sinabi na ni utak sa akin na,

Kailangan mo na mag retire!

Tae ang sakit mas masakit pa ito sa breakup mga ulol!

Skating is my life. Dito na ako lumaki sa skating saka napaka aga naman na mag re-retire ako!

Kumurap ako ng tatlong beses at nilunok ko muna ang laway ko bago ako mag salita, “M-mommy—no co-coach. A-ano bang sinasabi mo?” utak kong sabi

Aleesha X Vince (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon