ALEESHA
Nasa gitna na kami ng byahe. ito kasi si manong ang daldal hahahha tsaka ang ang bait pa nya sa amin.
“Idol” tawag sa akin ni manong.
Naka upo kami sa likod ng passenger seat.
“po?” tawag ko.
“bakit po kayo ni-retiro bilang skater? napaka aga nyo naman mag retiro ang ba-bata pa. Ah! pasensya na idol sa tanong ko”
nawala ang ngiti ko na marinig ko ang tanong na iyon.
ngumiti ako ng kaunti saka bumuntong hininga. “Ahm. pasensya na sayo pero hindi ko kaya maisagot ang katanungan mo manong..mahirap I explain haha!” Sabi ko
tumango si manong, “Ahm idol, May balak ka bang maging coach e syempre hindi ka na maka compete diba?” sabi nya
Coach? Sa totoo lang wala pa iyan sa isip ko mag coaching.
“Ahm..sa ganun po, wala pa iyan sa isip ko mag coaching” sabi ko
tumango sya saka ngumiti, “Alam nyo po ba idol, idol na idol po kita lalo na yung anak kong lalaki gusto pa sya maging skater katulad mo” sabi nya
tumango ako, “Ganun po ba?”
“Opo, tsaka nag simula na nga sya mag training kasama ang coach nya pangarap talaga nya maging skater at kapag pumasok na sya sa international hahanapin ka nya at pasasalamatan ka nya dahil ikaw ang dahilan kung bakit sya naging skater. dahil nag retiro ka na, imposibleng magkita kayo sa anak ko” sabi nya at ngumiti sya ng kaunti.
“huwag po kayo malungkot manong, balang araw makikita ko ang anak mo promise” sabi ko. sabay ngiti
bumaba na kami sa taxi at binayad ko ang pamasahe namin at nagpaalam ako kay manong driver.
Nandito kami ngayon sa Steps Garden Resort. At syempre ito naman tong si Diana ay enjoy na enjoy sa swimming sa pool samantalang ako ay nag babasa ng libro sa totoo lang wala talaga akong gana mag swimming.
“Hanggang dito ba naman dala mo parin pocket books mo ah” rinig ko ang pamilyar na boses at tiniklop ko ang libro at nakita ko si Kuya Miguel na mag dala syang dalawang baso na May laman na shake. Inilapag nya ang dalawang baso sa lamesa. “Kuya Miguel! Long time no see” sabi ko sabay ngiti
Ngumiti sya saka umupo sya sa tabi ko. “balita ko, nag retire kana” sabi nya.
“Oo nga eh, sa totoo lang mahirap talaga na isa ka na retiro hindi kana makapag compete pero makapag skate ka pa pero hindi ka nga pwede makapag compete pa.” sabi ko at bumuntong hininga saka yumuko ang ulo ko.
“So, Ano dahil retire Kana ano gagawin mo ngayon?”
“Ibenta ko ang gawa ko”
“Ano?”
“mga painting”
Yun napa hawak pa sya sa dibdib nya ngumiti sya saka pumalakpak pa sya. “wow ha hindi mo ako ininform na may painting ka pala. Tingin ko sayo isa ka lang skater”
Ngumisi ako saka tumingin sa pool na ngayon ang ginawa ni Diana ay nag salbabida at sinubokan nya sumisid pero hindi Kaya dahil may salbabida sya para maka lutang ang kanyang katawan.
Baliw.
“kala mo lang bukod sa magaling ako mag paint nagpa tugtog ako ng piano syempre kumakanta rin ako” Sabi ko
“nakakaingit naman”
“anong nakakaingit? kumakanta ka pa nga saka naggigitara ka pa nga eh”
“S-sino nag sabi?”
“kapatid mo. Never pa kita nakita kumakanta, sample naman dyan!”
“ayoko, nakakahiya”
“sige na!”
Agad sya tumayo at ngumiti at kitang kita ko ang namumula ang kanyang pisngi.
“Sorry, babalik na ako sa trabaho baka tinawag na ako say boss ko. sige enjoy!” Sabi nya at naglakad na sya papaalis.
Drabe naman tong si kuya ayaw nya pinakita ang talent nya.
“Uy! Shake!” Sabi ni Diana at ininom nya ang orange shake nya. Kinuha ko ang buko shake ko saka ininok ko ito.
“Yieeeeee alam mo ba Barbie? May crush yun si kuya Miguel sayo”sabi nya at siniko nya ako.
Pinaalala ko kanina ang itsura ni kuya Miguel.
Namumula at nahihiya.
“parang hindi naman” Sabi ko.
“anong hindi? Kita mo ba iyang pamumula nyang pisngi?”
“hindi lang, nahiya lang?”sabi ko
“nako nako” sabi nya at napa tsk tsk pa sya. “Diana, May Javier na ako”sabi ko. Na nabanggit ko ang pangalan nya ay bigla ako namumula. “eh hindi ka naman kina-crushback nun”
“alam ko hanggang crush lang naman eh”sabi ko.
Tumingin si Diana sa akin at nagtaka naman ako kung bakit ganyan sya makatingin sa akin. “Teka nasaan ang kuwentas mo? Bat wala sa leeg mo?” taka nyang tanong habang ang tingin nya ay nasa leeg ko. Saka lumapit pa ang mukha nya sa leeg ko saka inilayo nya ang mukha nya saka umupo sya ng maayos.
“Nilagay ko lang sa——” pinutol ko ang sinabi ko na maalala ko ang pangyayari nung nasa Canada pa kami.
Yung kuwentas ko ay isang G-clef na silver at palagi ko yun sinusuot yun. Binigay yun sa akin ni Diana nung nagka injured ako nung three months ago. Nung time na yun nung lumayo ako kina mom at dad ay hindi ko pa sinuot ang kuwentas ko dahil nakalimutan ko sinuot ang kuwentas.
Nasa Waiting shed ako at hinubad ko ang skate shoes ko saka binuksan ko ang sports bag ko at nasa loob ng pouch yung kuwentas ko dahil yung box nasa condo. Tapos kinuha ko ang sapatos ko na nasa loob ng bag ko. Naka patong kasi yung kuwentas sa sapatos yun hinila ko yung sapatos at...Tae! Nahulog yung kuwentas!
Patay paano na...
“Ano? Saan mo nilagay?” tanong ni Diana.
“Ah..ano..nahulog s-sa waiting shed”sagot ko
“ANO? SAANG WAITING SHED?”
“w-wala dito sa Pilipinas”
“Aleesha naman!”
“Sorry na”
“Para sayo yun eh tapos pinag iponan ko pa iyan para sayo tapos nawala pa?”
“Sorry na! Sorry na hahanapin ko yun pagbalik namin sa Canada”
“Babalik ka pa sa Canada? Aleesha, wala na ang kuwentas na yun kinuha na yun hindi mo na makita pa uy!”
******
[NO ONE'S POINT OF VIEW]
Dito sa library, May isang binata nag babasa ng libro. Pagkatapos nya binasa ang libro ay kinuha nya ang isang kuwentas na hugis G-Clef na pilak na nasa pouch at binasa nya ang pangalan naka dikit sa pouch.
Aleesha Derata
At may sticker pa na Philippine Flag sa baba.
Aleesha pala ang pangalan nya akala ko si Barbara. Kamukha pa naman nya yung babaeng minamahal ko ang babae na mahal na mahal ko noon.
Binalik nya sa bulsa ang kuwentas saka kinuha nya ang libro at binalik nya ito sa shelf saka umalis na sya sa library.